Chapter 16

82 20 0
                                    

Xan POV

Pagdating namin ng bahay ni April agad akong nag message kay Bianca. I know this time she already cried and take a moment alone. Noon pa man hindi ko na nagawang iwanan siya dahil ayukong nag iisa siya kasi mahalaga siya. Siya ang unang naging mabuting kaibigan and the one who accept me from the first.

"Sinong ka'chat mo?"tanong ni April sa akin habang nag aayos siya ng gamit.

"Si Bianca.. Kamusta kayo ni Felix?"pagbabalik ko ng tanong kay April. Saglit siyang tumigil bago pa man sumagot.

"Ayun wala namang bago."sagot nito.

Umupo ako sa kama ko habang pinapanood siya pero kinuha ko ang isa sa binabasa kong BL story. Naalala ko ito yung binabasa ni April. Tsk.. Why I always remember the things that belongs with her. Nonsense!
Lumabas ako ng kwarto ko para pumunta sa living room. A place without her presence.
Nakatulala lang ako sa kisame ng bahay kahit sobrang taas nito. Itong kisame na ito parang si April sobrang taas.

Hayyttsss... Si April naman?!
Pumikit nalang ako para hindi siya maisip.
Tama.. good idea Xan..

"Hoy!"

Minulat ko ang mata ko at itong si April ang bumungad sa'kin. Shete! Bakit siya ang nakikita ko ngayon?
Hindi ko na malaman kong panaginip ba ito dahil kung saan saan siya sumusulpot. Kahit pagpikit nandoon siya.

"Ewww.. doon ka nga.. kinikilabutan ako sayo t'wing humaharap ka sa'kin ng ganyan.Mamaya mahalikan mo na naman ako."sabi ko sabay tulak sa kanya palayo sa'kin.

"Bakla ka talaga ano? Pero mukhang hindi naman kapag hindi ka nagsasalita."Sabi nito.

Tsk! Anong meron sa kanya at nagsasalita siya ng ganyan. Bakla naman talaga ang tingin niya sakin e.

"Oo nga Xan sa Christmas uuwi ako ng bahay para bisitahin si Makoto."

"Bakit hindi ka nalang umuwi sa inyo."sabi ko.

Hindi naman sa pinapaalis ko siya pero mas mabuti kung kasama niya ang pamilya niya. Kung ako nga ayaw ko ng hindi kasama si Mama kahit pa inaasar niya ako.
Oo yung asar na palaging ALEXANDER ang maririnig mo sa kanya.

"Alexander?"

Speaking of the devil... Ayan na siya...

Lumapit si mama sa amin ni April na may dalang paper bag. Siguro nag shopping na naman siya. Madalas lagi siyang namimili but in the end hindi rin niya nagagamit.

"May binili akong T shirt lima yan mga brand new ang lahat ng yan."sabi sa'kin ni Mama sabay abot ng isang paper bag. "April meron ka rin.. may mga make up na rin dyan at syempre may mga kung ano rin sa loob niyan bukas mo nalang"

"Hindi na po sana kayo nag abala pang bilihan ako. Okay lang naman po ako. " Imik ni April na nahihiya pang abutin ang mga paper bag.

"Ayos lang sa'kin. Para na kitang anak at isa pa thankful ako na lagi mong kasama si Alexander. "Sabi ni Mama kaya napalingon ako sa kanya.

"Ma... Hayyttsss alam ko yang nasa isip mo ahhh.. "

"Naku ka.. Mali yang nasa isip mo."

Hindi na ako umimik at pumunta nalang sa kwarto ko dala ang damit na binili ni Mama.

Do I like her? Bakit kinakabahan ako kanina habang kasikbay ko siya. Hayyttsss.. Estap Xan! You like BL than her.

Xan you don't like her...

You don't like her!!!

I like her.

Hey! what!? No!!!

Tsk.. I'm really going crazy..








April POV

Napakabait naman pala ni Tita Yumi. Sana katulad siya ni Mama or I wish she become my mom soon.Naks!! Lakas maka imagine!!

Dati ko pa gustong magtanong tungkol kay Xan. I think she knows about her son.

Nilingon ko muna si Tita at nung hindi na siya abala sa kakaayos ng gamit lumapit na ako.

"Tita..."panimula ko.  "Magtatanong po ako about Xan."

"Uh? May ginawa ba ang anak ko sayo?"sabi nito kaya napailing ako sa kanya.

"Hindi po yun. Itatanong ko po kung tunay na lalaki po ba si Xan noon. Alam niyo na may mga lalaki na nagiging bakla at yung iba since birth na." Sabi ko sabay tingin doon tingin dito.


Huminga siya ng malalim sabay hawak sa balikat ko.
Teka? May iba pa bang kwento si Xan na nakatago lamang.


"Alam mo April nagsimula ang lahat ng yan sa MonteCarlo Academy."

MonteCarlo Academy? Don't tell me na doon nag aral si Xan?

"May naging Girlfriend si Xan ang pangalan niya ay Cassandra Montes." Wait! What!? Montes? Is it the daughter of Director of School? "May issue si Xan sa School dahil sa girlfriend niya. After nun na'bully ang anak ko at na'decide kami na ilipat siya ng School kaso nagbago siya. Lahat ng allowance niya binili niya ng BL books pati CD kaya binawasan namin ang allowance niya. Pero alam mo ba na hindi siya tumigil hanggang sa maaksidente siya sa motorbike niya kaya binawi namin at tinago. Akala ko hindi pa titigil pero isang araw nakita ko siya na may kaibigan at si Bianca yun."

Kung ganun may girlfriend si Xan noon?
Nagiging interesting ang kwento ni Tita.

"Nalaman ko na may gusto si Bianca kay Xan kaya akala ko magiging masaya ulit sya pero sinabi ni Bianca na hindi siya pwedeng magustuhan ni Xan dahil si Cassandra parin ang mahal nito. Kaya naman simula noon umaakto na parang bakla si Xan para walang magkagusto sa kanya."

Yun pala ang dahilan kung bakit.

"Kung ganun po ba nagpapanggap lang siya?"

"I'm not sure kung hanggang ngayon nagpapanggap parin siya."

Kung may issue si Xan sa School nila pero bakit hindi ko alam? Marahil dahil iba ang section niya.

Sa Academy kasi ng MonteCarlo mula grade 7 hanggang grade 10 na section 1 to 2 ay naka separated. Section 3 ako nun kaya ang nakikita ko lang ay ang ibang grade level na section 3. Si Felix naman ay section 2.

Mas nauunang mag break time ang section 1 kesa samin at sa uwian nauuna din sila. Pero pagdating sa pagtuturo pareho lang kaso kapag hindi ka naging top 10 o isa man sa mga yan ay hindi ka mapupunta sa section 1 balita ko 20 student lang ang section 1.
Kaya siguro hindi kami nag kikita ni Xan o maging si Cassandra.


******************

Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon