30 Days of love! Chapter 29 (Day 28): Graduation.

301 1 0
                                    

Ann’s POV

KINAKABAHAN NA KO >____<

Well… kasi po… valedictorian po ako =)))) kaya po kailagan ko ng speech. =)))))

Todo effort sakin si Mommy mag ayos kanina. Dapat daw magandang maganda daw ang valedictorian niyang only child! Hahahahaha. Proud mommy <3

Pag dating namin ni Mommy sa school, nakita agad namin sila Bret, Fretzie, James, kasama yung mga parents nila na mga kumare ni Mommy. Habang naghihintay kami dun, biglang may kumalabit sakin…. Si Sam…

“Pwede ba kitang makausap?” –Sam

Napatingin naman ako kila Fretzie. Pag tingin ko nga kay James mejo parang may halong inis yung hubog ng muka niya… sumama ako saglit kay Sam, muka kasing may importanteng sasabihin since siya pa yung lumapit sakin… pumunta kami sa isang room na walang tao.

“Uhmmm? Congrats!” sabi ni Sam at biglang ngumiti.

“Thanks! Ikaw din congrats, gagraduate na tayo!”

“Oo nga, gagraduate na tayo… ang bilis ng panahon… parang kelan lang nung una kitang makilala…”-Sam

“Oo nga! 4 years na pala yung nakalipas mula nung naging seatmate kita nung 1st year!! Parang kahapon lang yun! Time flies like a blink of an eye….”

“4 years na rin kitang gusto.”-Sam

“Sam naman eeee…..”

“Hahahaha. Don’t worry, Ann. Sa Japan na ko mag cocollege… and I really hope na makamove on na ko.”

“Awwww… Hala, di na tayo magkikita sa mga parties. Sayang naman! Mamimiss ka ng batch natin for sure!!! Pero kung yan talaga yung gusto mo, goodluck! Sigurado ko kayang kaya mo sila! At for sure makakahanap ka ng OH-SO-PERFECT Girlfriend and soon-to-be wife dun!”

“May mas peperfect pa ba sayo?”

“Sus! MADAMI PA JAN! Kailangan mo lang idilat yung mata mo!”

“Hahahahaha. Bahala na. pero thanks. Ikaw, mag iingat ka palagi ah? Sana wag ka na saktan ni James.”

“The thing between James and I will end very soon.”

“You’ll never know what will happen, Ann. Pero please. Kung ano man ang mangyayari, ipangako mong magiging masaya ka.” Sabi ni Sam habang hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto ko maging masaya ka, kung hindi, babalik ako dito sa Pinas para kilitiin ka!”

“Oo naman =) Thank you sa lahat Sam. Thank you kasi ako yung minahal mo… thank you sa lahat ng happy memories pati na rin sa sad. Di kita makakalimutan, PROMISE! Ikaw din sana maging masaya na.”

“I will be.” –Sam

Niyakap namin ni Sam ang isa’t isa… pag katapos ng pag uusap namin ni Sam bumalik na ko kung nasan si James, Fretzie at Bret. Tapos nag announce na yung emcee na dapat na daw kaming pumila. Syempre as a valedictorian (yabang! hahaha) ako yung nasa pinaka dulo.

Tapos ayun awarding… speeches ng guests… pledge of loyalty…. At eto na! Valedictorian speech na! PRAY FOR ME!!!!!!!!!!!!!

30 Days of love! (JamLi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon