31. Possibilities

6.6K 453 36
                                    

"D-don't move Stella. The still hour is not yet lifted." Mahinahon pero may tono ng kalungkutan. Nakatalikod saakin si Isabel. Nakatitig ito sa mga bakas na iniwan ni sir Fernando. Bagsak ang balikat at tila pinipigilang kumawala ang hagulgol mula sa kanyang dibdib.

Isabel, I, and the rest, are now carrying things in common. The same amount of pain. Different ways of either suppressing them or diverting them in the future. We lost another ally.

It happened again. This time it's the head of our camp.

On the deadlock's part, we lost a brother. We lost a guide. A star that leads us to a safer place. Now, the deadlocks are like sailors in a vast ocean in the middle of a starless night.

"Sir Ferns..." paulit-ulit kong sambit habang sunod-sunod ang paghikbi ng aking dibdib. Nakahawak pa rin saakin ang walang malay na si Oswin at Myra. Pero kahit ganito, nararamdaman kong kasama ko sila sa kahit na anong posibleng mangyari pagkatapos ng kaganapang ito.

The air has totally cleared out of clouds of dust and smokes.

"Mira! Mira hold on! Chase, please help!" muling narinig ang boses ni Glor Fina. Nang lingunin ko ito'y kalong niya ang nakababatang kapatid na nanlilimahid sa sarili nitong dugo.

Sinundan iyon ng matinis na hiyaw nina Regina at Martha.

"Sir Ferns! Mauvi needs help!" dinig namang sigaw ni Faey na karga-karga ang batang deadlock. Wala itong malay at base sa reaksyon ni Faey, mukhang kritikal ang kalagayan nito.

"Stella, are you okay?" Ako ang unang hinanap ni Chase nang magpatuloy sa normal na takbo ang orasan. Tumigil ito sa paglapit saakin nang makita niya ang luhaan kong mukha. The way he looks at me, he already knows that something terrible just happened.

He hears the screams, loud gasping, wails, and sobs. Pain is everywhere.

Hearing those voices, my senses could confirm that the still hour has been lifted. The time has continued running as sorrow begins to grow.

Dahan-dahang humakbang palapit si Chase. Lumuhod ito sa harapan ko saka hinawi ang magulo kong buhok. Marahan nitong pinisil ang kanang balikat ko. "You're safe. You're fine..."

Hindi ako kaagad nagsalita. Pinutol iyon ng malakas na daing ni Fabian sa di kalayuan.

"Guys, I can't feel m-my body!" nanghihinang sambit ng lalaki bago ito bumagsak sa lupa. May malaking tama ito sa sikmura at sa kanang binti. Pinuruhan ito ng mga naglipanang dark sorceres kanina. He's badly hurt.

"Chase, please look after Myra and Oswin."

Tumango ang lalaki.

Wala akong sinayang na oras. Mabilis kong tinungo ang nakahandusay na si Fabian. Pinipilit nitong gumalaw pero sadyang wala nang natirang lakas sa katawan nito. Tinitigan ako ng nanghihina niyang mga mata. Blood is running from his nose.

Kinalong ko ito, saka pinisil ang nanlalamig niyang palad. I can feel his searing pain from my gut down to my veins.

"I c-can't die yet, Stella. May mga bagay na kailangan ko pang tapusin." He grunts in pain almost closing his eyes. His grip on my hand gets tighter.

I whisper for him to hush while trying to stop the tears from overflowing. "You're not going to die yet, Fabian. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon."

Pagkabanggit ko sa pangakong iyon, mabilis kong inilapat ang aking mga palad sa lupa. Ramdam ko ang malakas na pwersa ng kuryente na dumaloy sa aking ugat. Nakakapanghina at nakakaubos ng lakas. Umilaw ang aking mga kamay. Nagmistulang isang halamang itinanim sa lupa ang enerhiya mula sa aking mga kamay.

A Tribian TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon