"Can you keep a secret?"
"I love secrets!" maagap na sagot ni Myra na tila na-excite sa sasabihin ni Oswin. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang nanlalaki nitong mga mata.
"What secret?" usisa ko. Bigla akong nakaramdam ng pangamba sa sikretong hindi pa man tinutukoy ng lalaki'y pakiramdam ko'y may malaking epekto sa mga mangyayari. Tinitigan ko si Oswin, may kung anong bagay na tila bumabagabag dito. His eyes can't hide it.
"I can get us out of here!" he whimpers with enthusiasm.
Inilapit ni Myra ang mukha nito sa lalaki na tila siya ang pinaka-interesadong nilalang sa Tribus sa kung ano mang sasabihin ni Oswin. "You know a counterspell?"
"Swear in this dungeon that the secret shall remain within the four corners of this cell."
Itinaas ko ang kanang palad ko saka nagsabi, "Promise."
"Promise! Kahit itaya ko pa ang napakaganda kong mukha! So you know a counterspell sa high level spells ni professor Zoe?"
"No. But us, Leviste's are really masters of a escape ability, like transport, teleport, dash and stuff. We're the fastest blood among other Trinity, which is the only thing I'm proud of."
Seryoso ang mukha ng lalaki nang matitigan ko. Muli ko itong inusisa, "How long have you been doing the transport, teleport or whatever talent that is?"
"Since I was a kid? I only keep it a secret during the coterie."
"Oo, kasi if you revealed your skill during the coterie, malamang nasa hybrid focus ka! Which is in your blood naman. Abnormal na hybrid!"
"Hey, Myra, I'm not hybrid. I'm deadlock! The coterie labels the deadlocks as deadlock because they are more than special."
"We are more than special," pagtatama ko.
Saglit na katahimikan ang namagitan saaming tatlo. Mukhang kumukuha pa ng lakas ng loob si Oswin para magpatuloy. Mahina nitong pinapalagitik ang kanang hinlalaki at hintuturo. Paulit-ulit habang nakatingin sa kumpol ng mga dayami sa paanan nito.
Hindi naman kami kaagad umimik ni Myra. Pareho kasi naming alam, kahit na hindi magsalita si Oswin, na ginagawa na ng lalaki ang escape technique na sinasabi nito. Isang mahinang hampas ng hangin ang pumailanlang habang ginagawa iyon ni Oswin na nasundan ng isa pa.
"W-what was that?" Too much surprise in her chest, Myra asks.
"This is what I call a snap. A flicker!" Oswin snaps his fingers. The clicking of his fingers is clear and loud. He takes in one draught and then snaps his fingers again.
What happens next left us thunderstruck. Oswin disappears from the cell.
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Myra. Nagawa pa naming hanapin ang lalaki sa paligid maski sa labas ng selda pero wala na ito doon.
"He disappears in just a snap!" I exclaim.
"Hindi nga siya nagpapa-bibo this time! Nawal-"
Naputol ang sasabihin ni Myra nang biglang sumulpot si Oswin sa pagitan namin. Nakangisi ito na tila pinagmamalaki ang sarili at ang kakayahan. Inulit pa nito ang snapping technique' kaya nawala at bumalik ito ng paulit-ulit sa harapan namin.
"Wait, so, alam namin na kaya mong gawin 'yan at nagawa mong ilihim 'yan saamin. Ano pang sikreto ang meron ka na kailangan naming malaman?" Inismiran ito ni Myra. Napatayo na ito mula sa pagkakaupo para tuluyang makalapit kay Oswin na ilang pulgada lang naman ang layo mula rito. Nakahalukipkip ang mga kamay nito at naglakad paikot-ikot sa nakatayong lalaki.
"I don't know. Hindi ko pa eksaktong alam kung ano ako at kung ano pa ang kaya at hindi ko kayang gawin," sumeryoso ang titig ng lalaki na nagpabalik-balik saaming dalawa ni Myra. Bumuntong hininga ito saka naupo sa higaang pinanggalingan ni Myra. "I don't even know who controls my life anymore."
Myra gazes at me. Her face cupping sincere sympathy for Oswin. Unang beses itong natahimik sa harap ng lalaki.
"Sir Ultra?" napatakip ako sa aking mga labi. Pakiramdam ko kasi'y hindi akmang banggitin ko ang pangalan ni sir Ultra sa ngayon. Marahil ay bugso ng kyuryosidad kaya ko na rin natanong. Nagtatalo ang kyuryosidad at konsensya sa aking kalooban.
Napasandal ang lalaki sa pader na nasa likuran nito. Malungkot ang mukha nito. Nakatingin ito saakin. "I hate that scum... but, you guys are the reason why being deadlock is awesome."
"Aahhhy..." maarteng ungol ni Myra habang naglalakad para tabihan si Oswin. Sumandal ito sa balikat ng lalaki habang nakalingkis ang mga kamay nito sa kanang braso ng lalaki. Nagkunwaring natulog na ito sa braso ni Oswin.
Sa normal na sitwasyon ay itutulak ni Oswin si Myra kapag naglalambing ito at nananamantala sa kagwapuhan niya (ayon sa lalaki), pero ngayon, ramdam ko ang bigat na dinadala ng lalaki. Ramdam kong kailangan nito ng karamay. Kailangan niya kami.
"I hope someday, you would understand why I had to do things."
Naalerto naman si Myra at maagap na tinanong, "Huy! Parang tanga itong si Oswin. Mamamatay ka na ba at ganyan mga sinasabi mo? Ofcourse, people make decisions according to how they see it beneficial. It is a part of us. It's what makes us, us."
Tumango-tango ako. Sinalubong ng lalaki ng titig ko. Naroon pa rin ang kalungkutan. Nasambit ko, "Tama si Myra, decisions are the wings of our destiny. It leads us to where we should be."
Bigla kong naramdaman ang mga katagang sinabi ko. Naalala ko na naman ang nakaukit na kapalaran para sa isang katulad ko. Habang nakatitig ako sa kanila ni Myra, habang inaalala ko ang maamong mukha ng kapatid kong si Avi, ang magiliw na ngiti ng aking mga magulang, si Isabel, si Fabian at ang iba ko lang mga kaibigan dito, si Chase, parang nahihirapan akong isipin at tanggapin na anomang oras ay maaari akong mabura sa mundong ito. Ang hirap kumawala sa mga bagay na nagpapasaya sa puso ko. Ang hirap pakawalan ang masasayang sandali. Ang hirap.
"Stella," Oswin calls my name with a tone of accord and concern, "I promise to protect you, Myra, and the rest of the deadlocks with my life of it all boils down to that point."
Natulala kami sa sinabi ni Oswin. Maski si Myra ay walang makapang salita. Bakit pakiramdam namin ay nagpapaalam na ang lalaki?
"Mamamatay ka na? Ni hindi pa nagiging tayo?" Sa wakas ay nagawang bumawi ni Myra. She needs to pull that line up because things are really getting too serious in this cell.
"Hindi magiging tayo!" matigas na untag ng lalaki na nagawang patawanin ng lalaki. Ginulo nito ang buhok ni Myra. "Mga biro mo laging may landi!"
Natawa din si Myra sa tinuran. Hinampas nito ang kaninang sinasandalang balikat ng lalaki. "Biro 'yon pero pwedeng seryosohin!" Muling tumawa ng malakas ang babae.
Natawa kaming tatlo. Tawang tanging paraan namin para maibsan ang lungkot at takot na hindi na lumisan sa aming dibdib.
"So, saan tayo?" Itinaas ni Oswin ang kanang kamay at ginalaw-galaw ang mga daliri bilang hudyat na handa na kaming tumakas para sa Dead Squad mission. "Let's leave the kids behind. Mas ligtas sila dito."
"Tama," sang-ayon ko. Tumikhim ako bago muling nagpatuloy, "Bago natin sunduin si Isabel, pwedeng dalawin ko muna ang mga magulang ko?"
Parehong napatingin saakin sina Myra at Oswin. Hindi nila inaasahan ang suhestiyon kong iyon. Marahil ay naramdaman din nila ang kagustuhan kong makita sila para magpaalam dahil sa mga posibleng maganap.
"Diba bantay-sarado sila ng butler na si Mikael?" tanong ni Myra. Napalunok ito saka muling nagsalita, "Malupit 'yong si Mikael. Parang galamay na 'yon ng Trinity. Kapag nalaman niyang nakatakas tayo mula sa seldang 'to, tiyak hindi matutuloy ang plano."
"Mikael Vortei?" Oswin asks.
Tumango ako.
He smirks as if he knows what to do with the butler.
"You know him?"
Oswin nods. "I can handle him!" he confidently utters as he raise his fingers for a snap.
###
BINABASA MO ANG
A Tribian Tale
FantasyHe's after her. Just one bite, One drop, One dark power, One curse that lasts a lifetime. A girl with cursed blood. A boy destined to drain her dry. A fate written in blood-meant to be broken. Four powerful clans vying for supremacy. One god marked...