DW9: Rushovich and Heiran

10 6 0
                                    

ᏞᏆᏙᎬᎪ'Ꮪ ᏢᎾᏙ

Nagpunta kaming hospital upang sunduin si Lola Sol na uuwi na ngayong araw.

"Hi Lola Sol. Kamusta na po ang pakiramdam niyo?" Tanong ko habang nakasakay siya sa kanyang wheelchair na tinutulak ni Levi.

"Ayos na naman ako iha, wala ka ng dapat pang ipag alala" aniya.

Nakauwi na kami kaagad galing hospital at dumiretso na ng school.

Matapos ang klase, pinapunta na kaming boy's locker room para maglinis dahil dun sa punishment.

"Hey Livea! Maglinis ka nga ng maayos!" Sigaw ni Tia saakin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglilinis. Pagkatapos maglinis ay umuwi na kami ng bahay.

TEEMO'S POV

Pauwi na kami ni Heiran sa condo na tinutuluyan namin. Wala kaming sariling bahay kasi sandali lang naman kaming mananatili dito. Nang makarating nahiga agad ako sa sofa bed namin at gumawa ng fries and burger gamit ang aking mahika.

Kami ni Hera o Heiran ay galing sa planetang Kepler186f. Tagalog din ang aming lenggwahe doon para maging madali ang pakikipag komunikasyon namin sa mga tao. Kaming mga Keplians ay may kanya kanyang trabaho o tungkulin sa mga tao. At ang trabaho namin ni Heiran ay ang pasiyahin at ipagtanggol si Livea sa mga taong hinihila siya pababa at upang iparanas sakanya kung paano maging normal na tao na walang nang bubully at walang tinatagong problema. Saka para hindi niya ramdam na nag iisa siya.

Matagal na namin siya pinagmamasdan mula sa planeta namin kaya ayun.

"Huy Rush, tara praktisin natin yung telekinesis" aniya ni Heiran na may kasamang tapik.

Tumayo na ako at pinagpapraktisan na i-control at ipapunta saakin yung vase.

Malapit na ito saakin ng biglang bumagsak at nabasag.

"Ano ba yan! Ulit!" Sigaw ni Heiran at binuo uli ang vase.

Tinry ko uli pero nababagsak talaga at nababasag. Nagpapraktis din siya pero medyo bihasa na siya at gamay na niya.

Binuo niya ulit at tinry ko uli. Malapit na ito kaunting kaunti na lang ng bumagsak sa paanan ko. Napahiyaw ako sa sakit! Binuo ulit ni Hera at pinagaling ko ang sariling sugat ko. Sinubukan ko ulit at iyon sa wakas! Nadala ko rin ito saakin. Inulit ulit ko lang at hindi na ito nababagsak.

Matapos ang pag papraktis ay pumunta na ako ng aking kwarto at naabutan kong nakabukas ang monitor na nagsisilbing komunikasyon namin sa aming planeta.

"Rushovich andyan ka na pala" aniya ni Pinuno.

"Ano hong nais niyong sabihin?" sambit ko.

"Nais ko lang sabihin na kahit anong mangyari ay huwag mong pababayaan si Livea maliwanag?" Aniya ni Pinuno.

"Pero bak-" magtatanong pa sana ako ng biglang namatay na ang monitor.

Nahiga na ako at pumikit. Nag concentrate ako sa pag lu-lucid dreaming at ayun. Sakto at nananaginip na rin si Livea.

Napagdesisyunan kong gulatin siya at nakita kong nakasimangot siya. Naupo kami sa gilid at hinarap siya.

"Livea? Bakit ka nakasimangot?"  Sabi ko.

"Kasi napakamisteryoso mo, sa tuwing binabanggit mo pangalan mo lagi akong nagigising at napuputol"  aniya.

Kung alam mo lang..
Kung alam mo lang na sinasadya ko ang lahat ng iyon.
Mapapatawad mo pa kaya ako?

"Ah. Pasensya na. Ako si Rushovich. Ang matagal ng nagmamahal sayo" paglalakas loob ko.

"Rushovich?" Tanging tugon niya.

Tumango ako at ngumiti siya. Hindi niya ako makikilala sa personal dahil iba ang mukha ko sa panaginip niya.

"P-paano mo ako nakilala?" Aniya.

"It's for you to find out. I'm so sorry pero hindi ko pwedeng sabihin." Tugon ko.

Nasimangot na naman siya at hinila niya ako papalapit sa mga batang naglalaro.

"Mga bata pwede ba kaming sumali?"  aniya.

"Sige po!" Masiglang sambit ng mga bata.

Nakikipaghabulan kami sa mga bata at tila ba ang saya saya namin. Lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti niya.

Pagkatapos naming maglaro ay nahiga kami sa damuhan at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Rush, ano kayang pakiramdam ng minamahal ano?" Walang ano ano'y tanong niya.

"Hindi mo ba ramdam ang pagmamahal ko saiyo?" Sambit ko at saka lumingon sa kanya.

"Hindi. Dahil nasa panaginip lang kita. Pakiramdam ko hindi ka totoo" aniya.

"Paano kung sabihin kong totoong tao ako? Na nakakasalamuha mo ako sa araw araw mong pamumuhay" sambit ko.

"Edi magkita tayo." Aniya.

"Biro lang. Hindi ko rin naman alam kung totoo ba ako" tugon ko.

"Pwede ba yun?" Aniya.

"Oo naman hahahah" pagbibiro ko at di ko namalayang mag uumaga na pala.

Nagising na ako dahil sa sinag ng araw na humahalik sa mukha ko. Pagmulat ko ay sumalubong saakin si Heiran na hinahawi at tinatali ang kurtina sa aking kwarto.

"Heiran anong oras na?" sambit ko.

"8 na" aniya at lumabas ng kwarto.

Maya maya bumalik uli siya.

"Bumaba ka na kakain na tayo" aniya.

Pagkababa ko ay naamoy ko na agad ang bango ng niluto niya.

"Aba himala hindi ka gumamit ng mahika?" Pagpuna ko sa kanya.

"Nakakatamad din minsan gumamit ng mahika. Saka maganda din na natututo akong magluto." Aniya.

Naupo na kami at nagsimulang kumain.

"Oo nga pala hanggang kailan ba tayo mananatili dito?" Sambit ko.

"Hindi ko rin alam e. Gusto ko ng bumalik dun miss ko na pamilya ko." Pagmamaktol niya.

"Eh diba may tungkulin pa tayo?" Sambit ko.

"Kaya nga. Kailangan nating mabilisang tulungan si Livea. Dahil kating kati na ako umuwi saatin" aniya. "Ikaw ba? Hindi mo sila namimiss?"

"Namimiss. Pero paano na lang kapag iniwan na natin siya at tapos na tayo sa misyon natin? Edi babalik na naman siya sa pagiging depress niya." Tugon ko.

"Syempre maghahanap tayo ng papalit sa pwesto natin" aniya.

"Hindi ganun yun kadali Heiran." Tugon ko.

"Tell me! Inlove ka na kay Livea no!" Aniya sabay duro saakin ng tinidor niya.

"She's not difficult to love" pag amin ko.

"Ayan! ayan! Yan ang mahirap! Paano kapag na-inlove siya kay Levi? Edi nganga ka na naman? Tapos kapag na inlove siya sayo? Tapos iiwan natin siya. Edi siya naman ang naiwang luhaan. Nako Rushovich mag isip ka!" Aniya.

"Eh paano kayo ni Wes? Ha?!" Pagbabaling ko sa kanila ni Wes.

"Huh? Siya lang naman ang may gusto saakin no! Ayokong mainlove sa mga tao, mahirap na." Aniya.

"Eh paano kapag na inlove ka din sa kanya? Hindi imposible yun Heiran." Sagot ko naman sa kaniya.

"No! Never! Hindi pwede at ayoko!"

Natapos na kaming kumain at pumasok na sa school.

VOTE AND COMMENT!

Different WorldsWhere stories live. Discover now