Chapter 13 - Not Meant to be Together

475 12 0
                                    

ESIA'S POV:

Mahaba na rin ang nalakad namin ng matandang nakausap ko. Sa totoo lang ay hindi ko naman aakalain na ganito kahirap maghanap ng sediufer. Kahit ilegal ang magbenta niyon, inisip ko na meron namang tinatawag na black market para sa mga ilegal na produkto.

"Malayo pa po ba?" tanong ko sa matandang nasa unahan ko.

Madilim na sa nilalakaran namin. Papalubog na rin kasi ang araw. Maliban doon ay makakapal na puno rin ang nadaraanan namin at tila wala ng tumatagos na liwanag sa lugar na iyon. Matatandang puno na pinatatag na ng panahon dahil sa malalaking sanga at ugat na humaharang na rin sa dinaraanan namin.

"Para saan ang paggagamitan mo ng sediufer, binibini?" balik-tanong ng matanda habang nakatalikod sa akin. Huminto na siya sa paghakbang kaya huminto na rin ako.

 "Inutusan lang po ako." Sagot ko.

"Nagkakamali ka ng taong sinamahan mo. Para sa isang tulad mo, nakakatawang madali kang maniwala sa mga estrangherang katulad ko."

"Ha?"

"Nakita ko ang ginawa mo kanina, Binibini." Sambit niya na nagpangunot ng noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Yun bang pagtulong ko sa duguang lalaki ang tinutukoy niya?

"Isa kang maharlika. Isang Arcane na may malawak na kapangyarihan. At napakadali mong mahulog sa aking kamay!" Nakatalikod siya sa'kin ngunit hindi na maganda ang nararamdaman ko. Sinubukan kong galawin ang mga daliri ko pero bigo akong gawin iyon. Ano ang ginawa niya sa akin? Sino ang babaeng ito?! 

Humarap siya sa akin. Iyon pa rin naman ang hitsura niya bagaman ang mukha niya'y naging mabagsik. May nakakalokong ngiti na nakapaskil sa labi niya. At hindi tama ang nararamdaman kong takot sa pagkakataong ito. Hindi siya ordinaryong salamangkera, nasi-sense ko ang malakas na itim na kapangyarihan na bumabalot sa kanyang pagkatao. Bakit hindi ko iyon naramdaman kanina?

"Ano ang kailangan mo sa'kin?" Matatag ang tono ko dahil ayaw kong may makita siyang takot sa mga mata ko. Walang tutulong sa'kin maliban sa sarili ko. Kung bakit naman kasi tinulungan ko pa ang duguang lalaki kanina. Ang malas ko naman talaga!

Iwinasiwas ng babae ang hawak niyang wand na ngayon ko lang din napansin. Gumalaw ang sanga ng puno sa magkabilang gilid ko at humaba iyon. Iginapos ng mga sanga ang dalawa kong braso sapat para hindi ko maigalaw ang aking mga kamay.

Tumawa ng malakas ang babae at walang ka-effort effort na lumapit sa direksyon ko. Nakangisi pa niyang inilapit ang bibig niya sa mukha ko. "Kailangan ko ang kapangyarihan mo, Binibini. Maibibigay mo ba ang hinihiling ko?" Sambit niya. And I swear, mas gusto ko pang kumain ng isang dosenang bawang kaysa malanghap uli ang masamang amoy na lumalabas sa bibig niya. Gosh! Feeling ko tuloy nakalublob ang ulo ko sa imburnal ng mga oras na iyon.

Tumawa uli siya ng malakas at mahilo-hilo na ako sa tindi ng effects. "Pero dahil hindi mo maibibigay ng kusa ang hinihiling ko. Hmmmnn, mas maganda sigurong sapilitan ang pagkuha ko ng kapangyarihan mula sa'yo."

Sapilitang pagkuha? Matagal ko ng naririnig na may mga Viude na nagsasamantala ng kanilang kapangyarihan para makakuha ng kapangyarihan mula sa mga Arcane na hindi pa gaanong bihasa sa kanilang kapangyarihan. Wala akong ideya kung paano nila ginagawa ang ritual ng pagsasalin ng kapangyarihan. Ang mga nasa Dark Arts o ang pag-aaral ng itim na kapangyarihan ang may alam sa ganoong ritual. Isa rin kaya siyang Viude? And that's what I need to find out.

The Masked PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon