ᏞᏆᏙᎬᎪ'Ꮪ ᏢᎾᏙ
"Liv! Liv! I'm gonna tell you something" bungad saakin ni Hera pagkapasok ko ng gate ng school.
"What is it?" Tanong ko naman kaagad.
"About dun sa nangyaring punishment kahapon. Ang totoo niyan mas panig saatin yung Principal natin. Mas naniniwala siya saatin. Kaya may laban tayo." Aniya.
"Really? Pero paano mo naman nalaman?" Pagtataka ko.
"Ah- a-ano kasi-" natigil siya sa pagsasalita nang sumulpot si Teemo sa likuran namin.
"Narinig kasi namin! Nakitsismis kami kahapon hahahhaha" singit niya at inakbayan ako.
Inalis ko naman kaagad ang braso niya at sinaway siya.
"Btw. Balita ko ayos na kayo ni Levi?" Pag iiba ni Teemo ng usapan.
"Ah oo. Paano mo nalaman?" Sabi ko.
"Nakita ko kasi kayo kahapon na sabay umuwi." Aniya.
Tumango na lamang ako at nagtuloy tuloy lang kami sa room.
Makalat na naman pero nagulat ako ng makita ko si Casidee na winawalis ang mga kalat. Marahil ay tinakot siya ni Hera.
Nang makaupo na kami ay nagsimula ng magturo ang prof namin. Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Liv, kamusta ka irog ko?" Aniya.
"Ayos lamang ako mahal." Tugon ko.
Nasa parke kami, nanonood ng mga batang naglalaro.
"Kay saya nilang panoorin mahal ano?" Aniya habang hawak ang aking kaliwang kamay.
"Tama ka diyan mahal." nakangiti kong tugon sa kanya.
"Sige mahal diyan ka muna at kukuha lang ako ng ating makakain-"
"Miss Pereña! Get out of my class now!" Sigaw ng galit na galit kong prof. Nakatulog ako at nanaginip.
Tumayo naman ako kaagad at dinala ang bag ko. Maya maya pa biglang may sinigawan si Sir at maya maya pa lumabas si Teemo ng humahagikgik.
"Anong ginawa mo?" Sabi ko sa kanya.
"Binwisit si Sir hahahah gusto kong samahan ka." Aniya at iginiya ako papuntang canteen.
Dahil wala pa namang recess iilan lang ang mga tao.
Naupo ako at hinayaan na lamang si Teemo ang kumuha ng makakain.
Habang kumakain ay naguusap kami ni Teemo. Pero maya maya pa ay biglang umingay at tila papalapit ito saamin. Paglingon ko ay ang mga kateammates pala ni Levi kasama siya.
Ngumiti siya saakin pero agad ding napawi ng mapatingin siya kay Teemo. Iniwan niya ang mga kateammates niya at agad na lumapit saakin.
"And who are you?" Maangas na tanong niya kay Teemo.
Tumayo naman ako kaagad para pakalmahin siya.
"Teemo. Teemothy Suarez. I'm one of her friend." Aniya at inilahad ang kanyang kamay.
"Levi Hilario" sabi naman niya at nakipagshake hands kay Teemo.
Nakahinga naman agad ako ng maluwang ng naging maayos naman ang unang pagkikita nila. Naupo siya sa tabi ko at saka inakbayan ako. Hindi ako masyadong sanay at nahihiya sa mga tao kaya inalis ko ang brasong naka- akbay sa akin.
"Bakit nga pala ang aga mo yata?" Aniya.
"Ah. Pinalabas ako hahah" parang wala lang na sagot ko.
"Hahah bad girl!" sabi niya atsaka ginulo ang buhok ko.
Nagpatuloy lang naman ako sa pagkain at inayos ang buhok ko.
"Ikaw? Bakit ang aga mo rin? Don't tell me napalabas ka rin?" Aniya kay Teemo.
"Yeah. Hahahah i decided to follow her kasi baka mapano siya." Aniya ni Teemo at nagpatuloy parin sa pagkain.
Tumango tango naman siya at tinawag ang mga kateammates niya para makiupo saamin.
Dumating ang lunch at nagsisidatingan na ang ibang students. Dumating na din si Hera at nakiupo saamin.
"Uy chixx." Aniya ni Wes.
"Guys siya nga pala si Hera." pagpapakilala ko kila Wes. "And Hera sila ang mga kateammates ni Levi."
Ngumiti si Hera. Napapagitnaan siya ni Teemo at ni Magnus.
"Hi Hera! I'm Wes!" Aniya at inilahad ang kamay. Agad naman iyong kinuha ni Hera at nakipag kamay.
"Mukhang kursunada ka neto ni Wes." Aniya ni Magnus.
"HAHAHAHAHAH! Yan pa! Tukmol na yan playboy yan wag ka papaloko diyan" pang gagatong ni Sid.
"Oo nga! Dami ng natikman niyan e! HAHAHAHAHAHAHAH!" pang aasar pa ni Wade.
"HEY! WADE! DALAWA PA LANG NATITIKMAN KO HA!" Offensive na sabat ni Wes.
Nakikitawa na lamang kami.
"Ba't di kaya tayo gumawa ng Squad ano?" Suhestiyon ni Sid.
"Ano namang pangalan?" Tanong naman ni Teemo.
"Ano nga ba?" Aniya ni Magnus.
"Hoy! Palit nga tayo Mags!" Aniya ni Wes. Tumayo naman si Magnus at nagpalit nga sila ng pwesto ni Wes. Dahil gusto niyang makatabi si Hera.
"Landi mo tol! HAHAHAHAH" aniya ni Levi.
"Team Marupok?! HAHAHAHAH" Suhestiyon ni Wade.
"Ang korni" Pag angal ni Levi.
"Team Omsim? Shet" aniya ni Sid.
"Pwede pwede!" Pag sang ayon ni Hera
Napatingin naman sa kanya si Wes at nginitian ito. Umirap naman si Hera at natawa kaming lahat sa reaksyon niya.
"Team Omsim na daw sabi ni babe" sabat ni Wes kaya napuno ng kantyaw banda saaming upuan.
"Babe?! Sapakin kita?!" Banas na sabi ni Hera at ambang mananapak.
"Hey hey hey! Tigil niyo nga yan!" Sabat ko naman sa kanila.
Natapos ang lunch break ng puro kantyawan lang at tawanan ang naganap.
Uwian na naman at naisipan nilang mag mall na muna. Wala naman akong masyadong dalang pera. Matapos ang mahaba habang galaan. Umuwi na ako at natulog kaagad dalang pagod.
"Hindi mo parin ba ako kilala?" Aniya ng lalake na naman na kasama ko.
"Sino ka ba talaga at palagi kang nasa panaginip ko?" Sabi ko sa kanya.
"Ako si ......." Hindi ko narinig dahil parang may maingay pero pinilit ko paring marinig.
"Sino ka?"
"Rush..." Iyan lang ang naririnig ko.
At maya maya pa'y namulat ko na ang mga mata ko. Pagtingin ko ay ang alarm clock ko pala ang pinang gagalingan ng ingay.
Pero kahit papaano ay nalaman ko ang kakaunting pangalan niya.
Rush... Sino ka? Anong meron sayo? Bakit lagi kitang napapanaginipan? Maraming tanong sa isip ko at alam kong wala ni isa ang makakasagot nito.
Ps. Sorry for short update.
VOTE AND COMMENT!
YOU ARE READING
Different Worlds
FantasyTwo persons from different worlds will cross each other's path. Is it possible that the two persons met in the right place but not at the right time will fall inlove on each other?