Chapter 15 - Painful Reality

133 5 0
                                    

SYL'S POV:

Marahan akong nagmulat ng mata. Sandali akong na-disorient kung nasaan na ba ako ng mga sandaling iyon. Ilang minuto pa akong napatitig lang sa kisame hanggang sa nag-sink in na sa utak ko ang mga pangyayari sa nakalipas na araw. Marahil ay nawalan na naman ako ng malay nang tangkain kong pakawalan ang natatago kong kapangyarihan.

I've been training myself for several days with the help of Master Kaien and Faust. They trained me in the most hardest way possible. The training was painful and excrutiating to the highest limit I could endure. Walang exemption kahit na prinsesa raw ako, sabi ni Faust. At siya iyong guro na walang pakundangan kung mag-utos. Mapahirap man o madali ang pagtuturo niya, laging nakasimangot at palaging naka-angil kung magturo. Kung hindi ko lang kilala ang ugali niya sa ilang araw niya pa lang na pagtuturo ay iisipin kong may lihim siyang galit sa akin. But I didn't care at all. Iyon ang paraan ko para i-divert ang atensyon sa labis na kalungkutan at pagsisi.

My life wasn't as simple as before. Noon masaya na ako sa piling ng nakagisnan kong Lolo. Kahit hindi ko man siya kadugo, mas nanaig ang pagmamahal ko sa itinuring kong nag-iisang pamilya ko. Labis man akong nalungkot nang mawala siya, napunan naman iyon nang dumating sa buhay ko si Esia. My dearest bestfriend who became my protector I didn't paid attention before. And the thought of her made my heart constrict. I can't seem to accept that she was gone. Nang dahil lang sa akin. Just like that.

Malayang umagos na naman ang mga luha ko. Pumikit ako para pigilan sana ang pagbalong pero tuloy-tuloy ang pag-agos niyon. The heart that I have now wasn't mine. Malubha ang sugat na tumama sa puso ko. Nang mawalan daw ako ng malay ay mahina na ang puso ko ng mga panahong iyon. At sa pagnanais ni Esia na isalba ang buhay ko, na mahigpit na tinutulan ni Faust, her heart became mine through a ritual that cost her life. We exchanged hearts and I didn't know how it became possible. Only Esia knew. Walang nagawa ang protesta ni Faust nang ipilit iyon ni Esia.

I placed my hand over my chest. Ganoon ako palagi. Natatagpuan ko lagi ang sarili ko na nakahawak roon dahil sumisigid ang kirot mula sa parte ng dibdib ko. Sa puso ko mismo.

I can still remember how Esia saved my wretched life...

Noon may dumating na isa pang lalaki at may pangko siyang babae na puti ang kasuotan. Nakatitig ang babae rito pero wala roon ang pansin ng lalaki. Bagkus ay nakatitig siya sa akin. Titig na halos patayin niya ako sa talim ng kaniyang tingin. "Essy, don't be stupid! Ayaw kong gawin mo ito, please." Sabi niya sa mariing tinig bago niya ibinalik kay Esia ang tingin.

Mabilis akong lumapit sa kanila pero hinaharangan agad ako ng lalaki pagkalapag niya kay Esia. "Stay away from her!" Matigas niyang saway sa akin. Marahan akong humakbang paatras.

"Faust! Tama na, please." Pakiusap rito ni Esia sa mahinang boses. "Let me talk to her."

"No!"

"Please?"

Tiningnan muna ako ng masama ng lalaki bago naglakad palayo. Ang akala ko'y lalabas siya ng kuwarto pero nakahalukipkip ito sa parte kung saan naroon kanina nung nabungaran ko.

"Syl." Lumapit ako kay Esia at hinawakan ko ang kamay niyang gusto akong abutin. Bumalong na naman ang mga luha ko. "Alam kong aabot tayo sa ganito dahil ito ang kapalaran ko. Ito ang nakatadhana para sa akin, para proteksyonan kita." Hirap siya sa pagsasalita. Medyo may kahinaan ang tinig niya kaya kinailangan ko pang idikit ng bahagya ang pandinig ko sa bibig niya.

"Kung di mo pa kayang magsalita, magpahinga ka na muna, Essy." Wika ko sa kabila ng mga hikbi. "Sorry. Sorry kasi nang dahil sa'kin ay napahamak ka. Kung bakit ba naman kasi hindi ko magamit ang kapangyarihan ko e."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Masked PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon