Iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng matayog na gusaling nasa harapan ko. Tuluyan ko na ngang ibinaba ang aviators na suot ko upang lubusang makita ang bagong anyo nito. I held my shoulder bag at ipinatong ko iyon sa maletang nasa tabi ng paanan ko. Pamahalaang Bayan ng Santa Maria. Ang aking bayang sinilangan. I suddenly let out a very deep sigh.This is it. I'm finally home. Home after five years. Limang taong paglimot. Limang taong pag iwas. Limang taong pagtakas sa nakaraan.
I was never been a good daughter. Nor a good example to my siblings. I was the black sheep of the family. Dakilang Pasaway. Bothersome. Sakit ng ulo. Lagi sa trobol. Laging napapagalitan. Siguro nga, I was born to be the stubborn daughter. Dagdagan pang ako ang panganay sa aming magkakapatid. Kung kaya naman naiintindihan ko kung gaano na lamang ang hinanakit sa akin ni Mama. Kundangan naman daw kasi. Naturingan akong panganay. Ako pa yung pinaka pasaway. They expected more of me. They expected me to handle my siblings and teach them to grow. But somehow, there are instances that I obviously failed them. Because I am a mess. I am nothing but a failure.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako naging mabuting anak sa mga magulang ko. Puro na lamang kasi sakit ng ulo ang ibinibigay ko. I know It's inevitable since I'm too young so I used to play. And they never thought that I would end up a very, very mature one. That's why their hopes will always fall. And then, they will never hope again.
Ngunit kapag pala lagi nilang nakikita ang mga pagkakamali mo, nasasanay sila. Nasasanay na sila na palagi kang magkakamali. Nasasanay na sila na you will do nothing good. And they will never risk for you. Perhaps, nakakalimutan na nila yung mga mabuting nagawa mo. That everytime you will do good they will never be proud of you. People will always tell you and scold you for what you did wrong. But will hesitate to compliment you for what you did right. Ganoon ang tao. They will always look up with your wrong doings. Nag eefort sila diyan. Naghahanap sila ng masasabi sa'yo. At kahit ano pa man ang gawin mong tama. Mananatiling mali sa paningin nila.
Sa ilang taon ko sa Singapore. I can really say that I have grown up. I'm all grown up. I learned how to be independent. I learned how to deal with different kinds of people. I learned how to stand and was able to produce everything for myself. Natuto akong tumayo sa aking mga sariling paa. Natuto akong makisama at makihalubilo sa iba't ibang uri ng tao. Natuto akong mamuhay ng mag isa sa ibayong dagat ng walang pamilya. Mahirap na masarap. Mahirap kasi iba pa rin yung may karamay ka sa hirap at sakit. Pag minsang gusto mo ng bumigay sa sobrang pagod at lungkot ay may pamilya kang uuwian na siguradong yayakap at dadamay sa'yo. Iba pa rin pag may Nanay kang dadaingan pag may masakit ka at tiyak na aalagaan ka. Iba pa rin pag may Tatay kang tatapik sa balikat mo para sabihin na kaya mo ang lahat ng ano mang darating pa sa iyong buhay.
Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid ko. I can really imagine. Akala ko hinding hindi na muli akong makakatapak sa lugar na ito. My hometown. The place where all of my love ones live. Everything's nostalgic. Everything's worth treasured for. Kahit na nandun pa rin yung sakit. Kahit na akala ko ay tuluyan na akong nakalimot. Kahit na hindi ko pa siya tuluyang nakalimutan.
Marami na rin ang nagbago sa maliit na bayan namin.Balita ko'y isa ito sa mga napipisil na munting bayan na maaring gawing siyudad. It would be great, I guess. Seeing my hometown grow ay nakakataba ng puso. Ang dating simpleng lawn na kulay berde ang bermuda ay tinayuan na ng simpleng fountain na iniilawan tuwing sasapit ang gabi. Yung dating simpleng sakayan ng jeep at traysikel ay may maayos ng terminal at kuhanan ng tiket. Yung dating bakanteng lote sa likod ng gusali ng Munisipyo ay tinayuan na ng Health Center. May Multi-Purpose Covered Court na rin sa bandang dulong likuran. Dito marahil ginaganap ang iilang piling graduation rites ng Public Schools at Indoor Ball Games tulad ng Volleyball at Basketball.
Kung mayroong mga bagong gusali ay naroon naman ang mga iilang pamilyar at dati't naroon na. Inimproved na lamang ang mga ito saka nirenovate at pininturahang muli. Naroon pa rin ang General Hospital na nagsisilbing kaagapay ng mga taong nangangailangan ng atensiyong medikal. Hindi mo na kailangang gumastos at magbayad ng bill dahil pampubliko ito. Napaka swerte nga ng bayan namin at mayroon kaming ospital na ganito. Accessible siya since nasa Bayan siya mismo. At higit sa lahat ay kumpleto ang mga kagamitan rito
BINABASA MO ANG
Gone So Long (Collide Series #1)
Teen FictionKashmir Autumn Corpuz is the rebel girl on her teenage years. All she wanted to is content herself with the things she'll do pero hindi talaga maiiwasan na parati siyang mapapagalitan. For her, there's no fun and thrill kapag laging pinupuri. She wa...