Nakatulog si Amiel sa sofa nila pagkatapos ko siyang punasan ng punasan. Medyo bumaba na rin ang lagnat niya. Ngunit may mga pagkakataong nanginginig pa rin siya kaya kinumutan ko na lamang.
Tuluy-tuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Mukhang may bagyo nga talaga. Iniisip ko kung paano ako uuwi dahil baka pagalitan ako ni Mama. Hindi pa naman ako nakapagpaalam dahil nga akala ko urgent ang mga papel na ito. Naiinis ako pag naaalala ko! DAMN! Humanda talaga sakin si Kuya Arkin!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at dinial ko ang number niya. Pumunta ako sa kusina para hindi magising si Amiel sa ingay ko. Makakatikim talaga sa akin si Kuya Arkin! Sinagot niya ito sa pangalawang ring.
"Yes babygirl?" Nakikinita ko na ang malawak na ngisi ng pinsan ko.
"Damn you Ariel Kindred! Bakit sabi mo urgent 'tong mga papel na to?! Nakakakakainis! Ang tagal na palang tapos ng lahat ng ito! Nagmukha akong tanga!"
I heard him chuckled. Aba't ang walanghiya! Nakuha pang tumawa!
"Woah! Easy there babygirl! Hahaha. Eh kasi naman.. Halata naman na concern ka dun sa tao dahil ilang araw nang hindi pumapasok tapos hindi mo naman dinadalaw. Samantalang ikaw naman ang may kasalanan kaya maysakit yan. Kawawa talaga parati sayo si Amiel."
The fuck? At ako pa ang may kasalanan ngayon? Hindi ko naman sinabi na ihatid niya ako!
"EH HINDI KO NAMAN SINABI NA IHATID NIYA AKO EH! BAKIT AKO ANG MAY KASALANAN?!"
Hindi ko na napigilan. I squirmed out. Naiiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sakin. Lahat na lang sila ay ako ang sinisi sa pagkakasakit ni Amiel. Masyado ba talaga akong insensitive?
Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Kuya Arkin sa kabilang linya. Napasinghap ako. Okay. I get it.
"Sorry Kuya. I was just-"
"No babygirl. I'm sorry. Pero I'm just trying to make you realize that there's one person who care too much for you, more than that I do. Amiel cares for you. Really. Sana kahit sa ganitong pag aalaga man lang sa kanya, makabawi ka."
Nilingon ko si Amiel na payapang natutulog sa sofa. He cares for me? But why? Of all people, why me?
"Kung alam mo lang. He always talks about you. The Kashmir who always cut class. The Kashmir who always sleeps during class. The Kashmir like this, the Kashmir like that."
"So what are you trying to imply kuya? Na may gusto siya sakin? Nah. Naiinis lang yan sa akin kasi puro sakit ako ng ulo sa kanya. Can't you see? Lahat nang sinabi niya ay negative! Duh. There's no biggie!"
Muli siyang napabuntung hininga. Napataas naman ang kilay ko sa buntung hiningang yon. Totoo naman ah!
"Hindi ko alam kung sobrang manhid ka lang ba talaga o sadyang torpe lang talaga si Amiel. Anyway, where is he? Baka kung ano na ginawa mo sa kanya ah? Hahaha."
Hearing his laughs makes me feel really irritated. Tuwang tuwa siya sa kagagahang tinatamasa ko ngayon. Samantalang siya itong may kasalanan why I'm stuck here with Amiel.
"Grabe ka sa akin! Samantalang kasalanan mo kung bakit ako nandito! Nakakainis ka kuya! Hahanapin ako ni Mama! Magagalit yon!"
I stomped my feet. Wala na akong pakialam kung magising man si Amiel. Pero sadyang malalim ang tulog nito na kahit nag iingay ako ay hindi man lang magising gising. Nakabalot pa rin siya ng kumot at payapang natutulog. Well, I guess it's the weather afterall.
"Kash, ipinaalam na kita kay Tita okay? Can you just be thankful that I make a way for you to pay back for what those Amiel did for you? Just think of this as a favor. Enjoy!" He chuckled again.
BINABASA MO ANG
Gone So Long (Collide Series #1)
Teen FictionKashmir Autumn Corpuz is the rebel girl on her teenage years. All she wanted to is content herself with the things she'll do pero hindi talaga maiiwasan na parati siyang mapapagalitan. For her, there's no fun and thrill kapag laging pinupuri. She wa...