Trip 10: A Friend or A Foe?

40 0 0
                                    

Trip 10---

Jannina's PoV

"D-Dead? Bakit?" Nagtatakang tanong ko kay James.

"She hung herself... Naroon siya sa higaan, sa kwarto... Pinalagyan ko ng kumot ang bangkay niya kay Chip." Pinapaypayan ni James ang walang malay na si Trexie.

Huh? Walang malay?

"Anong nangyari sa kanya?" Tinitingnan ko ang namumutlang bihig ni Trexie.

"The freak collapsed. You know, weakling." pababa ng hagdan si Chrissy kasama si Chip.

"W-Why did Melanie hung herself?" Napaupo ako sa katapat na sofa na kinahihigaan ni Trexie.

"Guess what? You ask too much. Maybe Melanie hung herself because she's just dumb enough to follow here dead BOYFRIEND." Saka inikot ni Chrissy ang mata niya.

"Kelangan na nating kumuha ng mga kahoy-" tumayo na si James pero pinigilan ko siya.

"Wag! Masyadong mapanganib sa labas..." natatarantang sabi ko

"Wag kang paranoid okay? Naliliitan ka ba sa katawan namin?" Saka nag pose si Chip na parang si Atlas. Yung pinapakita ang muscles sa braso.

P-Parang hindi sila namatayan ng kaibigan... Kahit naman matabang ang pagtrato ni Melanie sa akin... Hindi ko na pinapansin yon. Baka ganun talaga siya sa lahat.

"Your friend just died... How can you act like that?!" Hindi ko na talaga mapigilan. Nakakainis na talaga.

"Janni, yes, Melanie just died.... DIED. D-I-E-D. Natapos na . Wala na tayong magagawa dun, okay? Gusto na niyang sundan si Troy. Let her go in hell with peace!" Pasigaw na sambit ni Chrissy.

Nagulat ako sa sinagot niya pero hindi ako umimik. Biglang nagsalita si James.

"Janni, we're gonna be fine. Hindi kami lalayo. We'll watch our backs. Kapag tutunganga tayo dito.. magugutom lang tayo. At kapag nagutom tayo, wala tayong lakas na makipaglaban sa pumatay kay Troy kung sakaling lumusob siya sa atin. So don't worry."

Napatango na lang ako. Lumabas na agad silang dalawa ni Chip sa pinto. Pagkatapos nilang lumabas, ni-lock ko ang pinto. In case...

"Chris, please watch for Trexie. I'm gonna get some cup noodles on my bag upstairs." Akma akong aakyat ng hagdan pero nauna na siya sa akin sa pag-akyat.

"Me? Watch over that bitch? Hell no Janni!"

Napailing nalang ako. Tiningnan ko si Trexie bago umakyat ng hagdan.

"You'll be alright Trex. I'll be right back..."

***

Third person's PoV

Medyo marami-rami na rin ang nakolekta nilang mga kahoy at sanga kaya naman nagpasya na si Chip na bumalik.

"Bumalik na tayo sa bahay. Marami na itong nakuha natin." Sabi ni Chip at akma ng babalik pero pinigilan siya ni James. Napatingin siya rito.

"Bakit?" Tanong ni Chip

"Tignan muna natin ang canoes. Umulan pa naman kagabi. Baka inanod ng alon ang mga iyon." Nagsimula ng maglakad si James kaya napasunod na lamang si Chip.

Laking gulat ng dalawa nang wala na silang nadatnang canoes-- maliban sa isang butas na.

"Shit! Anong nangyari dito?" Sambit ni James

"Look!" May itinuro si Chip kaya napatingin naman dito ang kasama niya.

Mistulang tumatakas at nagmamadali ang lalaking nakapula na nakasakah sa isang canoe. Nakita rin nila na naanod ang isa pang canoe.

The Class Trip (Shadow Island)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon