44. Detrahet Me In Vas

4.7K 311 5
                                    

"Detrahet me in vas+," bulong ng dumating sa hangin. Umalingawngaw iyon sa utak ko. Detrahet me in vas... Biglang sumagi sa isipan ko ang markang iniwan nito noong still hour sa academy na ayon kay Isabel ay nangangahulugang 'bring me the vessel'.

Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ng apat na itim na salamangkero. Nagkandasugat-sugat na ang braso at binti ko dahil sa mahigpit na pagkakahagip ng kanilang nanunuyong mga palad at matutulis na kuko. Sumigaw ako dala na marahil ng matinding takot dahil nakita ko na naman ang mukha niya. His face makes me feel that my end is near.

Nagwawala ang dibdib ko. Malakas akong nagpumiglas lalo na na nang mapansin ang mga kaibigan ko sa paligid. Nagsimula na namang tumindig si Chase mula sa likod ng malaking tipak ng bato. Mukhang ilang saglit lang ay susugod itong muli.

Mapapahamak sila. Kapag hindi ito natapos, baka madamay sila at mauwi ang lahat ng ito hindi lang sa kamatayan ko kundi sa kamatayan ng marami. Hindi ako papayag na may madamay pa bukod saakin.

Pero paano at saan ako magsisimula?

Pakiramdam ko kasi'y sa tuwing nilalabanan ko at iniiwasan ang mga nakaukit na pangyayari ay mas lumalala ang sitwasyon. Mas maraming napapahamak.

Pero gusto kong ipaglaban ang buhay ko gaya ng kagustuhan ni Chase. Gusto kong lumaban.

Ang kagustuhan kong magpatuloy.

Ang takot ko sa mga posibilidad at para sa mga kaibigan ko.

Dalawang blokeng nasa timbangan ng aking desisyon. Alin ang susundin ko?

Alin ang tama?

Alin ang mas nakabubuti para sa lahat?

Nagtiim ang aking mga bagang. Napasigaw ako hanggang sa nabalot ng liwanag ang buo kong katawan. Pakiramdam ko'y binubuhusan ng langis ang buo kong katawan at lumalakas ng kusa ang kapangyarihang nasa loob ng aking sistema. Nag-uumapaw na parang isang bola ng bulalakaw sa kalawakan.

Kumalat ang enerhiyang iyon sa buong paligid pero laking gulat ko nang higupin ito ng mga malalaking ugat ng puno na nasa loob ng bolang enerhiya. Gumapang ang hindi maipaliwanag na enerhiya sa bawat ugat ng patay na puno paakyat sa malalaking sanga nito. Tila isang mahiwagang balde tubig ang aking pinakawalan na kusang diniligan ang puno ng kamatayan.

Ngumisi ang lalaking dumating nang mapansin nito ang unti-unting pagkabuhay ng punong kahoy. Tumubo ang ilan sa mga dahon nito at mabilis na naging kulay pula at berde ang mga sanga nitong dati'y kulay itim.

"More! Give it some more food, vessel!" nanlilisik ang mga matang sambit ng lalaking nakamanto na si Sandro. "You are the vessel of dark magic alone! Give it some more power!"

Nang marinig ko ang mga salita ni Sandro'y saka ko napagtanto kung ano ang nagawa ng pagpapakawala ko ng kapangyarihan. My power is giving life to this huge tree which seems like the source of life of every dark sorcerers. I am their source of life.

I am the source of dark magic? Am I the d--dark magic?

Humakbang palapit si Sandro sa gawi ko. Maamo ang mukha nito pero nasa mga mata niya ang lahat ng galit na naipon sa dibdib niya. He looks pretty scary looking in his eyes. "This is your chance to free the deadlocks, Stella. The deadlocks are dark magicians waiting to be awaken through your help. You are a falling star. You are the light and dark magic. The Trinity wants the light magic in you and have Chase drain you to death so that we won't have the chance to consume the dark magic in you. We only want that dark elements in you so that all your friends, Oswin, Myra and the rest of the deadlocks will have their chance to live to their potential."

"You're lying!" angil ko. Hindi napigilang manginig ng aking panga kasabay ng pagtulo ng pawis sa aking pisngi.

"Everyone knows I'm not. The Trinity killed my father who is the fourth ruling god of the Tetrad. Why?" lumuhod ito habang nakatingin ang nangingitim niyang mga mata sa mata ko. Bumunghalit ito ng hininga bago nagpatuloy, "because the dark sorcerers are way more powerful than them. They fear us! The light magic, the physical magic, the spirit magic are afraid of us --dark magicians."

My jaw literally drops at the amount of information he's giving. Then with a trembling tone I ask, "W--where is sir Ferns? Does he know anything about this?"

He swallows a lump in his throat and bites his teeth for a moment to maintain the strong facade of a villain he's been wanting to portray. The he says, "He is destined to be the fourth god of the Tetrad, because he is the heir apparent. But he won't accept it because the Trinity has brainwashed him or threatened him about this! He's my brother and I won't do anything to harm him."

I do not speak. I try to contain myself and hide the fear that is already too obvious.

"You just need to give us what we need so that the deadlocks and my big brother will be awaken to embrace their full potential. Free your friends Stella. Free us all!"

Halos mapigtas ang aking paghinga nang marinig ko ang sinabi nito. Napaatras ako sa aking kinauupuan dahil sa rebelasyon hindi ko alam kung totoo o isang kasinulangalingan.

"Stella!" Isang malakas na boses ang pumutol sa aming usapan. Mula iyon kay Chase na ngayo'y tila isang mabangis na leon na nababalot ng nakakasilaw na dilaw na liwanag.

"Feed the tree or I will kill your friends one-by one, I'll start with the weakest one. That Zenovian witch is an easy Kill, what do you think?"

Napukol ang atensyon ko sa gawi ni Mira. Nasa likuran ito ng kapatid na si Fina na naghahanda na para sa pag-atake.

Although Mira has never been nice to me, I still consider her as comrade. She came all the way here to fight alongside with me. Hindi siya kailangang madamay sa kapalaran ko.

Wala nang kailangang masaktan.

"Feed the tree, or she's d--"

Hindi ko na pinatapos ang lalaki. Muli kong inipon ang nagbabagang enerhiya sa aking katawan. Pakiramdam ko'y umiikot ang magkahalong apoy at asido sa aking sikmura. Napasigaw ako ng malakas. Muli kong narinig sina Chase at Fabian pero huli na nang muli akong balutin ng isang malaking bola ng enerhiya na awtomatikong hinihigop ng mga ugat ng napakalaking puno.

Nabuhay ang bawat natutuyot na ugat ng punongkahoy na iyon. Dinig ko ang pagbulusok ng malalaking hibla nito. Nagulat ako nang puluputan nito ang walang malay na si Myra. Mabilis na nakailag ang mga itim na kanina'y nakahawak sa kanya.

Hinila ng naglalakihang ugat si Myra pati na si Oswin patungo sa malaking bilog na paso. Kasunod no'n ay ang magkasabay na sigaw ng dalawa kong kaibigan na tila hindi mainda ang kirot sa katawan.

Tumagal iyon ng ilang segundo.

Hanggang sa kusang tumigil ang dalawa at ang tunog ng mga kuryenteng nakapalibot sa bola na lang ang sumakop sa napakatahimik na bunganga ng bulkan.

"Now, your witch friend is safe and your two other friends are reborn!" Sinundan ng malakas na halakhak ang deklarasyon iyon ni Sandro. Nakatanaw ito sa bilog na paso kung saan naroon sina Myra at Oswin. "Detrahet me in vas+" sigaw nito na tila nagtagumpay sa binabalak.

Napalingon ako sa gawing iyon. Pigil hiningang pinagmasdan ng balintataw ko ang pag-usbong ng dalawang bulto ng katawan sa napakaliwanag na tanawin.

"M--myra... Oswin," nanginginig kong usal.

###

A Tribian TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon