QUINT'S POV:
"Huwag!" Pigil ko kay Dust nang tangkain niyang sugurin ang Aswang na hawak ang leeg ni Syl. Isang maling kilos lang nito ay siguradong magiging kamatayan na ng babae.
"Quint... Tu.. Lungan... Mo... Ako..." Hirap na bigkas ni Syl. Naririnig ko ang paglakas ng tibok ng puso niya. Marahil ay kinatatakutan din nito ang sariling kamatayan.
Yan ang napapala ng mga matitigas ang ulo. Hindi marunong makinig at ginagawa ang maisip. Ngunit wala ng silbi kung isisi man rito ang mga nangyayari.
Dumaloy ang luha sa magkabilang mata ni Syl. Sisinghap-singhap ito na waring nalulunod dahil sa mahigpit na pagsakal rito.
"She might be killed, Quint!"
Natataranta na rin si Dust kung paano maililigtas si Syl ng hindi mapapahamak mula sa mga kamay ng Aswang.
"I know!" Naiirita kong sigaw. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Labis na kaba para kay Syl at galit para sa Aswang. Galit para sa sarili ko dahil hindi ako makapag-isip ng matino. "Mamamatay si Syl kapag kumilos ka."
"She'll be dead too if we won't make any move."
Naikuyom ko ang mga palad at naipikit ang mga mata. Walang pumapasok na ideya sa isip ko upang mailigtas si Syl.
"Ano, linta? Sumusuko ka na ba? Hahaha! Tanggapin mo na ang katotohanan na mawawala sa'yo ang babaeng ito. Wala ka ng magagawa para iligtas siya!" Nakangising usal ng Aswang.
"Quint?" Alam kong naghihintay lang ng utos ko si Dust.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. I feel so damn hopeless seeing Syl writhing in so much pain. Naaalala ko sa katauhan niya si Seri. Kung paanong nawalan ito ng buhay nang higupin ng mga lumilipad na nilalang na iyon ang ala-ala at kaluluwa ni Seri.
Unti-unting humihina na ang pagtibok ng puso ni Syl. I don't know what will happen next. There'll be no other option but to fight the shapeshifter back.
Sinugod ni Dust ang Aswang. Pero bigla na lang itong humagis sa kung saan. Mukhang nawalan siya ng ulirat dahil tumama ang ulo niya sa malaking ugat ng puno.
"What's the matter with you?" I asked him using telepathy.
"I don't know. An invisible force stop me from attacking. Parang katulad din ng nangyari kay Afarro nung atakehin niya ang kalaban sa misyon natin noon sa Italy." He replied as he tried to get up from the ground.
Binalik ko ang tingin kina Syl. Pareho kaming napasinghap ni Dust nang makitang nagliliwanag na ang mga kamay ni Syl. Maging ang Aswang ay tila naparalisa sa nangyayari sa mga kamay niya. Lumuwag ang pagsakal nito kay Syl hanggang sa tuluyan na siyang bitiwan ng Aswang.
"Aaaahhhhhhh!!" Malakas na sigaw ng Aswang na parang napaso dahil hawak-hawak nito ang sariling mga kamay.
Patuloy pa rin ang pagliliwanag ng kamay ni Syl at lumalaki iyon na tila bola ng enerhiya. Lumapit siya sa Aswang na hindi na magawang kumilos sa kinatatayuan. Lumaki ang liwanag at sa panggilalas ko ay umangat mula sa lupa ang dalawa. Sa ilalim nila ay lumitaw ang hugis bilog at nabuo ang isang hexagram (two intersecting triangles) na asul din ang kulay. The mark of a witch.
Wala akong masyadong alam sa mga witch. Ang alam ko lang ay kapag nasa loob na ng hexagram ang biktima, hindi na ito makakalabas pa unless mapatay ang gumawa nito.
"Isa ka lang mababang uri na nilalang ng kadiliman. Sino ang nag-utos sa inyong maghasik kayo ng kasamaan sa Ethoria? Isa kang lapastangan! Pagbabayaran ninyo ang ginawa niyong ito!"
BINABASA MO ANG
The Masked Princess
FantasyThe Masked Princess is a thriller-fantasy story that unfolds about life, friendship, love and trust. If you love to read about vampires and witches/wizards, I guess you will love this story... P.S. to all who were heartbroken: "Someday, someone will...