30 Days of love! Chapter 9 (Day 8): You Promised.

434 6 3
                                    

Napaka two-timer talaga ni Ann!

Lalong lumala ang mga issue na lumabas tungkol kay Ann. At ang nagpatindi sa issue ay may mga pictures na lumabas nung date niya with Sam, at nung pumasok si James sa bahay ni Ann kahapon. Hindi pinapansin ni Ann ang mga taong nakatingin sakanya, hindi niya pinatulan ang mga issues na lumabas. She’s still confident dahil alam naman niyang wala siyang ginagawang masama. Nung uwian, napatawag  si James sa principal’s office dahil sa pakikipag away sa mga lalaking nag uusap tungkol kay Ann.  si Ann Dumirecho naman sa library para mag aral sa dadating na quiz bee. Wala si Tricia at ang teacher. Si Ann lang ang nag iisang tao sa library nang biglang dumating si Sam.

Sam: Hi Ann. *sits beside Ann*

Ann: Sam.

Sam: Sorry.

 Ann: Di mo kailangan mag sorry, hindi naman ikaw yung nagpakalat nung issue diba?

Sam:  Alam ko… pero kaya mo pa ba? *hold Ann’s hand*

Ann: Kailangan ko kayanin, di dapat ako magpakita ng kahinaan…

Biglang dumating si James…

James: Anung ginagawa niyong dalawa? Magkahawak pa kamay niyo ah?

Ann: Kino-comfort niya lang ako.

James: Kasama pa talaga sa pag comfort ang paghahawak ng kamay?

Ann: Bakit ka ba nagagalit?

James: Bakit? Kasi ang hirap HINDI PANIWALAAN yung issue na lumalabas tungkol sainyo. Two timer ka nga ba talaga?

Sam: Tama na James.

James: [for Sam] Wag ka makialam. [for Ann] Imbis na iwasan mo lumapit sakanya, patago pa kayo nag uusap at may kasama pang holding hands? Nakipag away ako para ma protektahan ka, pero ikaw lumalandi nang patago!

Lumapit si Ann at sinampal si James. Pagkatapos ay napaiyak si Ann.

Ann: Sana sinabi mo nalang sakin na nag seselos ka, kahit hindi. Sana sinabi mo nalang na iwasan ko lumapit kay Sam. Diba nag promise ka na di mo ko hahayaan na masaktan? Pero bakit ganun… Ikaw pa mismo nananakit sakin? Of all people, sayo ko pa maririnig yan.. Alam mo ba kung gano kasakit yun?

Kinuha ni Ann ang gamit niya at tumakbo siya papunta ng comfort room, hinabol naman siya ni Sam.

Nagkulong si Ann sa loob ng isang cubicle. Paulit-ulit tinatawag ni Sam si Ann sa labas ng CR pero tanging pag iyak lang ni Ann ang naririnig ni Sam. Nang mapansing mukang wala namang ibang tao sa CR, pumasok si Sam sa loob at kinatok si Ann….

Sam: Ann?

Ann: Bakit ba siya ganun?

Sam: Baka naman nag selos lang siya.

Ann: SANA SINABI niya nalang… T.T

Sam: Open the door please.

Pag bukas ni Ann ng pinto, niyakap siya ni Sam.

Sam: Tahan na please. Hayaan mo nalang sila at si James. Di kita iiwan Ann. Andito lang ako palagi para sayo.

Ann: Buti ka pa… Sana ikaw nalang pinili ko… Sana di ako nasasaktan nang ganito…

Sam: Di pa naman huli para baguhin mo yung desisyon mo..

Ann: Sana nga di pa huli. Ayoko nang ganito… di niya ko maintindihan, at ayaw niya ko intindihin… Atska di naman niya ko mahal eh..rebound lang ako..  Galit ako sayo JAMES! AYOKO NA SAYO! T.T

Ang hindi alam ni Ann at Sam ay nasa labas ng comfort room si James at rinig na rinig niya ang pinag uusapan nila. Hindi na tinapos ni James ang usapan ni Sam at Ann, at umuwi na siya.. pag dating niya sa bahay, dumirecho siya sa kwarto at humiga siya sa kama.

James: Pano mo nasabi yun James Reid? Pano mo nasaktan si Ann? Nag seselos ba talaga ko sakanila ni Sam? Bakit ba ko naiinis kapag may lumalapit na iba sakanya at may ibang pumoprotekta sakanya? Nung bata kami, palagi binubully si Ann… at ako ang palagi prumoprotekta sakanya… kahit si Bret hindi ko hinahayaan na protektahan si Ann… dahil gusto ko ako lang ang gagawa nun… Pero ngayon… Ako na ang nagpaiyak sakanya.. At nagsisisi siya na ako pinili niya? Iiwan niya na kaya ako? Ayoko… ayokong mawala ka sakin Ann… Masyado siyang mahalaga para sakin..

Sa sobrang pag iisip sa nagawa niya kay Ann, nakatulog si James. Nung nagising siya, 8:30pm na. Tinawagan niya si Ann para humingi ng tawad. Pero hindi sinasagot ni Ann ang mga tawag ni James… Nag send ng text si James.

# “I realized I let you down. Sorry. I’m really sorry.”

30 Days of love! (JamLi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon