The long poem: Huling Tula

1.2K 64 9
                                    


Huling tula
By Eyven Nichol

Sampung taon ang agwat
Ng pag-ibig ko sayo
Sampung taon ang bigat
Ng pagtitiis ko

Damdaming ‘di masabi sayo
Dahil takot ang puso kong
Malaman mo ang
Lihim na pagtingin sayo

“Mapapansin mo din ako”
Pinakamasakit na salita
At kasinungalingan na
Sinabi ko sa sarili ko

Pinaramdam mong
Importante ako
Pero naramdaman kong
‘di ako ang priority mo

Gusto kong sabihin na
Huwag mokong ilayo sayo
Kaso naalala ko
KAIBIGAN LANG PALA AKO.

Ang buong akala ko
Sa wattpad lang nagkakatotoo
Na balang araw ay magiging kayo
Ng taong hinahangaan mo

Ngunit isang araw ako’y iyong nilapitan
Sa tambayan kong silid aklatan
At nang ako’y iyong tabihan
Puso ko’y natuwa at nais kang hagkan

“susungkitin ko ang bituin,
Sagutin mo lang ako”
Mga salitang sinabi mo
Noong nililigawan mo palang ako

Noong araw na sinagot kita
Napakasaya nating dalawa
Walang patid an gating tawagan
Walang humpay an gating suyuan

Akala ko masaya na hindi pala
Akala ko may forever wala pala
Ang sabi mo walang away mali pala
Ang sabi mo di ako iiyak kasinungalingan pala

Sana maramdaman mong
Nasasaktan din ako
Sana sa bawat paglapit mo sa ex mo
Maramdaman mong nagseselos din ako

Sana ramdam mong takot ako
Takot akong mawala ka sa buhay ko
Sana ramdam mo ang pagmamahal ko
Pag-ibig na tanging alay sayo

Isang araw ikaw ay nag-iba
Madalang ka nalang mangamusta
Ako’y natuliro at nag-alala
Ngayon nalaman ko, sa puso mo kami ay dalawa

Aalis ka din naman pala
Bakit dumating ka pa?
Maglalaho ka lang din pala
Bakit nagpakita ka pa?

Isa kang magandang panaginip
Sa tulog kong mahimbing
At ako’y nagising, sa katotohanang
Hindi ka pala magiging akin

Magmove on daw ako
Paano ko magagawa
Kung ang palayain ka
Ay di ko pa magawa

And the worst feeling?
Pinaramdam mong importante ako
Pero naramdaman kong
Hindi ako ang priority mo

Bakit nga ba ako?
Ang taong pinili mo
Upang saktan ng sobra tulad nito
At pinalipad sa ere na parang lobo

Bakit nga ba ako?
Naniwala sa mga sinabi mo
Na susungkitin ang bituin
Para sa isang tulad ko

Bakit nga ba ako?
Nagmahal ng isang tulad mo
At umasang magiging tayo
Kahit na Malabo ng maging tayo

Pero teka lang,

Di baa yaw mo na?
Sabi mo pagod ka na
Bakit andito ka pa?
Ano pang gusto mo?

Di ba may iba ka na?
Bakit bumalik ka pa?
Ah alam ko na
Ibabalik mo ang puso ko

Bakit binalik mo pa?
Sana tinapon na
Sakaling may pumulot na iba
At ako’y mahalin pa

Ano wala na ba?
Ganyan ka naman talaga
Kilala lang ako
Pag may kailangan ka

Pero tama na, ayoko na
Ayoko nang mabuksan pa
Ang sugat na hinilom
Ng matagal na oras at panahon

Ngayon napag isip-isip kong
Sa wattpad lang talaga nagkakatotoo
Pantasya na gusto ko
At pag-ibig na hanap ko

At ngayon isa lang ang aking hiling
Ang bumalik sa nakaraan
Kung saan tuhod lang ang
Nasusugatan at humahapdi

Hanggang dito nalang mahal
Isang tula ng nagmamahal
Huling tula ng pusong nasasakal
ng pag-ibig at pagmamahal.

Secretly In Love with Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon