Chapter 9: Practice

94 18 1
                                    

April POV

Grabe hindi ko akalain na ang hirap ng ginagawa namin. Bukas na ang play and so far we are busy to prepare all we needed. At ang nakakainis nakaupo lang ang Prinsesa namin sa tabi habang umiinom ng milktea.Tsk! Sarap bantukan nitong dala kong props na espada sa mukha. Nakakapagod kaya.

Huminto ako saglit ng lapitan siya ni Beanie nag usap sila ng saglit habang nag pipicture. Ewan ko ba at umasim ang mukha ko at nawalan ako ng gana para ilagay ang props na ito sa backstage.

Hindi ko na rin napigilan na lumapit sa kanila at mukhang napansin na rin nila ako.

"O April do your job tomorrow. Kaya niyo yan."sabi ni Beanie bago tumayo para umalis. Tumayo lang ako sa harapan ni Xan habang nakapamewang.

Tiningnan lang niya ako na para bang wala lang.
Hayyttsss bakit hindi ko magawang magalit sa kanya. Naiinis na ko sa sarili ko dahil hindi ako nagagalit sa kanya. What's wrong with me?? Bigla nalang nag iba ang tingin ko sa kanya.

Tumalikod nalang ako para umalis pero may pumigil sa'kin.

Tug dug tug dug..

Bwesit ka Xan bakit kinakabahan ako ngayon.. bitawan mo na nga ako. Nilingon ko siya pero pagharap ko yung milktea ang bumungad sa akin. Kainis...

"Bakit aalis ka? Dito ka nga muna." Bumitaw siya tapos umupo sa dating pwesto niya at ako sumikbay lang sa kanya.

Nahihiya na ako ngayon sa kanya nitong nakaraan dahil hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko na ata siya e. Dahil siguro madalas ko siyang nakakasama at kapag nawawala siya sa paningin ko lagi ko nalang siya hinahanap sa paligid ko para bang hinahanap hanap ko siya. Tuwing gabi naman hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya kapag tulog siya. At minsan kapag sobrang lapit niya kinakabahan ako. I know it's a sign that I'm inlove but I just want to find a reason why I am like this. I do love him but what about his sides.

"Yung play bukas good luck sayo ah."sabi ni Xan. Lumingon ako sa kanya habang naiilang parin.

"May itatanong pala ako. May nagugustuhan ka na ba?"tanong ko.

You're so stupid April. Why do you asked that stupid question!?

"Wala naman akong ibang nagugustuhan kung hindi ang tulad mo, wala pa akong ibang nakikita na kagaya mo."

Hep! Teka!? Alam ko ang sinabi niya ah!!.. tsk! Yung lines niya pala yun sa script. Tsk! Pahanga ka Xan!

Sumimangot ako ng marinig yun.

"Biro lang naman. Ang totoo wala pa akong nagugustuhan. " Sabi muli ni Xan.

Mabuti naman kung wala pa at makakahinga na ko ng maluwag. Pagkatapos ng usapan namin ni Xan nakita ko si Bianca na nakatayo sa tabi ng stage. Lumapit ako sa kanya para tanungin siya dahil malungkot siya.


"Bianca. What's up?"

Ngumiti lang siya ng makita ako.

"May naalala lang ako nung makita kayo ni Xan."

"Ano yun?"tanong ko.

"Wala naman yun. Halika tulungan mo nalang ako."


Alam ko may problema siya pero ni minsan wala pa siyang naikukwento sa akin.







Felix POV



"Where's April?"

Kanina pa ako kinukulit ni Tita May na Mama ni April dahil hanggang ngayon hindi ko parin sinasabi kung nasaan si April.

"Tita kahit sabihin ko alam kong hindi parin siya magpapakita."sabi ko.

"I know you like her,why did you let her to escaped.?"

Nanahimik ako sa sinabi ni Tita. Alam ko naman na kahit anong gawin ko tatakas parin siya.

"Please, give her a time bago niyo siya pilitin na makipag sundo sa gusto niyo."umalis na ako para pumasok ng school.

Pagkadating ko doon nakita ko si Sandra na naglalakad sa hallway at mukhang papalapit sa'kin.
Classmate ko si Cassandra Montes at isa rin siyang Student Council ng Grade12 sa Campus. Anak siya ng Principal ng School at ang may ari ng school na ito.

"Mr.Pikachu mukhang late ka naman sa sa second period pero top student ka parin."pagbati nito.

"Wag mo kong tawagin na Pikachu. Miss Worm." I called her Ms. Worm dahil takot siya sa uod hahahaha.
"Tsk! Pumasok ka nalang sa klase mo." Sabi nito at lumakad na muli.

Wala akong nagawa kundi ang umupo sa loob ng classroom namin. Nakakatamad naman kasi.







********


Author POV

Hello guys. O Break muna. Thanks sa mga nagbabasa nitong kwento. Medyo nahihirapan ako sa mga susunod na kwento dahil iba ito sa dating kwento.

Please support this story. Alam ko maraming ganitong kwento about sa gay.. Pero ang alam ko. This story is my own ideas..

Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon