Chapter 8 - The Girl With Blue Hair

652 11 0
                                    

QUINT'S POV:

"WHAT was that?" tanong ko kay Dust. Dala-dala ang dalawang attache case sa magkabilang-kamay. Halos apat na oras itong nawala dahil may aasikasuhin daw ito. Matapang ang amoy na nagmumula sa loob ng attache case. Kung hindi ako nagkakamali, isa iyong uri ng gamot na phenothiazines na ginagamit na –

"Tranquilizers." Balewalang sagot niya saka ibinaba ang mga case sa center table.

Tama nga ang kutob ko. Sinundan ko siya at naupo sa kaibayong single sofa. "Where did it came from?"

"In a vet clinic. I kind of request the female veterinarian to give me these and she willingly obliged so." Nakangisi niyang paliwanag.

"Really?" I crossed my arms.

"Heck, okay. I hypnotized her. Hindi naman kasi ako katulad mo na madiskarte sa babae. Pahirapan pa ang pagkuha ko niyan kanina. Kung hindi ko pa ginamitan ng hipnotismo ay magmamatigas talaga siya."

Inabot ko ang isang malaking hiringgilya na may lamang tranquilizer. "This is more than enough. Baka tuluyan nang makatulog ng panghabambuhay ang babae kapag ginamitan natin nito."

Pahilatang humiga si Dust sa sofa. "She's not easy to capture, dude. And you know it. Mas madulas pa siya sa mga nakalaban na nating halimaw. She can survive even if we inject her a dozen of that."

Napabuntung-hininga ako. Dust was right. Hindi nga madaling mahuli ang babaeng pulis. Ilang beses nang nakatakas ito sa aming mga kamay. The woman has multiple ways to escape like a pro. Partida pa bagong lipat lang dito ang kapangyarihan nito at hindi pa gaanong alam ang kapangyarihang nalipat dito. 

"Prio called a while ago. He ordered to kill the woman ASAP. But we can not risk any human lives anymore. Hindi natin tungkulin ang patayin ang mga inosenteng tao. Mga halimaw ang kalaban natin. We vowed to protect humans."

Napabangon si Dust mula sa pagkakahiga. "Yeah, and what do you think we are? We aren't humans, bro. We are like those beasts. We fed on drinking human blood to quench our thirsts." Nagtagis ang mga ngipin niya. May malakas na puwersa na nanggaling sa kaniya na nagpa-angat ng ilang gamit sa loob ng kuwarto. Nagbagsakan ang mga gamit nang humupa na ang emosyon niya. Sanay na rin naman kaming Hunters sa ganitong outburst niya.

"Kaya nga pinipigilan natin ang pagdami ng mga katulad natin sa lipunan. Marami nang taong napapahamak at namamatay dahil sa mga walang patumanggang pagkitil ng buhay ng mga inosente. Halimaw nga ang tingin natin sa ating sarili pero hindi naman ibig sabihin na hindi na tayo – oh shit! What am I saying?!" Nagiging emosyonal na rin yata ako. Napasukan na siguro ng virus na katulad ng kay Dust kaya ganito na ang mga nasasabi ko. "Hell, did I just say that?" Naiusal ko.

Tawa ng tawa si Dust sa naging reaksyon ko sa sarili ko. To think na seryosong seryoso siya kanina. I frown. Hindi kaya nahawaan niya ako?

"We'll capture her again tonight. Better be ready." I said before I left. Maghahanap muna ako ng mga babaeng mapaglilibangan. Kulang na siguro ang sex life ko kaya nasabi ko yun kanina. Walang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit sumali ako sa Hunters. Only they knew was that, I'm tired of living for nothing.

The Masked PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon