30 Days of love! Chapter 21 (Day 20): Piece of advice.

351 0 0
                                    

Fretzie’s POV =)

Sawakas! Niyaya ako ni Patrick mag date! Mabuti narin ito para naman maaliw ako. Nakakastress na kasi ang nangyayaring love triangle kila Ann, Ivan, at James. Himala, hindi ko na gaano nakikita si Tricia? Siguro sumuko na siya. HAHAHAHAHA. To think na may panama siya sa bestfriend ko? XD

Anyway, sorry Ann. Kailangan kong magsinungaling sayo. Alam kong gusto mo si Bret para sakin kaya hindi ka sasang ayon dito sa date naming ni Patrick. Atska baka sundan ako ni Bret ee. Kaya ngayon, sasabihin ko muna sayo na may family reunion kami. SORRY ANN!

Dederecho na ko sa SM, at dun makikipag kita kay Patrick. Excited na ko!

Sa SM.

Ayun si Patrick!! Huh? Yung mga babae nakatingin sakanya at mukang kinikilig. Sa bagay, sino bang hindi magkakagusto kay Patrick. Gwapo siya, maganda ang pangangatawan, at sweet. Pero parang may kulang parin eh. =(

Nung nakita na ko ni Patrick, ngumiti siya at kumaway. Nagtinginan naman sakin yung mga babae at muka silang dismayado, dahil siguro akala nila girlfriend ako ni Patrick.

Well, una naming pinuntahan, ay sa sinehan. Nanood kami ng horror. Siya namili eh. Ano bas a tingin niya? Katulad lang ako ng isang normal na babae na bibigay sa sinehan! Hindi ah! Kahit kelan, pag nag dedate kami ni Bret, hindi ko siya kinapitan sa siinehan aah! Atska ako pinapapili niya kung ano papanuorin! Huh? Bakit si Bret pumasok sa utak ko? Ano k aba Fretzie! Si Patrick kasama mo!

Mahilig ako sa mga movie… pero… ngayon lang ako nabored ng ganito… pag si Bret naman kasama ko hindi ako na bobored… hay nako fretzie.. Bret nanaman?

Anyway, sunod naman kumain na kami. Hindi ako mapakali… hindi ako makakaen ng maayos… na coconscious ako! Hindi ako makagalaw ng natural! Bakit ganito… kung si Bret kasama ko….

Reader’s POV

Tumayo si Fretzie mula pinagkakaupuan niya habang kumakaen.

Patrick: May problema ba?

Fretzie: Sorry.

Patrick: Para saan?

Fretzie: Kailangan ko na kasi umuwi…

Patrick: Huh? Uhmm.. sige, hahatid na kita.

Fretzie: Wag na. kaya ko naman umuwi mag isa ee.

Patrick: Pero, babae ka, atska ---

Fretzie: Kaya ko sarili ko. Sorry. Bye.

Dahil hindi pwede pumunta si Fretzie kila Ann, kasi nga dun din uuwi si Patrick, pinapunta muna ni Fretzie si Ann sa bahay nila…

Sa kwarto ni Fretzie…

Ann: Akala ko ba may family reunion?

Fretzie: Sorry nag sinungaling ako.

Ann: Hindi ikaw yung tipong nag sisinungaling Fretzie… Anong nangyare?

Kinuwento ni Fretzie kung ano yung nangyare, pagkatapos…

Ann: So, sa buong date niyo si Bret lang naiisip  mo?

Fretzie: Oo =(

Ann: Yehey!

Fretzie: Huh?

Ann: Ibig sabihin, si Bret nga talaga yung mahal mo, diba? *smiles*

Fretzie: ewan.

Ann: Ibaba mo na kasi yang pride mo. Patawarin mo na siya. Alam mo naman na mahal na mahal ka niya diba?

Fretzie: Pero… diba parang ang sagwa na ako na nga yung nakipagbreak, tas ako pa makikipag balikan?

Ann: Bakit mo ba mas inuuna yung iisipin ng iba kesa sa sarili mong kasiyahan? Eh, ano naman kung ganun nga isipin nila? Wala naman silang alam ee. Gawin mo kung san ka mas sasaya. Hindi mo kailangan isipin palagi ang iba. Atska mahal niyo naman kasi talaga ang isa’t isa! Anong magagawa nila? Baka inggit lang sila!

Fretzie: Pano si Yen?

Ann: Nilayuan na siya ni Bret. =) pero mas maganda kung papatawarin mo na din siya. Diba, dahil sakanya iniwan mo si Bret, at dun narealize ni Bret kung gano ka kahalaga sakanya.

Fretzie: Si Patrick?

Ann: Magkaibigan lang naman kayo diba? Wala naman namagitan sainyo… pwera nalang kung meron talaga….

Fretzie: ANO KA BA! SYEMPRE WALA NO!

Ann: Yun naman pala eeh! Edi walang problema. Pero sigurado pinag seselosan siya ni Bret kaya dapat na layuan mo siya. Diba, dahil din sakanya nalaman mo na si Bret talaga yung mahal mo?

Fretzie: oo…

Ann: Ganyan talaga ang buhay pag ibig diba? May mga tao tayong nakikila na mag papaprealize satin kung sino talaga yung tunay na mahal natin. Minsan yung mga taong yun, dumadaan lang sa buhay natin para subukin yung tatag ng pagmamahalan diba? Kaya hindi dapat kayo ni Bret magpatalo sa pag subok… be strong! =)

Fretzie: Oo sige! =) babalikan ko na si Bret! Kahit ano pang isipin ng iba… Mahal ko siya eh! =)

Ann: Yan! Ganyan! Pero sa ngayon….

Fretzie: Ano?

Ann: Naiihi na ko ee! Teka lang aa!

Fretzie: Hays! Ikaw talaga! Akala ko naman kung anong importante.

Ann: Importante naman yun aah! Wait lang aa!

Fretzie: Ann…

Ann: Huh?

Fretzie: Sana isipin mo yung mga sinabe mo sakin. Yung sinabe mo na minsan may mga taong dumadaan sa buhay natin para subukin yung tatag ng pagmamahalan. Sana marealize mo na kung sino yung mahal mo. Sana marealize mo kung gano ka niya kamahal at kung gano magiging matatag yung pagmamahalan niyo kung ipaglalaban niyo ang isa’t isa.

Ann: Huh?

Fretzie: Wala! Sige na. Umihi ka na! =)

Nung nag iisa nalang si Fretzie sa kwarto…

Fretzie: Sana ipaglaban niyo ni James yung nararamdaman niyo sa isa’t isa. Payo lang to, nasa sayo parin ang desisyon, Ann.

30 Days of love! (JamLi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon