Sinundan ko si Amiel pagkatapos niyang mag walk out sa clinic kanina. Ibang klase din yung taong yun. Ano bang pumasok sa kukote niya at naisip niyang hinimatay ako?
Natagpuan ko siya sa isang lamesang bato sa gilid ng quadrangle. Nakadukdok siya dito. Dahan dahan akong lumapit. Ngunit bago ako tuluyang makalapit ay nagsalita siya bigla.
"6:30 na Kash. Umuwi ka na. Nasaan na ba si Arkin?" Nakadukdok pa rin siya. Lumapit ako saka umupo sa harapan niya.
"Umalis na si Kuya. Hinatid si Ate Yuri. Ahm.. S-sorry Pres." Bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri. Nag angat naman siya ng tingin. Tinitigan niya ako.
"Sorry for what?" Tinignan ko siya. He's eyes we're bloodshot and tired.
"Sorry kasi.. I blamed you. Pati sila lahat tuloy sinisi ka." I sighed. There. Nasabi ko din.
"No, that's not the point. Wala akong paki kung sisihin nila ako. I'm just.. I'm just.." Nag iwas siya ng tingin.
"You're just?" Kumunot ang noo ko.
"..fucking worried when I saw you lying there." Namula ang mukha niya. Saka nag iwas ng tingin.
Pffft! Hindi ko na napigilang tumawa. Napatingin naman siya sakin.
"HAHAHA! Hindi bagay, Pres! HAHAHA! Saka sabi ko naman sa inyo diba? Masamang damo to!"
Napangiti siya saka tumayo at ginulo ang buhok ko. Binitbit na rin ang backpack niya.
"Ano ba!"
"Silly girl. Let's go. Ako na maghahatid sayo."
Simula nun. Unti unting natitibag ang invisible wall sa pagitan namin ni Mr Perfect. I know it's unusual kasi nga magkasalungat kami. May mga bagay man na hindi namin napagkakasunduan. Still, there's a part of me na sobrang saya na hindi ko maipaliwanag. Siguro it's because of his side na ganito na hindi ko lubos na akalain. I mean, we are now friends. We are the exact opposites. And yet, he's not harsh sa akin kahit na madalas pa rin niya akong napapagalitan at nahuhuling natutulog sa gazebo. At the end of the day, hindi naman niya ako makuhang ilaglag o kaya isumbong sa mga teachers.
Nananatili naman siyang misteryoso sa mga kaibigan ko. Yung pagiging suplado at tahimik ay dumoble yata. Pero imbes na ayawan ay mas lalo naman siyang nagustuhan nila Juna at Debbie.
"Shit lang. Ang hot talaga ni Fafa Amiel noh?" Nanaginip yata ng gising si Debbie.
"Anong hot sa supladong yon?" Nakataas naman ang kilay ni Lizzie sa sinabi ni Debs.
"Look, Liz. Ang nega mo talaga. Gwapo at hot talaga si Amiel. Mas lalo pang nadadagdagan ang kagwapuhan niya kasi nga suplado. Eee!" Kinikilig kilig pang sabi ni Debbie.
"Sus. Pamysterious effect lang ang isang yon. Saka alam mo, wala kang pag asa dun noh."
"Grabe ka Liz. Pwede bang support ka na lang?" Sabay irap at flip ng hair si Debbie.
"Tama na nga yan! May point naman si Liz eh. Sa tropa yata natin, kay Kash lang siya may paki." Awat ni Tanee. Tiningnan ko siya. Ramdam ko type din nito si Amiel eh. Kaso si Aeron naman ang may gusto sa kanya.
T-teka? Anong ako?
"Hoy hindi ah! Trip lang talaga ako nun! Feel ko nga gusto lang ako nun asarin palagi." Mga bruhang 'to! Ba't nadadamay ako jan.
"Ewan ko sayo, Kash. Ang manhid mo! Halatang halata kaya. Saka, hindi mo pa ba nabasa yung notebook?" Humalukipkip si Macey saka ako tinitigan. Natahimik naman sila.
BINABASA MO ANG
Gone So Long (Collide Series #1)
Fiksi RemajaKashmir Autumn Corpuz is the rebel girl on her teenage years. All she wanted to is content herself with the things she'll do pero hindi talaga maiiwasan na parati siyang mapapagalitan. For her, there's no fun and thrill kapag laging pinupuri. She wa...