30 Days of love! Chapter 4 (Day 3): Teach me how to love

482 3 0
                                    

Sinundo ulit ni James si Ann sa bahay at sabay sila pumasok. Sa school, pinapunta si Ann at Tricia sa faculty ng science teacher nila  para kausapin para sa nalalapit na huling quiz bee na kanilang sasalihan bago sila grumaduate. Sinabihan sila ng teacher na bago sila umuwi ay dumaan sila sa library para makapag review sila kahit sandal kasama ang teacher.

Nung uwian sinabe ni Ann kay James na hindi sila makakapagsabay umuwi dahil kailangan niya pa magreview sa library kasama si Tricia. Nung nasa library na si Ann, dumating bigla ang teacher nila at nagpaalam na may emergency daw sa bahay at sinabing si Ann at Tricia nalang muna ang magreview. Pagkatapos ay umalis na ang teacher at naiwan si Ann. Habang nag aaral na si Ann, biglang dumating si Tricia.

Tricia: Hi! Sorry ah, kasama kasi ako sa cleaners ngayon eeh.

Ann: (Tsssk. Si karibal.) Hello. Okay lang yun.

Tricia: Asan si ma’am?

Ann: Umuwi na siya, may emergency daw kasi. Sabi niya mag aral daw tayong dalawa para sa quiz bee.

Tricia: Ah, ganun ba? Edi mabuti pa mag aral na tayo para maaga tayo makauwi.

Ann: Sige lang

After 30 minutes.

Tricia: Ayy! Nakakapagod na mag aral. Hmmmm. Pwede bang kwentuhan muna tayo? :))))

Ann: Uhmmmm. Okay.

Tricia: Musta pala kayo ni James?

Ann:  Okay naman kami.

Tricia: I was a bit surprised. After one week mula nung binusted ko siya, nabalitaan ko nalang na kayo na pala. J Mula sa magbestfriend, naging magboyfriend at girlfriend na kayo. Parang lovestory sa movie.

Ann: Ako din naman nagulat. Ummm? Tricia? Pwede ko ba malaman kung bakit mo binusted si James?

Tricia: Hmmmmmmm…. Actually, mahal ko naman si James. Binusted ko siya kasi gusto ko malaman kung kaya niya maghintay sakin. Pero wala eh.

Ann: Kung ganun, di ibig sabihin….. hanggang ngayon.. mahal mo pa si James?

Tricia: Oo naman, Ann.

Ann: Sorry…

Tricia: Sorry saan? Dahil sinagot mo siya?  Hahahaha. Sa totoo niyan Ann, masaya ko.

Ann: Masaya? Bakit?

Tricia: Matalino ka Ann. Alam kong alam mo kung anong papel mo sa buhay ni James ngayon. At dahil dun, lalo ko lang napatunayan kung gano niya ko kamahal.

Ann: *irritated look*

Tricia: Tama naman ako diba? REBOUND KA LANG.*evil smile*

Ann: *stands up* STOP IT! Wala kang paki-alam at lalong wala kang alam kung anong meron samin ni James! Aalis na ko, baka ano pa magawa ko sayo.

Tricia: Ano pa ba ang dapat kong malaman? Sa tingin ko, sapat nang alam ko na sinusubukan akong pagselosin ni James para sabihin na ako ang mahal niya, at ginamait ka lang niya.

Ann: (Timpi, timpi, timpi.) *walks away*

Paglabas ni Ann sa campus…

30 Days of love! (JamLi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon