46. Consumed

4.7K 311 11
                                    

Like a light of a single firefly banishing in the prey's mouth, his burning eyes are gone and so as his grip that is almost an inch away from my hands.

Nagawa siyang ilipat ni Oswin sa punto kung saan dadaan ang mga bala na dapat sana ay para sa kalaban. Natigagal si Chase habang nakatayo sa bago nitong destinasyon pero kaagad ding sinalubong ng tatlong magkakasunod na bala na sumakto sa kanang dibdib nito.

Halos napaatras si Chase sa pagbulusok ng mga bala sa katawan nito. White icy mist splatter from the gunshot. Like a ball bursting its inside after hitting a sharp and deadly bullet. My heart slowly disintegrates seeing his demise.

"Chase!" napasigaw ako. Sinubukan kong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng lalaking ngayo'y hindi na makagalaw at tila isang bulto ng yelo sa kinatatayuan.

Literally, Chase is covered by ice. He can't move a limb.

Tinangka kong lakbayin ang distansyang namamagitan saamin habang walang humpay sa pagtulo ang mainit na likido sa aking pisngi. Humahagulgol ang buo kong pagkatao habang papalapit sa lalaki.

Napansin ako ni Oswin. Tinangka nitong gamitan ako ng kanyang kapangyarihan pero naunahan siyang paputukan ni Isabel na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahihimasmasan sa bilis ng mga pangyayari. Nawala sa kinatatayuan nito ang lalaki at mabilis na nakalipat sa harapan ni Isabel.

Ihinampas ni Isabel ang handle ng rifle nito hanggang sa magsimula silang magpalitan ng tadyak at suntok.

Nagsimula nang sumugod ang mga itim.

Fabian, Mira and Fina begin to counter attack.

Ilang saglit pa, habang ako'y iiga-iga ay nakalapit ako kay Chase na ngayo'y nababalot ng yelo. Napatitig ako sa mukha nito habang umiiyak. "How could you risk everything for me when you already know that we can't win against the fates?"

Sa di maipaliwanag na dahilan, tumulo ang mga luha mula sa mga mata ng lalaki habang nakatitig saakin. He wants to utter some words but he couldn't.

Muli akong humagulgol sabay kabig sa malamig na katawan nito. Ramdam ko ang bawat lamig. Ramdam ko ang kalungkutan. Ramdam ko ang lahat ng lungkot at hinagpis sa aking sistema.

"I will burn the ice and heal you..." humihikbi kong usal.

Napapikit ako. Muli kong naramdaman ang malakas na enerhiya sa aking sikmura patungo sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Pakiramdam ko'y binubuhusan ng asido ang bawat ugat ko sa katawan. Manit ang aking palad na tila nasusunog. Hindi ako nakakaramdam ng kirot pero ramdam ko ang init na dumadaloy sa aking palad na ngayo'y nakayakap sa katawan ni Chase.

"Chase, please come back!" mahina kong sambit.

Hindi ko narinig o naramdaman man lang ang pagtugon ng lalaki. Bagkus ay napansin ko ang mga naglalakihang ugat ng punong-kahoy na nagsimulang bumalot saamin ni Chase.

Ipinagpatuloy ko ang paglusaw sa yelong bumabalot sa lalaki sa kabila ng panganib na banta ng mga ugat na iyon.

Hanggang sa...

Malakas kaming hinila ng mga naglalakihang ugat patungo sa bilog na altar kung saan nakatayo ang higanteng doom tree.

I feel my worl afloat. Then it starts to rumble as I was thrown mid-air.

Nabitawan ko si Chase.

Halos mapangiwi ako nang maibalibag ako ng mga ugat na iyon sa pinakasentro ng altar. Ramdam ko ang bawat kirot mula sa aking ulo hanggang sa aking mga binti. Tila nagkanda-durog-durog ang katawan ko nang patihaya akong humampas sa matigas na sentro ng altar kung saan natitingala ko ang malaking punong kahoy na nagsisimula nang magkaroon ng buhay.

Nagkahiwalay kami ni Chase. Nabalot ang buong katawan nito ng malalaking ugat kung saan nakatayo ang isang imaheng hindi ko inaasahang naroon.

"M--myra, please let us go," sumamo ko habang ramdam ang pagpulupot ng mga ugat sa aking mga braso at binti.

Myra does not answer. Her eyes glimmers in hues of green and pitch black.

She's gone... she's never coming back.

She's been awaken. Like Oswin

Muli akong nagpumiglas kahit na ramdam ko nang tila nababalatan ang mga binti at braso ko dahil sa higpit ng mga nakapulupot na ugat.

Napasigaw ako!

Biglang naglaho ang lahat ng kirot sa aking katawan. Tila hinilom ng kusa ng enerhiya sa aking sistema ang lahat ng sugat na natamo ko. Pero nanatili akong nakagapos sa malamig at matigas na bilog na altar habang abala sa pakikipaglaban sina Isabel, Fabian, Mira at Fina.

Kaharap ng mga kaibigan ko ngayon sina Sandro, Oswin at ang mga nakamantong itim habang si Myra ay nakabantay sa puno ng malaking kahoy.

"Myra! Please let us go!"

Muling humigpit ang yapos ng nga ugat sa aking katawan. Tila mauubusan na ako ng hangin at ng lakas dahil sa tindi ng higpit noon.

Napasigaw ako ng malakas hanggang sa muli kong maramdaman ang apoy sa aking sikmura. Kasabay ng pagsigaw ko ay kusang kumawala sa mga ugat ko ang napakalakas na enerhiya na hinuha ko'y mabilis na hinigop mg altar at ng mga ugat ng punong nakapulupot saakin.

Hindi ko na makontrol ang lakas na nananalaytay sa aking katawan. Nakakasilaw. Wala na akong maaninag na tanawin dahil sa liwanag na nagmumula sa aking katawan.

Bumunghalit ang isang malakas na sigaw sa aking bibig. Muli akong nagpakawala ng isang malakas na pwersa na hinigop muli ng punong kahoy. Hinuha ko'y iyon na ang huling bola ng lakas na nananalaytay sa aking sistema.

Nakaramdam ako ng panghihina habang nakatunghay sa pag-akyat ng bawat hibla ng kapangayarihan sa punong kahay patungo sa mga naglalakihang sanga nito. Nanginig ang mga tuhod ko nang mapagtanto kong buhay na ang doom tree.

Nasimulang tumubo ang kulay itim at pulang mga dahon ng doom tree. Tila isang halamang mabilis na pinoproseso ang paglago at pagpapatubo ng iba pang mga sanga.

Hindi inabot ng isang minuto, tumubo ang mga naglalakihang buko ng kulay lilang bulaklak sa iba't ibang sanga ng higanteng punong kahoy. Nakalambitin ang mga naglalakihang usbong sa bawat bahagi ng doom tree na sabay-sabay nagpapakawala ng kulay kahel na liwanag mula sa loob.

Tila may mga laman ang bawat bulaklak ng doom tree.

Kasabay ng panunumbalik ng aking lakas ay ang pagririgodon ng aking dibdib. Nanlaki ang mga mata ko habang inaaninag kung ano ang nasa loob ng bawat nakatalikop na bulaklak ng mahiwagang puno. Napalunok ako.

Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ko pa rin magawang makawala sa mga nakapulupot na ugat.

Palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib habang nakatitig sa mga kulay lila na bulaklak ng doom tree.

Ano ang mga laman ng bawat sukob ng bulaklak ng puno?

Hanggang sa napagtanto ko at bumalik sa aking ala-ala ang sinabi ni Isabel kani-kanina lang.

"You want all the dark elements from Stella hanggang sa mamulaklak at mamunga ng sandamakmak na abyssal demon ang doom tree mo para makapagsimula ka ng digmaan laban saamin?"

"I j--just fed the doom tree," nagsimulang pangilakbutan ang buo kong katawan. "The tree just consumed all the dark magic in me... now it bears hundreds of abyssal demons!"

My heart pounds against my chest.

It is the only sound I can hear right now as my body starts to feel all the shivers. I feel like my soul slowly melts away from my flesh.

What have I done?

"I just started a war... Oh, my dear fates! What have I done?"

Right there and then, as my body starts to crumble with fear, three cylindrical shapes covered with luminous lights suddenly appear from the heavens.

As if the gods are descending from those lights.

As if there is the salvation that my heart has been silently wishing.

As if there is rescue.

"The Trinity..." mahina kong sambit.

###

A Tribian TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon