36. Barren Hearts

6.4K 412 19
                                    

Forever, my parents' memories will never leave me. Truly. If my path really ends to death, I know, someday when they try to look at the sky each day, they'd see me.

Yeah, they'd see me.

Mabigat ang loob kong iniwan ang aking mga magulang. They have seen this coming. They thought they have prepared for this, but their reaction says it all. They weren't prepared. Never been.

So am I.

Myra never leaves my side as we walk towards the backyard. Inaalo nito ang likod ko habang hindi ko mapigil ang paghikbi. "Hindi ko pwedeng sabihin na it's going to be okay, Stella. Kasi it is never okay to depart from your loved ones."

Pinahid ko ang tumulong luha saaking pisngi. Tama naman si Myra, hindi magiging okay ang lahat dahil nakataya ang buhay ko at ng pamilya ko sa sitwasyong ito. I am left with no choice. There is no turning back.

Avi has seen it. Many times.

Sa oras na takbuhan ko ang nakaguhit kong kapalaran, posibleng mas malala ang kalabasan ng pagtatangka kong ilihis ang tadhana. Worse, it could get my family killed. I'd rather serve my purpose and have them live.

If Chase is destined to drain me to save his people. So, be it.

Oswin scoffs as we walk out from the backdoor. Nakaharap pa rin ito sa tulalang si Mikael.

Pinasadahan ako ng tingin ng lalaki. Marahil ay napansin nito ang namumugto kong mga mata. His chisel reaction softens. I can see the sympathy in his eyes. "I hate this world. Destiny overules our choices. I really hate it. Hate it."

"What choice do we have if everything leads us to where they should end?" I utter.

"We choose our heart's desire, Stella. Even of it leads us six feet under the ground," Oswin answers back. Malamlam ang mga mata nito. Puno ng kalungkutan. Ng pangungulila.

"Tama si Oswin, Stella. We choose our heart's desire," Myra agrees. Nakahawak pa rin ito sa braso ko na tila anumang oras ay maaari akong matumba dahil sa bigat ng saloobing aking pinapasan.

Bumuntong-hininga si Oswin saka ito muling tumitig kay sir Mikael. Kumurap-kurap ang malungkot nitong mga mata saka nagsalita, "So, what do we do now? Itutuloy pa ba natin ang planong pag-ligtas kay sir Ferns at kay Sandro?"

Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng isang malaking tumpok ng semento sa buong katawan. Bigla akong nanlamig sa katanungan ni Oswin. Tanging ang malakas na kabog ng aking dibdib ang siya kong naririnig. Ang anumang susunod kong sasabihin ay maaaring ikapahamak ng lahat o maaaring kaligtasan ng nakararami.

It is easy to decide for myself but it is never easy to make decisions for others.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita, "Let's rescue the others. This mission could lead me to more answers. More revelations of the secrets that seem to have been hidden so long."

Tumango-tango si Oswin. His eyes, still sympathetic as he looks at me. Muli itong bumaling sa mga nakalutang na barya sa harap ni sir Mikael na hanggang ngayon ay hindi pa gumagalaw. Mabilis nitong hinablot ang mga baryang iyon at sa loob ng napakabilis na sandali ay nagawa nitong pitikin ang mga daliri dahilan para makarating kami sa isang panibagong lokasyon --ang opisina ng student regent na si Isabel.

Kasalukuyang nakaupo ang seryosong si Isabel na abala sa pagbabasa habang ang lamesa nito'y puno ng makakapal na libro na tila minarkahan na ng kalumaan. Umirap ito ng masama nang makita si Oswin pati na kami ni Myra.

With a look of disbelief, she growls, "What do you think you're doing?"

Ang pagtakas namin ang ibig sabihin nito. Sa itsura nito'y tutol na tutol ito sa naging desisyon naming tumakas.

"A--at papaano kayo nakatakas? How can you even dispell an old spell from a spell expert Zoe Glynnie?"

"Oswin happens!" sagot ni Myra na nakakubli saaking likuran.

"Yes! I happen! I can d-"

"Ofcourse I know you are a Leviste!" Isabel cuts Oswin's words. Napatayo na ito sa kinauupuan habang hawak ang makapal na libro. Muli itong nagpatuloy, "Masters of transport and teleportation! Pero wala ni isang Leviste ang kayang takasan ang isang ancient spell mula kay professor Glynnie!"

"Look! I can!" Nilahad pa ni Oswin ang mga bisig nito na tila sobrang pinagmamalaki ang kakayahang takasan ang spell ng isang legendary witch. Bahagya nitong sinayaw ang katawan na tila tuwang-tuwa.

Bumuga ng hangin si Isabel. Sumandal ito sa gilid ng lamesang puno ng nagkalat na libro at kagamitan saka seryosong tumitig sa tila nababaliw na si Oswin. "What do you want?" she seriously says.

"I want you!" Oswin tells jokingly.

"Oh my! Gandang Isabel!" sulsol ni Myra.

"Myra!" awat ni Isabel.

Dahil mukhang nasa sitwasyon kami kung saan wala pang balak magseryoso sina Oswin at Myra, ako na ang boluntaryong sumagot para sa dalawa. "Isabel, we want you to join us on a mission."

"Rescue sir Ferns and Sandro?" she growls with incredulity. Umikot ito at padabog na bumalik sa upuan. Sa itsura nito'y tila sasakit ang ulo nya sa katigasan ng ulo namin.

"This can be our chance, Isabel," pangungumbinsi ni Myra. Naglakad na ito palapit sa lamesa ng kaibigan.

"The dark sorcerers would kill us!"

Oswin clears his throat. Mukhang seryoso na rin ito. "They could. Not unless we have enough snow dusts to shoo them away."

Nanlaki ang mga mata ni Isabel. Hindi ito makapaniwala sa lawak ng planong nasa isip ni Oswin. Umiling-iling ito na tila hindi makapaniwalang nagyayari ang sitwasyon ngayon. "Snow dusts are limited! Hindi pwedeng maubos ang supply ng school lalo na't nagbabadya ang digmaan sa pagitan ng Tribus at dark sorcerers!"

"B--but you can make them, right? I mean kaya mong gumawa ng snow dusts?"

"Stella, what made you decide to be a part of this? Sa lahat ng nilalang dito sa Tribus, ikaw ang pinaka-nanganganib ang buhay. Are you being suicidal?" Isabel does not answer my question. Napahigpit ang hawak nito sa librong kanina pa nasa kamay niya.

Napalunok ako. Seryoso ang tingin saakin ng babae samantalang sina Oswin at Myra ay naghihintay din ng kasagutan. "Avi once told me that if her strings would run out, I have to face my destiny. K--kapag sinubukan kong labanan ang mga tali ng tadhana, the world could turn into chaos. Sa tingin ko'y bahagi ng pagharap ko sa dark sorcerers ang mga kaganapang dapat ay matagal nang nangyari."

Hindi nakaimik si Isabel. Wala sa sarili nitong tinaggal ang bilugang salamin sa mata. Napatitig ito sa makapal na librong nasa harapan saka muling nagsalita. "I have seen your death as well. I thought I could escape to be a part of it, Stella. Kasi kaibigan kita. I don't want to be an accessory to your death. I don't."

"So this is what should be happening?" Oswin questions.

"This should have happened long time ago if not for Avi's weaving powers. But I guess, I guess she ran out of strings to save Stella." Isabel's weary eyes lay on me. "For the second time, here I am, feeling useless like a barren land because I can't do a damn thing to save a friend."

"Isa..." malungkot na tugon ni Myra. Lumapit ito sa babae saka inalo ang likuran.

Tila namanhid na ang dibdib ko sa pait ng katotohanan. Paulit-ulit. Walang tigil. Ipinagduduldulan ng pagkakataon ang nakaguhit kong tadhana. Pakiramdam ko, unti-unti, hinahanda ako ng bawat kirot para tanggapin ang lahat. "You can't save me, but atleast help me fulfill my destiny. Para sa pamilya at mga kaibigan kong maiiwan ko sa Tribus."

Tumango-tango si Isabel. Bago pa man ito makapagsalita ay naglangitngit ang pabukas na pintuan sa aming likuran. Sabay-sabay kaming napalongon sa kung sino man ang dumating.

###

A Tribian TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon