Trip 1 : New School

158 5 0
                                    

Trip 1---

St. Anne Academy

-an academy where everyone dreamt of. Sa sobrang paghanga mo rito, kahit makahawak ka lamang sa gate ay isang karangalan na sa iyo.

Ito ang lugar kung saan mga mayayamang estudyante lamang ang maaaring makapag-aral dito.

Kung gaano kataas ang tingin ng mga tao dito sa eskwelahang ito, ang kasamaang ugali naman ang ikinababa ng mga estudyante rito.

Sa isang classroom....

Maingay, may makikita kang mga babeng nagkukumpulan sa isang tabi at nagpapagandahan ng make-up, may mga estudyanteng nagbabatuhan ng papel sa kung saan-saan, at kokonting estudyanteng tahimik na nakaupo sa upuan nila. Masasabi mo na "Wala sigurong teacher kaya ganyan."  .

Simulan natin ang kwento sa pagpasok ng isang batang teacher kasama ang isang estudyante.

---

Jannina's Point of View

New school. New teachers. New surroundings. New friends.

Friends nga ba? Baka dito eh awayin lang ako. *sigh*

3rd year na ako ngayon. Kasalukuyang naglalakad ako ngayon papuntang new classroom ko kasama si Miss Angie.

Morena si Miss Angie pero makinis ang kutis niya. May mahabang itim na buhok na hanggang bewang ata. Bilugang mata at matangos na ilong. Mahaba rin ang pilik-mata niya. Basta, she's beautiful. :)

"Andito na tayo, Janni." nakangiting sabi ni Miss Angie noong huminto kami sa tapat ng isang classroom.

Nginitian ko rin sya.

Pagbukas niya ng pinto, ang nabungaran namin ay ang napakagulong classroom. Maraming kalat. At napakaingay.

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Miss Angie at galit na nagsabing "Ayusin niyo ang kalat niyo at bumalik kayo sa inyong mga upuan. Please, show some manners in your new classmate, class."

Sinabihan niya akong umupo muna sa pinakaunang silyang kaharap ng mesa niya.

Nagsibalikan naman ang mga students pagkatapos linisin at ayusin ang mga kalat nila.

"Okay, today we will welcome your new classmate. Please come here in front Janni and introduce yourself."

Tumayo naman ako at pumunta sa gitna. Naka-chin up ako. I'm too pretty to look down. Haha. Kidding.

"Hello. I am Jannina del Rosario. I am 14 years old. I hope that all of us can be friends here."

May nagtaas ng kamay at nagtanong.

"Hi. I'm Chrissy and I want to ask you a question. You look really familiar. Do you know Jamie del Rosario?"

Hindi na ako nagulat sa tanong niya.

"Yes."-ako

"Are you siblings? How are you related to her?"-Chrissy

"She's my twin sister."-ako

With that answer of mine. Everyone gasp including Miss Angie.

----------End of Trip 1

Yeah yeah. Natapos ko yung chapter 1. Haha. Wala lang. Happy lang ako. xD

Sorry kung medyo magulo ha? Just comment kung mayroon kayong hindi naintindihan. I'm willing to answer your questions. :)

VOTE & COMMENT

MiLollipop

The Class Trip (Shadow Island)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon