Trip 4 : We'll Having A Trip To The Shadow Island

83 1 0
                                    

Trip 4---

Jannina's PoV

Nandito ako ngayon sa Laboratory.

Second day of class, nakatambay ako dito. Actually, 7:30AM pa lang naman.

Wala akong ibang ma-tambayan kasi baka mahuli ako ng Disciplinarian. Ma-detention pa ako.

Nagpunta na ako sa classroom kanina kaso walang tao. Masyadong late comers ang mga students and teachers dito.

Sa public, yung school ko last year, 6AM palang napakarami ng tao.

Napatingin ako sa kabuuan ng Lab.

Naalala ko si Daddy. Did I ever told you that my Dad is a pharmacist? And my Mom is a doctor.

Kumusta na kaya sila---

"Trexie?" napatingin ako sa likurang bahagi ng Lab.

Bakit sya nakabaluktok dun sa ilalim ng table?

Pinuntahan ko sya doon at niyugyog ng mahina.

"Trexie, Trexie, gising." ako habang nakaluhod sa tabi niya.

Naalimpungatan naman siya at tiningnan ako.

"What the hell are you doing down here in the lab at 7:30AM? And worst, you're sleeping! If I were you, dun ka na lang sa bahay niyo natulog-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi bigla nalang niya akong niyakap at agad na umiyak.

Niyakap ko din sya.

"Hush... Tell me why are you sleeping here?"

"They locked me in here! They broke my phone. I-I'm scared, Nina." Trexie

Huwaw! Napaparami ata yung nickname ko ah?

Psssh. Jannina, kung anu-ano na naman ang iniisip mo.

"Sino ba yung nag-lock sayo dito?"

Sino naman yung walang-awang naglock sa kanya dito kahapon. Kawawa naman. Baka hinahanap na siya ng parents nya.

Binigay ko sa kanya yung panyo ko para punasan yung luha niya.

Pinahiram ko din sya ng phone ko para sabihin sa parents niya na okay lang siya.

"Com'on, punta tayo sa ... may wash room ba sa girls locker room?" tanong ko sa kanya.

"Ummh, o-oo.." buti naman at tumahan na siya agad.

"Tara punta tayo dun. May pamalit ka ba?" tanong ko ulit.

"W-Wala na akong ibang uniform. Pero may P.E ako sa locker..."

"Yun nalang muna ang isuot mo. Malaking time ang ma-co-consume mo kapag umuwi ka pa." hay nako naman. 7:40 na kasi eh.

Tumayo kami at lumabas ng Laboratory. Medyo madami na rin yung mga students na pa-gala gala pa.

Pagpunta namin sa wash room, agad siyang naligo at nagbihis.

Pinagtitinginan nga siya kasi naka-P.E siya gayong wala namang P.E subject ngayong umaga. Mostly daw kasi, hapon yung P.E.

"Are you sure okay ka na?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

Nagpunta na kami sa Green Building para pumasok sa room namin.

"Oh, look who's here! It's Trexie!" si Chrissy

Lumapit naman sina Chrissy, Melanie and Chip sa amin.

"Oh, and she's with Miss Transferree, Jannina." ngumiti naman si Melanie sa amin. Tss. Halatang plastic.

The Class Trip (Shadow Island)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon