May 7, 2019

2 0 0
                                    

With my routine after going to school,  bumaba sa blueboz at umikot ikot sa makati papuntang pateros. Since naguubos ako ng oras (bawal umuwi ng di pa 6:30 dahil malalaman na di ako pumasok sa work) nakasanayan ko ng tumambay sa Garden of Memories.

A while ago, may matandang lalaki, sa chapel may hagdan nandun siya sa kabilang dulo, nasa kabilang dulo ako. Hindi ko siya pinapansin nung una, but ang tagal niyang nakatitig sakin. (Huhuhu ang creepy niya) so sinilip ko siya sa phone ko nung una. Nakatitig talaga siya. Tas nilingon ko na siya. Wagas pa din makipagtitigan.

Tumayo siya umupo sa loob ng chapel then maya maya bumalik nanaman malapit sakin. So kinakabahan na ako kaya umalis nalang ako. (Utang na loob gusto ko ng mamatay pero ayokong mamatay ng narape ako or whatsoever. Mas okay pang mamatay na virgin ako) Palabas sa GOM napansin ko ng nakasunod siya so binabagalan ko yung lakad ko para mauna siya. Everytime na babagalan ko hihinto din siya after that. Then paglabas sa GOM dalawa ang daan. Pag kakanan ka sa eskinita ka dadaan para makasakay pa bicutan. Pag kumaliwa ka lalakad ka ng malayo papuntang petron para makasakay ka.

Kumanan si kuya, so okay na ako. Inisip ko na di na siya susunod kasi iba daan niya. Sa kanan kasi usually na daan ko at malayo masyado yung petron. Nasa bungad palang ako banda ng eskenita, which is ako lang ang dadaan palang walang ibang tao, naramdaman ko na na may ibang dadaan so gumilid ako. Napansin ko nanaman si kuyang nasunod sakin. I find it really creepy kasi kada babagalan ko yung lakad ko nahinto siya tapos lilingon sa likod (sakin siguro. Feelingera ako eh) walang ibang tao sa eskenita maliban samin dalawa at dun sa mga bata sa pinaka bungad. Wala siyang ibang kasunod.

So sa takot ko huminto na ako. Duh prevention is better than cure. So nagchat ako sa kaibigan ko. Yung una di sumagot. Yung pangalawa nag reply agad, thank goodness. After magreply niya dahan dahan na ako umalis dun sa eskenita. Everytime na medyo mahaba na nilalakad ko chinecheck ko likuran ko. Buti nalang di na niya ako nasundan. Hahaha.

In the end buhay pa naman ako. Si kuyang nasunod malay ko. Hahaha.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon