Trip 12 : Death Wish

30 0 0
                                    

Trip 12---

Jannina's PoV

"G-Guys... Where's Chip?"

Napatingin naman si Chrissy sa kay James.

"Supposed to be, magkasama kayong magpaputok ng flare diba?" Aniya rito.

"Yes. But bumalik siya after naming magpaputok ng flare, okay? Ang sabi niya sa akin ay babalik siya ng cabin to check you out. Ako naman ay namulot pa ng mga sanga. Pero noong napansin ko ng masyadong lumalakas ang ambon ay nagpasya akong bumalik dito." Paliwanag ni James sa kay Chrissy. Or should I say, sa amin.

"No. Walang bumalik na Chip dito. All along ay nasa harapan ako ng bahay at hindi siya makakapunta sa cabin hangga't hindi niya ako madadaanan. Hindi ka naman siguro umalis ng cabin diba, Janinna?" Nang-uuyam na tanong niya sa akin.

"Mag iisang pintuan ang cabin na ito at sigurado akong makikita mo akong lalabas at maririnig mo ang ingay nga pintuan. Pati na rin ang umiingit na sahig. Of course I didn't leave this cabin!" Protesta ko. Minsan kasi may sa bobo ang babaeng to. Tinoyo na ata ang ulo nito sa lahat ng ka-bitchy-han na pinaggagawa niya noon.

"Eh saan naman kaya iyon pupunta? Lumalakas na ang ulan."

Tiningnan lang ni Chrissy si James. Napaupo ito sa sofa.

"Guys, we should do something. Kelangan nating malaman kung nasaan si Chip. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya-" napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang nagsalita si Chrissy.

"What did you do to him, James?"

"What??"

"I said what did you do to him!"

Nababakas ko ang galit sa mga mata niya habang nakatitig kay James.

"I-i didn't do anything! What do you mean, huh? Na ako ang responsible sa kay Chip ngayon? I swear to God i'm telling the truth-"

Tumayo si Chrissy at hinarap sa James. "Really? The truth? Hah! Wag mong bilugin ang ulo ko James! Before we got out of this cabin, we accused eachother! Do you think I still trust everyone here? Well, no! Except for Chip because all the time we are together. At ngayong kayo ang nagkasama, he was missing!"

Naiiyak na si Chrissy. She looks so helpless. Napahawak naman sa sintido si James.

"I am telling the truth Chrissy! I dont care whether you trust me or not but I am going to tell this to you once again. Naunang bumalik si Chip sa cabin. I don't know kung nagliwaliw pa siya. Or saan pumunta. But he told me to go back."

Nakikinig lang ako sa kanila. Wala naman akong dapat na gawin. Wala na ang tiwala ko sa kanila. Tulad nga ng sinabi ni Chrissy, we accused ourselves already. Wala akong dapat pagkatiwalaan kundi ang sarili ko lamang. Kahit pa... kahit si James pa. Kahit ngayon na may nararamdaman na ako sa kanya...

"This is nonsense! Im going outside!" agad na pumunta si Chrissy sa pinto ngunit pinigilan ko siya.

"No Chrissy! Its dangerous outside. Lets wait for Chip. Any minute he'll be coming..." hinawakan ko siya sa braso ngunit hinablot nya ito.

"Yeah. But its dangerous to be with the people I no longer trust with. Mamatay man ako sa ginaw sa labas but at least, not in the hands of someone I treated as a friend." Masamang tiningnan niya ako saka si James. Saka siya tuluyang lumabas ng cabin.

Umakyat ako sa itaas at kumuha ng dalawang jacket na dala-dala ko sa aking backpack. Naramdaman kong hindi sumusunod si James sa akin.

Pagkababa ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa at halatang nag-iisip.

"What now Janni? Where do you think you're going?"

"I have to follow her. I must convince her to go back here."

Tumayo siya "Sasama ako."

"No, you must stay here. Hindi natin alam kung ano ang takbo nga isip nya. She's afraid of losing Chip that's why she panicked." Isinuot ko na ang jacket na kuniha ko.

"You're right. We dont kmow what's going on in her mind. Don't you think she is the killer?"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya bagkus ay lumapit ako sa pintuan.

"I'll be alright James."

----------

3rd Person's PoV

Nagpaikot ikot si James sa loob ng cabin. Hindi mapakali.

Pumunta siya sa kusina at dumampot ng kutsilyo at tinago sa likuran ng kanyang pantalon.

Bahala na.

At agad na lumabas ng kabahayan.

Samantala, naglalakad naman si Chrissy sa madilim na parte ng kagubatan. Alas tres ng hapon pa lang ngunit ang dilim ay tila laganap na.

"Chiiip! C'mon! Bumalik na tayo sa cabin--- araaaay! Shit." Nadapa siya dahil sa napakalaking sanga na nakaharang sa daraanan niya.

At dahil na rin sa mga malalaking ugat ay hindi niya naialis ang paa bago umikot para umupo ng maayos. Dahilan upang ma-twist ang tuhod niya at nagsipag-tunugan ang nabaling buto niya.

"Aaaaaaaah! Shiiiiit!"

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at inilawan ang sangang nakaharang. Ngunit nagimbal siya ng makitang hindi ito sanga kundi ang walang buhay na si Chip. Nakanganga ito at wala ng dila. Nakaukit pa sa noo nito ang salitang JERK. Tadtad ito ng saksak sa dibdib.

Pinuwersa niyang kunin ang kanyang paa kaya naman humiwalay ito sa kanyang binti. Napaiyak na siya ng tuluyan ng makita ang magkahiwalay na parte ng kanyang paa.

"Fuuuuuckshit! Chip! Noooo!"

Gumapang siya palapit kay Chip saka tumangis.

Hindi niya namalayan na mayroong aninong kanina pa nakangiting pinagmamasdan ang kanyang pag-iyak.

Humugot ito ng patalim. At agad na lumapit kay Chrissy.

Sinaksak nito ang likurang bahagi ng kanyang leeg kaya napadaing si Chrissy sa sakit.

"N-no... please"

Hindi pa siya nakontento ay sinaksak pa nito ang katawan niya sa hindi mabilang na beses.

"P-patayin mo nalang ako. W-wag mo na akong pahirapan."

Ngumisi siya.

"As you wish." At sinaksak ito sa bungo dahilan upang malagutan ito ng hininga.

Maya-maya pa'y tinapon niya ang kutsilyo . Tumayo at nagsimulang maglakad pabalik sa cabin na parang walang nangyari.

---End of Trip 12

The Class Trip (Shadow Island)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon