Rose Point of View
Matapos ng nangyari kahapon ay sa condo unit na ako ni AJ tumitira. Kasama nya dito si Chescalyn. Ang sabi sakin ni AJ tuwing weekend lang sila umuuwi sa bahay nila.
*Ting*
"Ako na." Sabi ko bago pa tumayo si Chescalyn sa kinauupuan nya. Tiningnan ko muna sa isang maliit na monitor kung sino ang nasa labas. Nakita ko dun si Lorraine, Khariss, Nicholle, Kathrina, Daniel at Haru.
"Napapunta yata kayo rito." Sabi ko.
"Si Axcell..." Sabi ni Nicholle. Bago ako yakapin. Ngayon ko lang din napansin na nakablack silang lahat.
"Anong nangyari kay Axcell?" Tanong ko.
"Patay na sya... Isinunod sya ng killer. Nung time na lumabas sya after 2 hours may nakakita sakanya na taga section B na nakahandusay sa sahig katabi ng basurahan." Sabi ulit ni Nicholle habang yakap yakap pa rin ako.
"Pumasok muna tayo sa loob. Dun nyo ikwento." Sabi ko.
"Ohh anong nangyare sainyo??" Tanong ni Chescalyn habang nakatutok pa rin ang tingin sa laptop nya, Si AJ naman ay hanggang ngayon ay nanonood parin sa TV ng Sadako vs Kayako na movie.
"Patay na si Axcell." Biglang may nahulog na kung ano sa tabi ni AJ.
"Shit!! Ano ba AJ, aatakihin ako ng atake sa puso sayo ehh." Sabi ni Daniel.
"Excuse me, wala kang sakit sa puso." Sabi ni Khariss.
"Teka!! paanong nangyaring patay na si Axcell eh diba nakita pa natin sya kahapon." Sabi ni Chescalyn.
"Kahapon sya namatay. Nakita sya sa tabi ng basurahan na basag na ang bungo at ang utak nya ay halatang pinukpok ng pinukpok sa sahig dahil nakakalat na yun. Nasa tabi din nya ang isang baseball bat at may papel na nandun." Sabi ni Kathrina.
"Yung nakasulat sa papel ay 'Uunahin ko muna si COLOR VIOLET tutal tinatago nyo pa si COLOR RED'." Sabi ni Lorraine.
"Guys tanong ko lang, anong araw ngayon?" Tanong ni AJ habang may tinitingnan sa isang maliit na notebook.
"Thursday." Sabi ni Haru habang nakatingin phone nya.
"Guys, pansinin nyo, parang may pattern ang pagpatay ng killer. Ang first na namatay ay nangyari noong friday ng June 22, FRIDAY. Ang second ay MONDAY. Ang third ay ang the last 19 letters ay nangyari noong TUESDAY. Ang sumunod naman ay ang kahapon at kahapon ay WENESDAY. Naghihinala na ako ehh. I feel na ang huli nyang papatayin ay itatapat nya sa FRIDAY dahil dito sa nagsimula." Tiningnan ko ang nakasulat sa notebook at nakasulat dito ang mga namatay na naming kaklase.
"Pakinggan nyo tong sasabihin ko. Ang first na namatay talaga sa room natin ay si Miss. At dun na nagstart ang patayan. Nalaman ko na hindi atake sa puso ang kinamatay ni miss. Merong nagpakain sakanya ng isang pagkain na nakakalason. Ang unang nilalason ng pagkaing yun ay ang puso. Tapos sumunod na ang iba nating mga kaklase.
1.Justine Malibiran
2.Jeylor Gonzales
3.Jaspher Feranil
4.Gian Manalo
5.Ivy Geonzone
6.Venice Napalan
7.Alvein Gonzales
8.Hanah Ermino
9.Joshua Ocampo
10.Ryzel Delos Reyes
11.Mariel Quilantos
12.Vergel Holgado
13.Gean Caraan
14.Lenard Ramos
15.Hazel De Villa
16.Gavin Contillio
17.Danica Mojica
18.Ruzzel Montemayor
19.Laurence Baybay
20.Darrly De Ocampo
21. Ahmir Buan
22. Ronnel Mercado
23 Marie Fe Morallos
24. Jezza Maligaya
25. Ariana Gutierrez
26. Joyce Bucal
27. Alex Josh Guadania
28. Axcell Mae Zanches." Sabi ni AJ."Ang isa pang napansin ko ay parang hindi isa lang ang pumapatay. Kung iisipin paano magagawa ng isang tao ang patayin ang tatlong tao ng sabay. Tulad ng kayna Justine, ang ginawa kay Justine ay nilaslas ang buong katawan at sinabit, tapos si Jeylor naman ay dinukot ang puso, si Jaspher ay sunog ang mukha at walang daliri. Paano nya gagawin yun ng sabay? Kung inuna nya muna si Justine patayin ay dapat nakatakas pa sana sina Jeylor at Jaspher. I think dalawa o tatlo ang pumapatay." Sabi nya ulit bago tumayo at may kinuha sa room nya.
BINABASA MO ANG
Ang Seksyon A- May Karangalan ((ON-GOING))--//slow update//
Bí ẩn / Giật gânRoom na maraming sekreto. Isang silid na matagal ng maraming tinatago. Paano kung malaman na lang nila ang mga sikreto sa pamamagitan ng pagpatay.