Trip 5: Shit Happens

60 2 0
                                    

Trip 5---

Jannina's PoV

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Holmbergs. Actually, it's 10am. Maaga akong pumunta dito kasi excited na excited ako. :D

Ikaw ba naman makapunta ng LIBRE sa islang pinangarap at tinanaw mo?

Juicecolored.

Napakalaking opportunity yun. Idagdag mo pa yung grades na makukuha mo.

"Nina? Why don't we have a hot chocolate first?" Mrs. Holmbergs

"Ummh, sige po." ako

Nagtungo kami sa dining room nila. Napasimple ng kanilang bahay. Pero, ang ganda ng pagkakagawa. Halatang antique dahil sa mga furnitures na mahahalata mong Spanish' time pa. Yung maid nila, nagluluto pala, para siguro yun sa tanghalian.

"Would you mind if I am the one who's going to prepare the chocolate?" ako sabay ngiti.

"Well, no my dear. Teka, pupuntahan ko muna si Hubby. Masyado na siyang matagal sa banyo." siya saka tumungo sa itaas. I think.

Kumuha ako ng tatlong baso. Paghahandaan ko na din si Mr. Holmbergs.

Wow lang ha. Belgian chocolate pala yung nandito sa cabinet nila. Makagawa na nga.

Habang nagtitimpla ako, hindi ko maiwasang mapangiti. Kasi ang bago-bago ko pa lang sa St. Anne Academy pero napakarami ko ng ka-close. Well, except kay Melanie na feeling ko yata ay may kinikimkim na galit sa akin.

Ewan ko pa dun. Paranoid lang ata sya.

Saktong pababa na yung mag-asawa noong natapos ko na yung hot chocolate.

"Good morning Sir. Eto na po pala yung chocolate. Ginawan ko na rin po kayo para mainitan din yung sikmura niya. Here." inilapag ko naman sa mesa yung mga baso. Kinuha ko yung akin at ininom. Ganun din sila.

"Wow. This is the amazing chocolate I've ever tasted. It's not that much sweet. It's not that much bitter. Where did you learn this, hija?" Mr. Holmbergs.

"Actually, sir, my mom taught me that in any kinds of chocolate drink. She really don't like such sweet stuffs, that's why I don't use much sugar." ako

"Oh, really...." Mrs. Holmbergs.

Biglang tumayo si Mr. Holmbergs. "Honey, I think I'll go upstairs. Gotta get some rest. Just wake me up when the lunch is ready."

Tumango lang ang maybahay niya.

Pagkaalis ni Mr. Homlbergs sa dining room agad akong nagtanong sa asawa niya.

"Doesn't he like my chocolate? He just went upstairs after drinking it." ako

"He liked it. He just doesn't feel well this morning. Feeling ko nga pati ako ganun din. Haha." Mrs. Holmbergs.

Napatango lang ako.

After namin uminom ng chocolate, nagpunta kami sa living room. Nanood kami ng A Man From Nowhere. It's a good movie. Really.

(A/N: it's a good Korean movie guys.. You should watch it too. Ay, nag plug daw ba? XD)

Katatapos lang naming manood noong may bumusina sa labas ng kanilang bahay.

"Oh, they're here..." Mrs. Holmbergs.

Lumabas kami. Nakita namin yung nakangiting Popular 5 at ang nakayukong si Trexie. Haaay.

Sinenyasan ni Mrs. Holmbergs ang driver nila na i-garahe na yung sasakyan.

"Good noon Mrs. Holmbergs." sila

The Class Trip (Shadow Island)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon