Khariss Point of View
Matapos ang pangyayari noong party ay di na namin ulit nakita na may pinatay ang killer. It's almost 3weeks ago.
"Guys mukha yatang natakot yung killer sa sinabi ni AJ kaya di pa sya ulit pumapatay ng kahit isa saatin." -Kathrina.
"Oo nga." Sabay na sabi nina Nicholle at Axcell nag apir pa sila.
"Guys hwag muna tayo magsaya kung wala pa ang killer. Baka nagpaplano yun kung ano ang suaunod nyang gagawin. Mag ingat pa rin tayo. Tandaan nyo, susunod na ang mga colors." Sabi ni AJ habang may sinusulat na kung ano sa board.
"Guysss." Sigaw ng bagong pasok na si Chescalyn.
"Ohh bakit pagod na pagod ka?" -Axcell.
"Guys, alam nyo ba yung kwento about sa old building?. ang sabi, yun daw ang kauna unahang building na natayo dito sa school at ang unang building na minulto ng isang babaeng namatay dahil sa rape. Mas matanda pa yun sa main building ng school. Ang isa pang kababalaghan na bumabalot sa buliding na yun, Lahat daw ng estudyante na namamatay sa school natin ay dun napupunta ang kaluluwa at nagmumulto dun." Kwento ni Chescalyn habang may hawak na article.
"So ano ang gusto mong palabasin. At saan mo nakuha yang lumang article ng school?" -Haru.
"Ang gusto kong palabasin ay puntahan natin ang building na yun at mag hunting tayo ng multo. At tska itong article, nakuha ko kay kuha, journalist sya ng school dati ehh." Sabi ulit ni Chescalyn.
"Ano game kayo?"- Chescalyn.
"Game ako dyan." Sabi ko.
"Sige game din kame." -lahat ng section A.
------
AJ Point of View~~~Old Building~~~
"Huhuhuhu, ayaw ko na. Totoo nga nakakatakot dito, huhuhu balik na tayo sa room, AJ." Sabi ng katabi kong si Chescalyn.
"Ano ba ikaw ang nagyakag dito tapos ikaw ang unang matatakot." Inis na sabi ko. Tumawa ang lahat. Sinamaan naman ako ng tingin ni Chescalyn.
"Waahh, multo. Tangina ayaw ko na babalik na ako sa room." Yumakap na sya sakin.
"Ano ba daga lang yun!! at pwede ba dun ka yumakap kay Daniel." Sigaw ko.
"Ehh nakakatakot naman kase yung dagang yun. Mas malaki pa sa pusa." Sabi nya ulit.
(A/N: Meron bang ganung daga)
"Guys tingnan nyo merong libro dun sa lamesa." -Lorraine.
Nilapitan ko 'to kasama si Chescalyn at Haru. Ang libro ay puno ng alikabok hinupan ko 'to at nabasa ang nakasulat sa cover ng book.
"Batch 1990-1991 book year."- sabay sabay naming sabi ng biglang may mahulog sa taas isang ulo ng kaklase namin. Kaya pala late sya.
"Alex. The first color. Color Blue." Nakasulat sa papel na nakatapal sa noo nya.
"Ahhhh." Sigaw nilang lahat at bumalik na ng room syempre pati kami. Dinala rin namin ang libro.
BINABASA MO ANG
Ang Seksyon A- May Karangalan ((ON-GOING))--//slow update//
Mystery / ThrillerRoom na maraming sekreto. Isang silid na matagal ng maraming tinatago. Paano kung malaman na lang nila ang mga sikreto sa pamamagitan ng pagpatay.