7. Balae

82 3 0
                                    

Damn. Hindi ko alam kung anong klase ba itong nararamdaman ko. Bago siya at unang beses ko lang naranasan sa buong buhay ko. Amiel is the only one who can give me mixed emotions. The feeling of being excited, uneasiness.. Pero andun din yung sayang di mo maipaliwanag at kabang di mo malaman kung saan nga ba nagmumula. Maybe, there's really something.. There must be something..

Kundangan naman kasi. Bakit kailangan pajamas pa niya ang ipapasuot sakin? Pwede naman kay Annika or kay Aeron. Sabagay, kung kay Annika ay tiyak na hindi kakasya sa akin since bata pa siya. At ayoko naman kay Aeron kasi mahilig sa fitted na damit yon! Naalala ko one time na pinabaston niya pa ang jogging pants namin at ilang beses ng pinarerepair ulit ni Mrs Gamboa sa kanya. Tawang tawa talaga ako kasi panay reklamo si Aeron na mahal daw magpabaston. So, for me, mas okay na siguro na kay Pres nalang ang isuot ko. Bukod sa loose at maluwag. Comfy isuot. Pero the fact na suot ko ang pajamas niya is sending me a million of chilling feels na di ko mawari kung saan nanggaling. Naramdaman ko nalang na parang uminit ang mga pisngi ko sa isiping iyon.

"Hey Kash." He snapped. Natauhan ako sa gesture na iyon ni Amiel. Kumunot ang noo niya habang matamang nakatitig sakin.

"Ah ano.. Ano na? San na nga tayo? A-ano nga yon? May s-sinasabi ka ba, Pres?"

He smiled at me habang hinahawakan ang baba niya. This time, I was the one naman para magkunot ng noo.

"Problema mo, Pres?"

"W-wala. Wala. C'mon. Start na tayo, mahaba pa ang bagyo. Para marami mapanuod natin." He swifted and positioned himself sa harap namin. I was left confused. Feeling ko may sasabihin siya pero di naman niya matuloy-tuloy.

Pinili niyang panourin ang Hostel. This is one of faves at hindi ako nagsasawamg ulit ulitin to. I wonder how Amiel knew all of my favorite movies. Maybe, because matagal na kaming nasa iisang circle of friends at sabay sabay naman naming pinapanuod ang mga ito. Imposible naman kasing ipagtatanong pa niya kung ano ang mga paborito ko diba? Sino ba naman ako?

Nasa climax na kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was Clea calling. The nerve! Lakas ng loob na tawagan ako. Mga bwiset kayo! Nagngingitngit pa rin ang kalooban ko kung bakit hindi man lang nila ako naalalang ayain gayong may plano pala silang magsinuod sa bahay nila Marky. I rolled my eyes and answer her call.

"Hi Bruuuuh!!! Kamusta? Home base na ba?" Kasunod nun ay ang malalakas na tawanan at hiyawan sa background niya. Mga bwiset! Saya saya nyo e noh? Tch.

"Who's that?" Amiel asked. Lalo namang naghiwayan ang mga ugok. Mga bwiset! Napapikit nalang ako ng mariin. Gaaahd. Kill me now please.

Amiel tried to snatch my phone pero pinigilan ko yon. I don't want him to hear those lousy things na sinasabi nila sakin. Nakakahiyaaa! Kung malalaman man ni Amiel yon ay parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa!

"Whuut now? You have the guts to call me, huh? Gagaling nyo e noh?" Lalong nagsihagalpakan ang mga hinayupak. I guess, I'm on speaker. I gritted my teeth. Tinitigan lang ako ni Amiel.

Gone So Long (Collide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon