DW 2: I need you, Livea

33 12 8
                                    

ᏞᏆᏙᎬᎪ'Ꮪ ᏢᎾᏙ

KINABUKASAN

Panibagong araw na naman. Pumasok na ako dala ang tshirt na pinahiram saakin ni Levi. Nilabhan ko ito kagabi at dinryer para matuyo kaagad.

SCHOOL

Habang naglalakad sa hallway hinihintay ko si Levi na dumaan, ngunit walang Levi na nagpakita. Baka late lang. Kaya napagpasyahan kong mamaya ko na lang ibibigay at nagtungo nako sa classroom ko.

Maya maya pa dumating na ang prof namin may kasama siyang lalaki. Nakasibilyan siya at siguro'y bagong transfer na naman sa amin. Nagpakilala siyang si Teemothy Suarez. Naupo siya sa bakanteng upuang nasa tabi ko.

"Pangalan?" pagsasalita ng taong nasa tabi ko.

Di ko siya pinansin kasi baka hindi naman ako kinakausap niya. Nakatingin lang ako ng diretso sa nag didiscuss kong prof. Then kinalabit niya ako. Lumingon naman agad ako sa kanya. Gwapo siya, mas gwapo pa kay Levi.

"Pangalan?" Tanong niya ulit saakin.

"Livea Pereña" maikli kong sagot sakanya.

Tumango lang siya at ngumiti.

Nang matapos mag discuss ng teacher namin. Niyaya kaagad ako netong si Teemothy na pumuntang canteen. Aayaw sana ako pero naalala ko na baka pumunta dun si Levi at nang maisauli tong damit niya.

Umupo kami ni Teemothy sa may bakante.

"Taga saan ka?" Panimula ko ng topic, kasi sobrang awkward ng atmosphere.

"sa Kepler186f" aniya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ha? Anong Kepler? HAHAHJAAHAH" di ko na napigilang matawa dahil sa sinagot niya.

Napatigil siya sa pagkain at tumingin sakin ng nagtataka.

"Heheheh joke lang pala, taga Laguna ako" aniya at nagpatuloy ulit sa pagkain. Para siyang gutom na gutom na di kumain kaninang umaga.

"Eh bat lumipat kayo dito sa Cavite?" Tanong ko uli. Saka kumagat sa sandwich ko.

"Ah, naghiwalay kasi magulang ko. Sumama ako sa nanay ko."

Tumango ako at naalalang kailangan ko palang ibigay tong damit kay Levi. Nilibot ng mga mata ko ang buong canteen. Mga teammates niya lang ang nandoon at wala siya. Pumunta ako sa kanila at nagpaalam na muna kay Teemo.

"Ah, maabala ko muna kayo. Nasaan si Levi? Bat hindi niyo siya kasama?" Pangbabasag ko ng kwentuhan nila.

"Absent siya. Sinugod sa ospital yung Lola niya" ang nagsalita ay si Wes.

"Ah. Salamat. Pero pwede ko bang malaman kung saang ospital nasugod ang lola niya?"

"Korean Hospital. Pupunta kami dun mamayang uwian, sumabay ka na lang samin." Wes ulit.

"Ah sige. Salamat." sabi ko at nagulat ng pagkatalikod ko nasa harap ko na si Teemo.

Ang rungis ng itsura niya kaya nakihingi ako ng tissue sa table nila Wes. Bawat table kasi ay may mga tissue.

Different WorldsWhere stories live. Discover now