Pagdating sa bahay. Lutang na lutang pa rin ako. Hindi pa rin nga siguro nag sisink in sakin na nagkita rin kami sa araw na ito. Imagine kakauwi ko lang!
Funny how fate didn't come my way. Got an encounter with him, twice. And now, alam kong may mga kasunod pa gayong nasa iisang bayan lang kami. Besides, Tita Sabel wants to catch up with me. Baka mamaya pumunta dito yun! Kapag minamalas ka nga naman talaga.
Dagdagan pa ang nakakaasar na ngisi ni Karmin. Simula pag alis namin sa Jolibee hanggang sa umuwi kami ay hindi niya ako tinantanan ng malalaking ngisi niya. Feeling ko siya ang hindi maka moveon sa pangyayari kanina.
Sinimulan ko namang ilabas mula sa dalawang maleta ang mga damit ko. Buti na lang inakyat ni Kriel ang mga ito, hindi na ako mahihirapang maglipat sa kabinet ko. Kahit na medyo mahinhin minsan ang kapatid king iyon, maasahan ko naman siya sa nga bagay na tulad nito.
Pagkatapos ko dun ay inayos ko naman yung study table ko. Ibinalik ko sa shelves ang ilang classical books na madalas kong binabasa noon. Don't get me wrong, lahit medyo rebelde ako ay mahilig din ako magbasa. Saka mas lalo akong nahilig dahil sa kanya. Nanikip ang dibdib ko. Why do I have this feeling na parang wala lang sa kanya lahat? Na parang normal pa rin sa kanya kahit na alam kong hindi naging maganda ang mga pangyayari noon. He's still managed to act civil with me. Sabagay, it's been years.
Napadako ang tingin ko sa ikalawang drawer ng study table ko. Hinawakan ko iyon. I wonder if its still there.
Hinanap ko ang susi sa maliit na lumang kahon na nasa ibabang parte ng kabinet ko. Napangiti ako ng makita ko iyon. Medyo rusty na siya pero tingin ko naman ay kaya pang buksan ang drawer na iyon. Ipinasok ko ang susi sa keyhole. Click! Isang try pa lamang ang bumukas na ito.
Bumungad sa akin ang iilang wallet size na pictures at ang isang notebook. Naroon din ang isang plain na silver ring. Then suddenly, tears starts to stream down my face. Napahikbi ako. Ang sakit pa rin. Ang sakit sakit.
I immediately returned all of the pictures saka ko isinarado ang drawer. Tumayo ako saka dumapa sa aking kama.
What will happen if I never push him away? What will happen if I'm strong enough to fight for him? Kami pa kaya ngayon? Masaya kaya kami ngayon?
Ipinahid ko ang aking mga luha. Halos hindi ko siya makilala kanina. Malayong malayo sa dating Amiel noon. Tahimik lang at palaging nasa iisang tabi. He's cold. But never cold kapag sa akin na. Ibang iba siya ngayon. Ibang iba sa noon.
Naaalala ko pa pag dumadalaw ako sa kaibigan kong magkapatid na sina Clea at Macey dati na malapit lang bahay sa kanila. Dalawang kanto ang pagitan nila pero mas trip namin ang tumambay sa labas ng bahay nila. Lagi kasi kaming nakakalibre sa tindahan ng Tita nila Macey kaya doon kami parati. Saka inaabangan siya parati ni Debbie at Juna. Mga kaibigan ko na may gusto sa kanya.
Lagi naman siyang nasa loob nang bahay samantalang siang kapatid niyang si Aeron at si Marky na pinsan nila ay palagi namin kasama sa kwentuhan at jamming. Introvert and quite reserved.
"Uy Kash. Nandito ka pala? Jamming tayo. Eheads lang oh! May alam ka ba sa mga kanta nun?" Excited na sabi ni Marky sabay bitbit ng beatbox palabas ng bahay nila Amiel. Kasalukuyan kasi kaming nakatambay sa tindahan ni Tita Susan na nasa harap ng bahay nila Amiel. Sumunod naman sa kanya ang nakapamulsang si Aeron. Musically inclined kasi ang pamilya nila Aeron. Lahat sila sa pamilya mahilig at magaling kumanta.
"Ayos yan! Sige nga, Kash pakitaan mo." Sabay strum ni Nash sa gitara niya. Kuya nila Clea at Macey.
"Kaunti lang alam ko dun. Magasin na lang kaya? Paborito ko yun."
BINABASA MO ANG
Gone So Long (Collide Series #1)
Novela JuvenilKashmir Autumn Corpuz is the rebel girl on her teenage years. All she wanted to is content herself with the things she'll do pero hindi talaga maiiwasan na parati siyang mapapagalitan. For her, there's no fun and thrill kapag laging pinupuri. She wa...