ᏞᏆᏙᎬᎪ'Ꮪ ᏢᎾᏙ
Maaga akong nagising kesa sa kanila para maghanda ng agahan. Habang naglalabas ng mga binili nila sa fridge, naramdaman kong may yumakap saakin mula sa aking likuran. Pagkatingin ko si Levi lang pala, nanatili lang siyang nakayakap, hindi ko alam kung bakit pero parang may mali.
"Hmm Levi?" sambit ko habang nahihirapang lumingon sa kanya dahil nakasandal yung ulo niya sa balikat ko.
"I miss you" inaantok niya pang sabi.
"I miss you too. Kahit magkatabi lang tayo kagabi." sabi ko.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap at saka humarap saakin.
"Magluluto ka? Tulungan na kita" sabi niya saka tinulungan akong kumuha ng mga ingredients sa fridge. May pasok pala ngayon at kasamaang palad, may exam ngayon. Binilisan na namin ang pag p-prepare at ginising na sila. Nagsikain na kaming lahat at sabi nila dito na rin daw sila mag aayos kasi nagdala pa talaga sila ng uniform. Prepared na prepared.
Nauna na akong naligo, sumunod si Hera at yung iba pa. Nakapagbihis din ako kaagad kaya bumaba na ako para maghintay, maya maya lumabas na si Hera na nakabihis at magsusuklay na lang. Hinintay pa namin ang iba, ang kukupad magsikilos.
Nang nandito na ang lahat. Umalis na kami gamit yung kotse ni Wes. Kita mo nga naman, ang yaman pala neto ni Wes. Nang makarating sa school. Kabado ang lahat, nagpunta na agad kaming apat nila Levi, Hera at Teemo. At humiwalay naman ang iba dahil ibang section sila.
Nagsimula na ang exam, nasasagutan ko ang iba, at ang iba'y hindi. Yung iba hindi naturo saamin, o sadyang di lang ako nag p-pay attention? Basta ewan. Nagpatuloy lang ako sa pagsagot.
Hanggang sa matapos ang oras nakahinga ako ng maluwag at lumabas kaagad kami.
AFTER 2 DAYS
Lumabas na ang mga resulta ng exam. Nakapasa kaming lahat, kaya napagpasyahan ng squad na mag celebrate sa bar na pwedeng rentahan ng buong section.
—BAR—
Nang makarating na ang lahat. Nagsimula kaagad ang party. Ang iba'y nagsama ng ibang kaibigan nila. Samantalang kami nasa iisang lamesa lang at madaming alak ang nasa harapan namin. Pero hanggang wine lang ako, kasi hindi ako umiinom.
"Liv! Inom ka na! Daya mo naman!" sigaw ni Hera na para bang nalalasing na.
"Oo nga! Minsan lang 'to!" sabi pa ni Wes.
"Don't push her kung ayaw niya." sabi ni Levi na hinaharang si Wes sa alak na hawak niya.
"Isa ka pang kj eh!" angal ni Magnus.
"Sige na try mo lang" sabi ni Sid.
Wala namang mangyayari kung t-try ko. Kinuha ko yung inaabot ni Sid at straight na ininom. Gumuhit sa lalamunan ko yung alak kaya napapikit ako ng mariin.
"You okay?" pag aalala ni Teemo sa tabi ko.
Tumango lang ako at kumain ng pulutan.
"Isa pa!" sigaw ni Hera saka inabot saakin yung alak. Ininom ko uli yon, nakatulog na si Hera na naka sandal sa balikat ng tulog na rin na si Wes. Tulog na rin ang karamihan pati si Levi at si Teemo medyo gising pa pero lasing na rin, hanggang sa nakarami na ako at tila ba umiikot na ang paningin ko. Nahihilo na ako.
"Livea?" parang nag e-echo yung boses ni Levi at sumasabay sa music sa bar.
Lumalapit ng lumalapit yung mukha niya habang nakahawak sa magkabilaang pisngi ko. Nagulat naman ako ng may dumamping labi saakin, kasabay nun ang pag pikit ng aking mga mata. Ang lambot, at amoy alak ang humahalik saakin.... Hindi ko na talaga kaya... Nahihilo na ako....
KINABUKASAN
Nagising ako sa mainit na dumadampi sa mukha ko, dahan dahan kong iminulat yung mata ko, nagulat ako ng magising ako sa isang kwarto. Malawak, magandang kwarto. Dahan dahan akong tumayo at nakaramdam ako ng makirot sa ulo ko. Wala akong masyadong naalala, ang naalala ko lang. May humalik saakin, pero hindi ko rin maalala kung sino. Umikot ang mata ko at napahiyaw ako ng makita si Teemo na tulog at nakahubad sa tabi ko.
"HOYYYYYY!" sigaw ko at saka tinapik siya sa noo. Nagising kaagad siya at nagulat din.
"BAKIT?!" natataranta niya ring sabi.
"Anong nangyare?!" nag hihisterikal na sabi ko.
"Hindi ko alam?!" sabi niya naman.
Tinignan ko naman ang sarili ko. Yun parin yung suot ko kagabi. Siya naman half naked lang.
"Bat ka nakahubad?!" sigaw ko.
"Hindi ko din alam. Baka nahubad ko kagabi?" sabi niya na di rin sigurado sa sagot niya.
"Wala ka naman sigurong ginawa diba?" sabi ko naman.
"Wala no! Virgin pa ako!" sabi niya at saka tumayo at hinahanap yung damit niya.
Nahinga ako ng malalim, maya maya pa nagulat ako ng bumukas yung pinto at iniluwa non si Hera, Levi, Wes, Magnus at Sid. What the hell?! Ba't nandito sila?
"Nakailang rounds kayo?" pang aasar ni Wes na ikinasimangot ko. Nakita ko naman na siniko siya ni Hera sa tagiliran.
"Anong nangyare kagabi?" bungad ko agad kay Hera pagka upo niya sa tabi ko.
"Hindi ko rin alam. Nalasing na din ako." simpleng sagot niya.
"Ano Livea malaki ba?" pang aasar naman ni Sid.
Binatukan naman siya ng malakas ni Teemo.
"Tigil niyo nga yan" sabi ni Levi na halata ang pagkabanas sa mukha. "Are you okay?" sabi ni Levi at lumapit sa akin.
"My head hurts." sabi ko.
"Mawawala din yan" sabi niya at niyakap ako. Kaya ang ulo ko nasa tiyan niya kasi nakatayo siya, then ako nakaupo sa kama.
"Wala naman kasing nangyari samin!" sigaw ni Teemo kila Wes na kinukulit siya.
Natawa naman ako.
"Pero.. San kayo natulog?" sabi ko.
"Diyan lang sa kabila. Ewan ko nga sino nagdala samin don e. Baka mga kaklase din natin." sabi niya. "Tara kain na tayo nagugutom nako" sabi ni Hera at nagpatiunang lumabas. Lumabas na rin kami at kwarto pala iyon sa taas ng bar na nirentahan namin.
Kapag umaga nagiging resto ito kaya umorder na kami at kumain.
VOTE AND COMMENT!
YOU ARE READING
Different Worlds
FantasyTwo persons from different worlds will cross each other's path. Is it possible that the two persons met in the right place but not at the right time will fall inlove on each other?