DW10: Mysterious guy

14 4 0
                                    

ᏞᏆᏙᎬᎪ'Ꮪ ᏢᎾᏙ

Kagabi, napanaginipan ko siya pero hindi parin ako kuntento, pakiramdam ko may kulang at may nais sabihin yung lalaking nasa panaginip ko.

Kasalukuyan akong naghahanda ng makakain ko bago pumasok ng school. Dahil may p.e. class kami kaya kailangan ko ng maraming energy.

Matapos kong kumain nagulat ako ng may kumakatok sa pinto. Pag bukas ko sumalubong saakin sila Hera at Teemo, pinapasok ko sila at pinaupo sa sofa.

"Maganda naman pala bahay mo Liv e" pagpuna ni Hera habang lumilibot ang mata sa bahay.

"Maganda nga, ako lang naman nakatira" sabi ko habang nagliligpit ng plato. "Bakit nga pala kayo napadalaw? Atsaka saan niyo nalaman address ko?"

"Kay Levi." Ani ni Teemo.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ah oo. Napapunta kami dito para sabay sabay na tayo pumasok." Sabi ni Hera.

Tumango na lamang ako at mabilisang nag toothbrush. Pagkatapos ay nilock ko ang bahay at nag byahe na papuntang school. Pagkarating ng school, nagulat ako kung bakit maraming tao, hindi naman to usually ganito. Biglang tumunog ang speaker na nakapalibot sa school.

"Attention students of Fortrica University. The school decided to cancel all the classes today. Due to the Principal's son's favor. We will be having a games for y'all. So this day will be our free day!" Sabi ng nagsasalita sa speaker.

Nanlumo naman ako sa narinig ko, siguro uuwi na lang ako dahil wala akong ganang maglaro ng mga walang kwentang laro na yan ng anak ng Principal. Taon taon may ganito, at taon taon rin na ako lagi ang napagtitripan. How ironic.

"Oh Liv, di ka ba masaya?" Sabi ni Teemo na nasa aking tabi.

"Hindi. Uuwi na lang ako, sige bye!" Sabi ko at nagsimula ng maglakad papalabas ng gate.

"Hey! Let's have fun today! Kaming bahala sayo don't worry" sabi ni Hera na nakasunod pala saakin.

Umiling ako at sinabing ayoko.

"Please? Just consider this as my favor, please Livea?" Pagmamakaawa ni Hera na nasa harapan ko na.

Napairap naman ako dahil sa kulit netong si Hera.

"Oo na" sabi ko sa kanya at niyakap niya ako. Wtf?!

Tuwang tuwa siya at kinaladkad ako kung saan may mga booths. Bakit naka ready agad sila? Samantalang di naman kami inabisuhan kahapon. Habang nagkakasiyahan sila dumating na ata yung anak ng Principal dahil nag sisigawan na sila. Napairap ako sa hangin at naupo sa isang sulok.

Pero nagulat ako ng hindi yung babae ang dumating, kundi yung lalake na di ko inaasahan pero hindi ko kilala. Napakunot ako ng noo dahil ngayon ko lang siya nakita. Ang reaksyon nila Teemo ay para bang kinikilatis nila ito.

TEEMO'S POV

Nang dumating ang anak ng Principal, nakilatis ko na siya kaagad, hindi siya normal na tao, katulad din namin siya. Pero hindi naman ako masyadong nakasisiguro. May kakaiba sa mga mata niya, at hindi ko alam kung ano iyon.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Sabi ni Hera na nasa aking tabi.

"Malamang, nababasa ko isip mo e." Sabi ko sa kanya.

Binatukan naman niya ako at ginantihan ko siya.

"Ano ba!" Sigaw niya saakin.

Aba tignan mo to siya mangunguna tapos siya pa magagalit. Abnormal.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit yung lalaki kay Livea na naka upo at walang paki alam. Nangunot ang noo ko at balak ko sana silang lapitan ng pinigilan ako ni Hera.

"Hi. What's your name?" Sabi nung lalake.

Naniningkit ang mata ko dahil sa ginagawa ng lalaking iyon. Ano bang pakialam niya kay Livea? Nakakabanas siya!

"Hey wag ka ngang sumigaw sa utak mo! Ang sakit letche ka!" Sigaw ni Hera saakin.

Hindi siya pinansin ni Livea, tumayo lang si Livea at lumapit saamin.

Parang napahiya yung lalake at nilapitan ulit siya kahit nasa tabi ko na ito.

"Bakit ba ang kulit mo?" Si Hera na ang nagsalita.

Nagkatitigan sila na para bang nag aaway sila sa kani kanilang utak. Padabog na umalis yung lalake at naiwang masamang nakatingin kay Livea ang mga babae. Hays, bakit ang ibang mga babae makakita lang ng gwapo tinitilian kaagad nila? Di tulad ni Livea. Livea is so unique.

"Ayos ka lang ba?" Sabi ko kay Livea.

Tumango siya, dapat pala hinayaan na lang namin siyang umuwi kanina. Maya maya nakita kong tumatakbo papunta samin sila Levi at mga kaibigan niya.

"Narinig ko ang usap usapan. Are you okay?" Pag aalala ni Levi kay Livea.

No doubt in love na talaga si Levi dito. Niyakap naman ni Levi si Livea. Hindi siya tumanggi.

Nakipag apir naman saakin sila Wade at ang iba pa.

"Asan si Wes?" Tanong ni Hera.

"Hindi pumasok. Wao concern ang Hera namin" panunukso ni Sid.

"No, di lang ako sanay ng hindi kayo kumpleto" sabi ni Hera.

Natawa naman ako sa kanya.

"Sige magsinungaling ka pa. HAHAGAHAH" pang aasar ko sa kanya.

Hinampas naman niya ako ng malakas. Tawa naman ng tawa si Livea. Parang ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Lalo ako naging masaya ng makita siya.

Sa isang banda, nakita ko yung lalake na masama ang tingin sa amin. Ngumisi siya at umalis sa kanyang pwesto. Naningkit ang mata ko.

May masama siyang binabalak sigurado ako dun. Aalamin ko kung sino ka, hindi ka makakatakas saakin.

VOTE AND COMMENT!

Different WorldsWhere stories live. Discover now