bosjsivIlallLlpTrip 13 : The Major Major Search

5 0 0
                                    

Qw1qokkqowo2jsijaiqkqqqqq1qnaiaqqqqnAjjNwk Ll
Trip 13---

Third Person's POV

Habang naglalakad sa madilim na gubat si James ay hindi niya rin maiwasang kabahan. Oo, lalaki siya ngunit hindi naman siya ganoon ka ignorante sa kilabot na nararamdaman niya ngayon. Hindi sarili niya ang kaniyang iniisip. Si Janinna. Kung saan ba ito nagtungo ay hindi niya alam. Umaambon na naman ang langit. Hindi niya maiwasang hindi mapabunting-hininga.

"Bakit ba kasi nangyayari to. Maybe... maybe this was our karma after all. But, hindi dapat nadamay dito si Janinna. I have to find her."

May ilang oras na siyang nagpalibot-libot sa isla ngunit hindi niya nakita si Chrissy. Pati na rin si Chip at Janinna.

"Baka nandoon na sa cabin." Sabi niya at agad nang bumalik sa cabin dahil sa nararamdamang pagod. Buti at hindi natuloy ang ulan kundi ay baka giniginaw na siya ngayon.

Tahimik ang nadatnan niya sa cabin. Umakyat siya sa kwarto at tiningnan kung may tao ngunit wala. Tiningnan niya ang oras.

5:40 A.M

"What?! Magaala-sais na ngunit hindi pa rin sumisikat ang araw? Nasaan na kaya sila? Hindi kaya bumalik ang taong bumutas sa canoes namin? But no! The murderer is one of us. I knew it, but who? Uggggh! Nasaan na ba kasi sila. Baka napahamak na si Janinna.

Dali-dali siyang umalis ng cabin. Ni hindi siya nakaramdam ng pagod magmula kagabi dahil sa pag-aalala. Dumeretso siya sa likurang bahagi ng gubat.

Unti-unti ng pumapasok ang sikat ng araw sa kagubatan. At unti-unti niya na ring nakikita ang dalawang taong nakahandusay sa lupa.

Nakahandusay at duguan.

Si Chrissy at Chip.

---End of Trip 13

A/N: yoohooooo. Matagaaaaaal rin akong hindi nakapag update :) Eto na yung kasunod. Sana magustuhan niyo ang short update. Hehe. Don't worry. Magkakaalaman na sa susunod na chapter. Kaya kapit lungszxc. Sana sumusubaybay pa rin kayo sa story ko. 😘😘😘

Mil❤llip❤p

The Class Trip (Shadow Island)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon