Kung sana kagaya lang din siya ng iba,
Yung wala akong paki kahit wala ka wala din akong paki
Yung kahit di mo ko pansinin baliwala sakin
Yung pag onting arte mo lang aayawan din kita
Yung kaya kong ayawan ka
Yung kaya kong pagpalit ka
Kaso wala eh.
Di ka kasi kagaya ng iba
Hindi kita kasi pinaglaruan
Masyado kitang minahal
Kaso wala eh
Baliwala lang ako.
Sana kagaya ka lang ng iba gaya ng sabi mo
Yung tipong pinaglalaruan ko lang dahil malungkot ako
Kasi kung kagaya ka nila bakit mas malungkot ako ngayong wala ka
Bakit sumaya ako sa mga kagaguhan natin
Ewan ko na.
Bakit kasi sayo kahit masakit masaya ako?

DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon