SYL'S POV:
Binuklat ko ang Grimoire na binigay sa'kin ni Essy. Nabuksan ko ang libro gamit ang chant na itinuro niya sa'kin. Gumalaw ang mga ugat na nakapalibot sa libro at kusa na iyong bumukas.
Malaking palaisipan sa'kin kung nasaan kami. Pumasok lang naman kami ni Fibble sa isang kuwarto, and voila! ––– andito na kami sa kuwartong ito na puno ng mga makalumang kagamitan.
Sa isang bahagi ng kuwarto ay naroon ang mga garapon na may mga lamang insekto at mga parts ng katawan ng hayop. May mga ilan ding aklat na nakasalansan sa isang estante. Nasa bandang kanan ang tsimenea na may apoy na luntian ang kulay kung saan naroon ang nakabitin na caulron. Mayroon ding malaking mesa sa gitna ng kuwarto na mistulang pinutol na malaking kahoy. Malapad iyon at magaspang. Sa kaliwang bahagi naman ay ang mga halamang pinatuyo at sinelyohan ng pangalan. Pinaliliwanag ang silid ng mga kandila na permanente ng nakalutang sa hangin. Isa lang daw simpleng salamangka ang pagpapalutang ng mga bagay-bagay kagaya ng kandila ayon kay Fibble.
Fibble managed to heat the cauldron while I scanned the pages to find a spell that I could use for my practice as Fibble asked me to do. Magkasundo na rin kami ngayon kasi nagkaroon kami ng one-on-one interview kaya nalinawan ako sa kung sino ba siya. She knew me as Seri. My past life. Kahit na marami pa ring katanungan sa isip ko, atleast nasagot na ang isang katanungan kung bakit tinatawag ako na Seri ng ilan.
She was very persistent in teaching me how to do a spell. Kailangan ko raw matuto upang maprotektahan ang sarili ko sa panganib. Kung anuman ang nangyari sa'kin nung gabing iyon ay marahil nailigtas ako ni Essy gamit ang salamangka niya mula sa mga kamay ng halimaw na 'yon.
"Seri, pwede na 'to. May napili ka na bang spell na gagawin mo?" tanong sa akin ni Fibble. Umangat ako ng tingin at nakita siyang tila aliw na aliw sa paghalo ng kung ano sa loob ng cauldron. Hawak niya ang wooden laddle na ginagamit umano ni Essy kapag gumagawa ng potion gamit ang cauldron.
"Ano yang hinahalo mo?" balik-tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Nilagyan ko lang ng konting tubig galing sa Bundok Kailash."
"Bundok Kailash? Ang bading naman ng pangalan." Hindi ko napigilang mag-komento. Muntik pa nga akong mapabungisngis kung hindi lang sa matalim na sulyap na ibinigay sa'kin ni Fibble.
"Isa yung bundok sa Demineia." Patuloy niya sa pagpapaliwanag kahit na halos magkanda-iyak na ako sa kakapigil ng tawa ko. Yeah, OA na kung OA pero - pfft! Ang sagwa talaga ng pangalan.
"Iyon ay tirahan ng mga lambana, engkantada at mga diwata. Mahirap makuha ang tubig na galing doon dahil kailangan mo pang humingi ng permiso galing sa kanilang reyna. At kapag may hindi nagustuhan ang reyna sa ikinikilos at gawi mo, asahan mo ng hindi ka na makakalabas mula sa bundok na iyon."
Tumuwid na ako ng upo mula sa pagkakabaluktot sa kakatawa. "Ah. Nakikita niyo ang mga lambana at diwata?" Seryoso ko ng tanong. "Naririnig din ba nila ang pag-uusap natin?" Paanas kong wika.
"Siyempre naman, nakikita NATIN sila at hindi, dahil wala tayo sa loob ng Demineia." She stressed the word 'natin' like she wanted me to understand that I am not an ordinary human, too. "Kaya lang sila hindi nakikita sa mundo ng mga tao kasi sila'y kakaiba. Katulad rin sila ng mga tao pero ang pagkakaiba lang nila ay wala silang piltrum o yung parang gutli sa gitna ng ilong at bibig. May mahahaba silang tainga na tulad ng mga duwende ngunit walang kaparis ang kanilang ganda."
BINABASA MO ANG
The Masked Princess
FantasyThe Masked Princess is a thriller-fantasy story that unfolds about life, friendship, love and trust. If you love to read about vampires and witches/wizards, I guess you will love this story... P.S. to all who were heartbroken: "Someday, someone will...