30 Days of love! Chapter 30 (Day 29): Celebration.

285 3 1
                                    

Fretzie’s POV

TODAY IS GRADUATION CELEBRATION DAY!!

Andito kami ngayon sa bahay nila Babe ko kasama sila Ann, James, Ryan, Jenny, Yen, and Pat at iba pang friends namin. Kaming mga girls nagluto muna kami ng mga ibang ulam, tapos yung iba nag bake. Tapos yung boys naman nag iihaw at inaayos yung set ng karaoke.

Uhm? Wala po kasi yung parents ni Bret. Umuwi muna ng province. After 1 month susunod din dun si Bret for vacation. At opo! Hindi po kami mag kikita… huhuhuhuhu =((( pero okay lang yun. Minsan lang makasama ni Babe yung parents niya from states eeh. Kaya Go! May tiwala naman ako sakanya…

Ako? Mag aaral ako lalo mag luto at mag bake sa summer. Culinary kasi ang kukunin kong course for college. =)))) goodluck to meee! And goodluck sa mga graduating readers!

Bret’s POV

Napaka gulo, napaka kalat, at napaka ingay ngayon dito sa bahay! Hahahahaha. Pero masaya! =)

Susulitin ko na tong vacation ko kasama si babe bago ko pumunta ng province. Mamimiss ko siya sobraaaaaaaaaa!!! Pero tiis tiis lang. gusto ko din naman makasama parents ko. Ang arte kasi nila, sabi ko dito nalang sila sa bahay naming mag stay pero gusto pa makipag reunion sa family sa province! Dapat dito nalang sa manila ee! Pero alam niyo ba? Pinakilala ko na si Fretzie kahapon nung graduation si Fretzie sa parents ko, tapos pinakilala na ko sa parents niya. At nakilala nan g parents namin ang isat isa. Ansaya diba? Legal na legal na kami. At ramdam kong gusto ako nila “mama” at “papa”.

FLASHBACK

-end of graduation ceremony-

Bago mag start yung ceremony napag usapan na naming ni Fretzie na ipapakilala na namin ang isa’t isa sa parents namin… kaya after nung ceremony pinuntahan ko na agad si Momskie at Dadskie at hinanap si Fretzie. Nung nakita ko si Fretzie, nakita ko na papunta na din siya samin. Nung nag harap harap na kami… DUG DUG DUG. Eto na!

“Goodevening po.” Sabay naming nasabi ni Fretzie bilang bati sa mga parents namin. Bigla naman kami napangiti ni Fretzie. Nag ngitian din parents namin..

“Uhmmm… Momskie, Dadskie…. Girlfriend ko po---si Fretzie.” Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Fretzie.

“Ma, Pa… Boyfriend ko po---si Bret.” Sabi ni Fretzie sabay pisil sa kamay ko.

Bineso ko naman ang parents ni Fretzie, at bineso ni Fretzie ang parents ko… DUG DUG DUG. Kinakabahan parin ako!!

“Ang gwapo naman ng boyfriend ng anak ko!” sabi ng mama ni Fretzie.

“Alagaan mo anak namin aa! Muka namang di ka patpatin ee!” sabi ng papa ni Fretzie.

“Opo, aalagaan ko po siya at hinding hindi sasaktan at papaiyakin!” sabi ko sakanila at sabay akbay ka Fretzie. Hinawakan naman ng papa ni Fretzie yung balikat ko.

“WOOOOOWW!! I will surely have a verrrryyy beautiful and handsome grandsons and daughters!” sabi ni Momskie.

“Balae, wag muna yan! Aral muna sila.”

“I know! But I want someone as pretty as your daughter to be my daughter! She’s so beautiful just like you!”

BLABLABLA. Nag bolahan si Mama at Momskie… tapos nun nag dinner together yung family namin. Oh diba? Ansayaaaaaaaaaa. Di ko na talaga papakawalan si Fretzie! Sympre naman, wala na kaya hihigit sakanya!

TEKA TEKA. Wga muna love life. Party muna ngayon!!! WOOOOOOO!! Graduate na kami kahapon! Anong kukunin kong course? Syempre business administration! Mamanahin ko yata ang company namin sa ibang bansa. Sympre, isasama ko sa ibang bansa si Babe and we will live happily ever after!!!!

JAMES’ POV

Start na ang party!!! Woooooooh! Inuman na kaming mga boys! Hahahaha grabe pag college di na namin to palagi magagawa kaya sulitin na namin talaga to ngayon! BAWAL KJ! Hahahaha buti nalang mejo malaki yung bahay nila Bret kaya nagkasya kaming lahat. Ang ingay pa. sorry sa kapitbahay! Hahaha pag bigyan niyo na kami, mga newly grad lang kami! Hahahahaha.

Sympre dahil nga inuman to, tumabi ako kay Ann. Mamaya pag nalingat ako baka may chumansing kay Ann! Tatamaan sila sakin! Hahahahaha. 29th day na. last day na bukas. Last day na nga tapos di ko pa makakasama si Ann bukas… may lakad kasi siya at may lakad din naman ako. May date daw kasi sila ni Fretzie bukas. Tapos ako kasama ko si Tricia.

Onga pala, tumawag sakin kaninang umaga si Tricia. Binalita niya sakin na ngayon yung alis ni Sam at hahatid niya yung kupal na yun sa airport kaya di siya makakapunta sa celebration. Sira talaga yun. Hindi manlang sinabi na aalis na pala siya. Di ko man lang nasapak.. ay joke. Hindi ko manlang nakausap bago umalis.

Andami namang umaalis. Bakit ganun?

Naalala ko tuloy si Ivan at yung bulong niya sakin!

“Wag ka na magselos. Hindi kami ni Ann, at hindi kahit kelan magiging kami.”

Ibig sabihin pwede ko na ipaglaban yung love ko kay Ann? Totoo na ba to? Wala na bang eextra samin? KUNG MERON PA, WAG NA KAYO MAG PAKITA SAMIN! Pasayahin niyo na kami ni Juliet!

Speaking of Ivan, ngayon yung operation niya at bukas malalaman yung result. Sana maging okay yung kaibigan ko para makapag basketball kami. Atska alam ko masasaktan si Ann pag nawala yung kupal na yun.

Teka teka. Hindi niyo ba tatanungin kung bakit kami mag kasama ni Tricia bukas? Mag sasabihin daw siyang importante sakin. Importanteng importante. Ano kaya yun? Sana wag na siyang humadlang samin. Wala na rin kasi akong feelings sakanya--- just friends nalang.

Buti pa sila Bret at Fretzie, may happy ending na together. Kami kaya ni Ann? Hindi ba talaga magkakasama si Romeo at Juliet?

30 Days of love! (JamLi fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon