30 Days of love! Chapter 25 (Day 24): Ivan D.

352 2 0
                                    

[Ann’s POV]

Uhhh? -__________-

Tumingin ako sa paligid ko. Andito na pala ko sa kwarto ko… kinusot ko yung mata ko at umupo na mula sa pag kakahiga ko… sa dulo ng higaan ko, nakita si James at Ivan na tulog. Yung scene na parang nasa ospital ako tas binabantayan ako ng mga tao… feeling ko na sa ganung kalagayan ako… pero bakit nga ba nandito yung dalawang yan?

OH MY GOSH!

Bigla ko naalala na habang naglalakad nga pala kami kanina pauwi, bigla ako hinimatay!

Sheeemaaay! Naiisip ko tuloy na siguro pinag alala ko tong dalawa kaya nandito parin sila sa bahay, sa kwarto ko. Tatayo na ako dapat pero parang wala parin akong lakas at masakit talaga yung ulo ko. Tinignan ko yung wall clock, it’s 3pm already at wala pang laman ang tiyan ko.

Kahit di ko pa talaga kaya, pinipilit ko talaga na bumangon. Oppppsss! Nagising si James!

“Uy, princess! Okay ka na ba? Sobrang nag alala ko sayo kanina!” So pinanindigan niya talaga yung pag tawag sakin ng princess? :”>

“Okay na ko. Mejo gutom lang…” Ngumiti ako sakanya.

“Bakit ba naman kasi hindi ka kumain ng breakfast eh alam mo naman na matagal tayo tatayo sa ceremony. Atsaka sabi ko na nga ba dapat kumain muna tayo bago umuwi ee. Wag mo na nga uulitin yun! Pano kung wala ako dun! Pano kung ikaw lang mag isa tas bigla ka nahimatay!!! Sino nalang magbubuhat sa mabigat mong katawan!” Uhh? Matutuwa ba ko sa sinabi niya oh maiinis? MABIGAT DAW NA KATAWAN? UGGGHHH.

Teka… tama ba narinig ko?....“Ikaw bumuhat sakin?” Nanlaki mata ko nung tinanong ko si James.

“Oo, bakit! Nagsisisi ka ba? Mas gusto mo ba na yang ogre na yan yung bumuhat sayo!! Pffftt.” Nag pout si James.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

BOOOOMMMMMM! Kinikilig ako!:””””””>

“i-i-ikaw t-talaga?”

“Oo nga sabi! As if naman papayagan kong buhatin ng iba yung princess ko? SORRY KUNG HINDI KA SATISFIED NA AKO NAG BUHAT SAYO AH! Kaso hindi ko kasi kaya na makita kang inaalagaan ng iba. Ayoko ng ganun.” nag pout ulit siya.

OMYYYYYGAAAAD!!!

Wait Ann. Relax. Breathe.

“Thank you.” Mahina kong sabi sakanya.

“Huh? Ano yun? Di ko narinig?”

“sabi ko thank you…” 

“Huh? Paki ulit?”

“SABI KO SALAMAT!” pasigaw kong sinabe.

OPPPPSSS. Nagising I Ivan >.<

“Okay ka na ba, Ann?” tanong ni Ivan sakin habang lumalapit siya sakin.

30 Days of love! (JamLi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon