Chapter 19

90 15 0
                                    

April POV

Pag gising ko sobrang sakit ng mata ko hindi na nga ako makamulat. Nakatulala pa ako ngayon sa loob nitong tent hayy naku.... Ano na bang petsa?

"Hoy!"

Napasubsob ako ng may sumulpot sa likod ko.

"You scared me."bulyaw ko kay Xan sabay hampas ng unan sa mukha.

Palagi nalang siyang sumusulpot sa kung saan.

"Wala ka bang balak pumasok? O may hang over ka pa sa sem break?"Sabi nito kaya kinuha ko ang towel ko para makaligo na.

Parang normal lang ngayon na para bang walang mangyayari sa hinaharap. Sana naman bago mangyari yun masabi ko kay Xan kung ganoon siya kahalaga para sa'kin.

Hindi ko na naabutan si Xan kaya pumasok ako ng mag isa sa school. Pagkadating ko sa classroom wala si Bianca at Xan kaya mag isa lang ako dito.

Hey Jude
Don't make it bad
Take a sad song and make it better 🎶🎶

Nakakainis namang sound trip yan!

Hinanap ko kung sino yung nagpapatugtog dito sa classroom at nakita ko na si James pala nanggagaling yun. Hayyttsss napaka'old school talaga niya.

"Hoooyyyyy!!!!"

May biglang dumikit sa pisngi ko na malamig at si Xan na naman ang may gawa at itong si Bianca naman nakangiti lang.

Hayyttsss yang gawain na naman ni Xan.

Ilang sandali nagklase na kami kaya hindi kami nakapag usap na tatlo. Habang tumatagal iniisip ko hindi ko na makikita ang mga ngiti nila. Para sa kanila din naman ito lalo na si Xan.

Matagal ng ganito si Lolo nung bata ako kung ano anong laro ang nilalaro namin pero ang mga taya ay kung anong kompanya ang bibilhin niya. Nauuto niya ako noon. Minsan pinaiwan niya ako sa loob ng Mansion at hinayaang makalabas. At paglabas ko nakita ko siyang nakatayo at pumapalakpak.

Tinatawag niyang Escape Game ang laro niya.

Hayyttsss... Baliw na talaga yun.

"April"

"April..???"

"Hoy!"

Agad akong nagising sa pagkakatulog ko ng ugain ako ni Bianca. Kaya pala wala akong naiintindihan sa lesson tulog na pala ako.

"Uwian na.. bakit hindi ka parin gising?"tanong ni Xan sa akin.

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi."sabi ko sabay kuha ng bag ko at sinuksok sa aking balikat.

Sabay kaming umuwi ni Xan pero sabi niya sa Park muna kami mag stay.
Nakita na naman namin si Alex at Alexa na naglalaro.
Nang makita nila kami lumapit agad sila para makipag laro pero nandito lang kami sa isang bench at nagkukulay ng coloring book. Kausap ni Xan si Alexa at itong si Alex nasa tabi ko lang.

Natutuwa ako sa mga batang ito,grabe naman itong nakikita ko ginawang manika ni Alexa si Xan dahil binigay ni Alexa ang headband kay Xan. Hahahaha napangiti nalang ako kay Xan pero sinimangutan niya lang ako. Hahahaha...

"Ate April.." nilingon ko si Alex pero pagharap ko hinalikan ako ng batang ito sa pisngi.

"Hoy! Bakit ginawa mo yun!?"Sabi ni Xan at tinuro pa si Alex.

Hala!? Bakit ganito mag react si Xan. Kulang nalang sugurin si Alex pero yumakap lamang si Alex sa'kin.

"Payakap yakap ka pang bata ka."Sabi ni Xan.

"Hoy Xan! Pati bata papatulan? "Pagsasaway ko kay Xan.

"Kuya may gusto ka ba kay Ate April?"tanong ni Alexa.

Nakaramdam ako ng pagkainit sa mukha ko dahil sa tanong ni Alexa. Naku po! Nag blush pa ako?

"Kayong dalawa saan niyo ba nakukuha yang tanong niyo? Umuwi na tayo."Sabi ni Xan at agad hinigit si Alexa.

Habang naglalakad kaming apat papunta sa bahay nitong kambal natutuwa parin ako sa reaction ni Xan kanina daig pa nito ang nagseselos na boyfriend. Tsk! Boyfriend?? Tumigil ka April wag kang mag assume!!!

Pagkaalis ng kambal kami naman ni Xan ang umuwi sa bahay nila. Tahimik kaming lumakad hanggang sa makarating kami.At pagpasok naman namin ng bahay si Tito Albert ang sumalubong samin. May hinagis si Tito kay Xan at nakita ko na susi yun.

"Happy birthday Xan."Sabi ni Tito kay Xan.

"Tinawag mo kong Xan? Pa."

Oo nga noh? Hindi na Alexander hahaha

"Thanks Pa." Sabi ni Xan sabay yakap sa Papa niya.

Agad lumabas si Xan para tingnan kung para saan ang susi na binigay ni Tito.

Kung ganun birthday ni Xan?

Ngayon ba?

"Tito ngayon ba ang birthday ni Xan?"

"Bukas pa... By the way April gusto ko sanang i'date mo si Xan bukas."Sabi ni Tito..

Eh????

Date???

Bukas??

"Date? Si Bianca nalang po."Sabi ko pero gusto ko naman yun pero nahihiya ako.

"Ayaw mo ba? Ang alam ko isasama ng parents niya si Bianca bukas sa meeting."


"Ganun po ba? Sege po."

Kumamot ako sa ulo sabay lingon kay Xan sa labas.

Hayyttsss... Birthday pala ni Xan.

Ano naman kaya ang ireregalo ko?

Expensive Car?

Expensive Jewelry?

High class na damit?

Teka? Abot pa kaya ako sa gift shop ngayon!?

Hayyttsss bahala na...





*******


Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon