DW6: New classmate

20 8 0
                                    

ᏞᏆᏙᎬᎪ'Ꮪ ᏢᎾᏙ

Habang naglalakad papuntang room ay sumalubong saakin si Levi. Babatiin ko pa lang siya nang bigla niya akong lagpasan.

Iniisip ko na lamang na baka hindi niya ako nakita pero imposible kasi tumingin siya saakin pero umiwas din kaagad. Hinayaan ko na muna siya at pumasok na nang room.

Pagpasok nang classroom ay magulo at makalat. Sumalubong kaagad saakin si Casidee na galit na galit na naman ang aura.

"ANG TAGAL MO NAMAN! LINISIN MO NA YUNG MGA KALAT! NAKAKAASAR KA." bulyaw niya saakin.

Inirapan ko siya nang harap harapan at nilagpasan siya.

"ABA WAG MOKONG INIIRAP IRAPAN DIYAN HA!" inis na sigaw niya sabay hila nang buhok ko.

Pero maya maya ay lumuwag ang pagkakahawak niya na tila ba may pumipigil sakaniya.

Paglingon ko ay may nakita akong babaeng maangas ang datingan. Maganda siya. May piercing siya sa labi pero hindi masyadong halata. Pero di siya pamilyar mukhang transferee na naman.

Nakahawak nang mahigpit ang isa niyang kamay sa braso ni Casidee.

Ngumunguya siya nang bubblegum at parang sanay na siya sa ginagawa niya. Nasa state of shock parin ako kaya hindi ko matulungan si Casidee. Hindi ko nga rin alam kung matutulungan ko pa ba siya sa ganitong sitwasyon.

"Hey bitch. I'm Hera. And i'm warning you, once na binully niyo pa tong babaeng to" aniya sabay turo saakin.

Nakatingin lahat sakanya, tulala at hindi makapaniwala.

"I'm gonna punch your face. Understand? You Moron bitch." Anito atsaka idinura sa mukha ni Casidee iyong bubblegum na kanyang nginunguya.

Ngumiti siya saakin at pinaupo sa tabi niya. Maya maya pa'y dumating si Teemo and nakipag apir kay Hera. Based on the name na binanggit niya kanina.

"Oh yes Darling magkakilala kami. He's my cousin." Sambit ni Hera na tila ba nababasa niya yung isip ko. "Don't be scared, kitang kita kasi sa mata mo na nagtataka ka kung bakit kami nag high five ni Rush- Teemo i mean. Baka kasi isipin mo nakakabasa ako ng isip." dugtong niya pa.

"Ow okay" medyo awkward pa ng pagkakasabi ko non.

Nakakapagtaka lang kasi komportable na kaagad siya saakin. Samantalang ako hindi pa sanay sa presensya niya. Malamang kakakilala lang namin e.

3RD PERSON'S POV

Biglang bumulong nang pasimple si Teemo kay Hera.

"Stop reading her mind" bulong niya kay Hera.

"I can't help, she's too talkative, ang sakit sa utak" pabalik na bulong ni Hera.

"Mag uusap tayo mamaya" aniya ni Teemo.

Napairap na lamang si Hera at magiliw na nakipag usap kay Livea.

"Hindi ka ba nagsasawa na palaging ikaw na lang ang pinag didiskitahan ng Casidee na yon? Bakit di ka lumaban ha?" Pataray niyang banggit.

"Ayoko. Kapag lumaban ako, ako parin ang kawawa." Sagot naman sakanya ni Livea.

"Pero hindi dapat ganon! Hays jusko Livea. Eh kung hindi ka naman lalaban aapi apihin ka lang nang mga yan"-Hera.

Tumahimik na lamang si Livea, marahil napag isip isip niyang tama ang sinabi ni Hera.

"Hoy. Huwag mo nga siyang awayin" pabulong na sabi ni Teemo kay Hera.

"Di ko siya inaaway. Sinasabihan ko lang" bulong pabalik ni Hera.

"Excuse muna Livea ha" sabi ni Teemo atsaka hinigit yung braso ni Hera.

Tumango na lamang si Livea at nanatiling tahimik.

LIV'S POV

Dahil sa sinabi ni Hera. Parang nagising ako sa katotohanan. Dapat nga na lumaban ako kahit alam kong di ko kaya.

Maya maya pa ay bumalik na ang dalawa at kasunod lang nila yung teacher namin.

"Oo nga pala. May bago tayong dating na bagong kaklase ninyo. Come here Miss introduce yourself." Aniya ng teacher namin.

"Hi Hera Athena Suarez at your service. I'm Teemo's cousin. So sana no one will mess with that girl right there" aniya habang nakaturo saakin at nakasandal sa blackboard. "Because ako mismo makakalaban niyo and you don't have any idea who i am. Yun lang! Have a nice day Casidee!" Pang aasar niya pa at umupo na rin kaagad.

"I've got goosebumps on you Miss Athena. Okay by the way let's move on to our topic..." And then she goes. Discussing everything about our history.

Kunwari lang akong nakikinig pero ang totoo di nag sisink in sa utak ko yung mga pinag sasabi niya.

Natapos ang discussion and the bell rang. It's a sign na lunch break na. Kaagad akong hinila ni Hera para pumunta nang canteen.

Kumuha na rin kami kaagad nang table at nagsimula nang kumain.

"Sarap pala nang pagkain dito ng mga tao-" natigil siya sa pagsasalita nang biglang umubo si Teemo dahil siguro nabulunan.

"Tae kase siya kaya di niya alam lasa nang pagkaing tao HAGAGAHAHAH" pagbibiro ni Teemo.

"Kadiri ka naman! Nakain tayo e!" Sigaw ko sa kanya.

Habang nagkakasiyahan ay may naramdaman akong bumuhos na malamig na tubig sa uluhan ko.

Pagtingin ko, si Tia na naman at ang mga alipores niya.

"Ohh, i'm so sorry hahah. And ohh may mga kasama ka na? For sure losers din sila just like you, no? HAHAHAHAH"

Nagulat na lang ako nang biglang humampas sa table si Hera at masamang nakatingin kay Tia.

"Ohh do you think i'm scared?" Pag bibiro pa ni Tia.

"You should." Malamig na sambit ni Hera at kisap matang sinugod siya at sinakal.

"Omg!" Sigaw iyon ni Imogen.

"Ackkkk...!" halos di na makahinga at namumula na ang buong mukha ni Tia.

"Hey stop that! You demon!" sigaw naman ni Demi.

"Hera! Stop!" Sigaw ni Teemo at maya maya pa'y lumuwag na ang pagkakasakal niya at bumagsak si Tia sa sahig.

Napansin kong may kakaiba sa mata niya kanina tapos unti unti itong nawala.

Natapos ang kaguluhan at hinila kaagad kami ni Teemo papuntang room.

TEEMO'S POV

Hinila ko si Heiran o Hera dahil may importante kaming pag uusapan tungkol kay Livea.

"Ano na naman?!" bulyaw niya.

"Can you please stop scaring her? Wag mo siyang awayin and treat her as your younger sister" aniya ko.

"Okay i know that. But, hindi rin ba pwede mag mind reading sa kanya, or sa ibang tao?" Pangungulit niya.

"Bawal! Kasi baka isipin nila na ang weird natin. Act normal lang. Masyado kang nasanay saatin"  aniya ko.

"Oo na oo na." pumasok na kami kasi natanaw na namin ang teacher namin. Napansin kong nakatulala lang si Livea at halatang malalim ang iniisip.

Tinawag si Hera at nagpakilala sa harapan.

—••••—

Note: Yung Teemo's pov which is yung last part ng chapter nato. Yun yung hinatak ni Teemo si Hera palabas, yun yung pinagusapan nila, nasa 3rd Person's POV yun. Baka kasi naguguluhan yung iba diyan.

VOTE AND COMMENT!

Different WorldsWhere stories live. Discover now