3. Gifts

14.6K 777 72
                                    

The guy. The ridiculously gorgeous and sexy. Sa harap ko. Half-naked. Pinagpapawisan. Parang nakita ko na siya sa panaginip ko dati. O panaginp nga ba?

Pakiramdam ko'y may kakaibang koneksyong namamagitan saamin. Why do we glow everytime we're near with each other?

Who is he? 

He, either a fallen angel or a god sent from the mysterious mountain of Noah, burns my skin. Mukhang totoo ang mga usap-usapan noong nasa labas pa ako ng Tribus, the gods live here. They exist.

Bahagya akong napaatras pero kusa ring tumigil sa pag-urong ang mga paa ko nang nagawa nitong ikulong sa tila hindi maipaliwanag na sensasyon ang katawan ko. Muli kaming nagliwanag. Tila bumaba na ang buwan sa kagubatang iyon. His gaze manages to envelope me, us, like we're an item made for each other.

Hindi ako makagalaw. Hindi rin naman ako nakaramdam ng takot o panganib. Tanging ang gusto ng katawan at kaluluwa ko sa oras na 'to ay titigan siya, lapitan at hawakan.

Nahipnotismo ba ako?

Sa tingin ko'y oo.

Gusto ko ba ang nangyayari?

Oo na hindi. Gusto ng katawan ko ang koneksyong namamagitan saamin pero labis na tumututol ang utak ko sa nagiging reaksyon nito. Parang sa mga sandaling ito, kahit na anong isipin at gawin ko'y wala akong laban. Kontrolado niya ako. Ang isip ko. Ang katawan ko.

He owns me.

He blinks. His eyes flutter with a shade of gold and silver. Sa pagkurap niyang iyon ay tila naputol ang pising nagdurogtong saaming dalawa.

Bigla kong naramdaman ang sarili kong katawan. I feel my entire body shaking as the dangerously handsome guy comes closer. His gaze went all over my body. Patay malisya akong tumingin sa kaliwang braso nito.

"Who are you?" he asks. Then he moves closer until there is only a foot between us ignoring his glowing body.

Mas lalong naging masidhi ang asidong kanina pa nagsimulang dumaloy sa buong katawan ko. The half-naked, sweating, gorgeous guy burns me.

"I'm St-"I almost reveal my name. Mabuti na lamang at nakapag-isip ako at gumana ang pagiging secretive ko. Just like what my father told me. Never lay my cards to any stranger. This guy is a total stranger.

Kumunot ang noo nito saka nagtiim ang kanyang mga bagang. He obviously looks impatient waiting for me to say my name. His jaw tightened.  "I'll give you one last time to talk," he sighs so immaculately and then continues, "I'll ask you again, stranger. Who are you?"

Napalunok ako mula sa kinatatayuan. Hindi ko mapigilang hindi titigan ang gwapong mukha nitong tinatamaan ng sinag ng buwan na lumusot mula sa mga dahon ng punong kahoy.

"H-help me." 'Yon ang tanging nasambit ng bibig ko. Nagsimula na namang manginig ang buo kong katawan. Base sa reaksyon ng lalaki'y naaninag nito sa aking mukha ang takot na isang bagsakang dumapo sa aking mukha. 

I see his tightened jaw lose. The muscles of his face somewhat relax to accommodate the curiosity.  Umurong ang makakapal na kilay nito pabalik. "What's going on?"

"Someone's after me. May gustong dumakip saakin!"

The left side of his lips raises to form a smirk. He sees it as a hoax. He clears his throat and gazes back at me. "You are Stella Suarez?"

Biglang tumigil sa paghinga ang tubo sa aking lalamunan. Napahakbang ako paatras. Bigla akong nakaramdam ng panganib sa harap ng lalaking ito. Papaano niya nalaman ang buo kong pangalan?

Kumunot ang noo nito nang mapansin niya ang reaksyon ko. This guy can read minds. Literally. "I heard those guys talking about you. They've been dispatched."

A Tribian TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon