AJ Point of View.
Lunes, June 4 at etong araw na ito ang unang pasukan naming mga estudyante ng Merriam High School. As for now ay on the way na ako sa campus. Kailangan daw na maaga kami sa gymnasium ng school dahil magkakaroon kami ng orentation as a grade 10 student. And by the way, Im AJ Reyes, 15 years old. And IM A GIRL. Marami kaseng pinagkakamalan ako na lalaki dahil sa name ko na AJ. Tapos sa attendance kapag unang pasukan ay nasa boys ang name ko. Kainis. Kasalanan ko ba na yun ang pinangalan sakin ng parents ko.
"We're here." Sigaw ng katabi ko na si RJ. Same as me, babae sya pero panlalaki ang name. Agad na kaming bumaba ay pumunta sa gymnasium.
" Ang dami na ng tao." Bulong nya.
"Malamang hindi sila hayop." Pambabara ko.
"Sira ulo to." Sabi nya bago pumunta sa pila nya. Actually, hindi kami magkasection. Nasa section B4 sya, while me ay nasa section A4. nasa kalikuran ako kase nga ay ako ang pinakamatangkad. Habang nakapila ay kinulbit ako ng nasa kabilang tabi ko na si Justine. Sinamaan ko sya ng tingin kase alam kong nang aasar sya. Peace sign lang ang sinagot nya sakin.
"Hoy." Nagulat na lang ako ng sigawan ako ng Khariss sa tenga ko.
" Gago ka, sakit ng tenga ko sayo." Tinakpan ko agad ang tenga ko. Peace sign na lang ang ginawa nya at pumunta sa harapan ko. Habang ako ay tahimik na nakatayo ay biglang tumawa ng kaylakas sina Khariss, Kathrina, Ella, Nicholle at Axcell.
"Oh my gosh, ang pogi kamo ng bago nating classmate. Ang sabi ay galing daw sa KitamaruhaHigh School. Japanese School yun, paniguradong singit yun kase may dugong hapon yun." Sabi ni Kathrina habang hinahampas si Khariss. Napailing na lang ako sakanila. Tinuringang mga class officers sila pa ang mas harot.
"Hello, sound check. Everyone may i have your attention, please??" Sabi ng head teacher ng grade 10. "Ahh all students of Grade 10 from section A4 to J4. You will be assign in building 7, the last building. But don't worry, that building is new. So, this batch is the first batch will use it. So, we will expect that the new building will be good after you go to senior high. Alright guys?" Sabi ni Miss Chatyronialyn.
" Grabe nosebleed ako dun ahh." Bulong ni Khariss. Kaya napailing na lang ako. Pagtingin ko naman sa right side ko, may nakita akong isang lalaki na matangkad lang sakin ng konti at sobrang puti,medyo singkit sya. Tapos ang pula ng labi nya para sya boy version ni Youysoru Momo ng Boku no Hero Academia.
(A/N: Sa mga otaku dyan, tama ba spelling ng name ni Momo yung nasa Boku no Hero Academia[My hero Academia] hindi yung si momo ng twice haa. Kung mali man sorry, nakalimutan ko na yung spelling. Bobo po si Author sa spelling.)
"Kinichiwa." Sabi nya ng mapansin nyang nakatingin ako sakanya. Tanging ngiti lang ang sinagot ko. Nakakaintindi naman ako ng japanese word pero dalawang words lang at yun ay kinichiwa at arigato gasaimas.
Matapos magdadada ng head teacher ng grade 10 ay pinapunta nya na kami sa mga room namin. Habang naglalakad ay nakikita ko kung paano kumuha ng stolen shot si Khariss at Ella sa bago naming classmate.Kinulbit ko sila at tumingin naman. Tinuro ko si Miss na nakatingin sa kanila. Agad nilang tinago ang mga phone nila at naglakad na ng ayos. Nang makarating kami sa room ay umupo na kami. Sa kalikuran ako umupo dahil madaming magrereklamo na ang tangkad ko daw tapos sa unahan pa ako uupo.
" Hello everyone! so ako ang new adviser dito grade 10- May Karangalan. Ako si Mayumi Yamada, you can call me ms. Mayumi or ms. Yamada. So please, introduce yourselves infront of class. Alam ko na kilala nyo na ang isa't isa simula grade 7, pero ako hindi ehh." Nagsimula na magpakilala ang lahat. Habang nagpapakilala si Khariss pumasok ng room yung tranferee, kinilig naman si Khariss habang nagsasalita. Umupo naman sa tabi ko sya.
Natapos na ang lahat at ako na lang at si tranferee ang di pa nagpapakilala.
" Hi everyone, Im AJ Reyes. 15years old." Sabi ko sa unahan at babalik na sana sa upuan ng tawagin ako ni Miss.
"Babae ka pala. Akala ko ay lalaki gawa ng name mong 'AJ' nailagay tuloy kita sa list ng boys." Napakamot na lang ako ng batok. Lagi naman ehh.
"Okay lang miss. Sanay na ako, since kinder nasa boys list na ang name ko." Sabi ko. Tumayo naman si mr. Tranferee at pumunta sa unahan.
"Hello everyone. Im Haruka Hashinoto. You can call me Haru because may name is just for girls. 15 years old." Sabi nya haban nakangiti. Bumalik sya sa upuan na ngiting- ngiti.
"Parehas pala tayo no." Napatingin naman ako sakanya. Kinunutan ko sya ng noo. Halata naman na nalaman nya agad ang gusto ko.
" Pareho tayo na ang pangalan ako hindi angkop sa gender natin. Name mo panlalaki pero babae ka, tapos ako pambabae ang name ko pero lalaki ako." Natawa na lang sya ng mahina.
Hindi naman nagklase ngayon. More on sa mga sinasabi ng teachers na mga notebooks and yung mga babayaran tapos yung bagong P.E uniform namin. Ngayon ay si Miss Miranda na ang nag sasalita sa unahan, teacher namin sa P.E.
"So, AJ. Ikaw naman ay kasali ka diba sa Baseball team. Tuwing Tuesday and Thrusday, wala ka sa room dahil may training ka. Wag kang mag alala dahil alam na ng lahat ng subject teachers yun." Tumango na lang ako.
"Miss?" Nakataas naman ang kamay nya.
"Pwede din po ba sumali sa varsity ng baseball. Kasali rin po kase ako noon nung nasa dati pa akong school." Sabi nya.
" Sige Haru." Sagot ni Miss.
~~~Fast Forward~~~
Habang nakain ng lunch bilang may nabasag sa unahan. Wala si Miss Mayumi kaya di nya nakita kung ano yun. Lahat ay nakatingin kay Lorraine at Khariss na nasa unahan.
"WHAT THE FUCK!! LORRAINE. ALAM MO BA NA BAGONG BILI TONG BLOUSE KO TAPOS ANO TONG GINAWA MO, DINUMIHAN MO, TINAPUNAN MO NG KADIRI MONG SHAKE NA NASA KADIRI MONG TUBIGAN." Sigaw ni Khariss. Agad akong tumayo at lumabas. Pumunta naman ako sa locker room ng girls at hinanap ang locker ni Khariss at kinuha dun ang extra nyang blouse. Bumalik na ako sa room at iniabot kay Khariss ang blouse.
"Ayan na Khariss yang extra blouse mo. Magpalit ka na, bakat na yang bra mo." Sabi ko at pumunta na sa upuan. Nakita ko naman ang mata ni Lorraine na nanlilisik at may binulong sa sarili bago kunin ang nalaglag nyang tubigan. Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko.
Habang sinusubo ko ang huling kanin sa baonan ko ay nag ring ang phone ko.
"Kainis naman ohh. Panira ng pagkain." Sinagot ko ang tawag.
[Heyooww, AJ. Musta na??] sabi nya.
"Ahh okay naman, pero nung tumawag kang sira ulo ka naging masama na." Narinig ko naman ang tawa nya.
[Kahit pala sa tawag ang cute mo pa rin magalit.]
"Che, bala ka dyan, Jaeromyn." Bababaan ko na sana sya ng bigla sya sumigaw.
[Miss you, sis.] sabi nya.
"MISS MO KO, PWES AKO HINDI DYAN KA NA SANA WAG KA NA SANA IUWI NI PAPA AT MAMA DITO SA PINAS." Sigaw ko kaya napatingin sakin ang lahat. Binaba ko na ang tawag.
(A/N: lalaki po si Jaeromyn)
"Sino yun beshie?" Tanong ni Chescalyn.
"Kuya ko lang na tarantado."
"Laki yata ng galit mo dun ahh." Singit naman ni Haru. Feeling ko nagiging FC na sya sakin. Bawat salita ko kase ng pabulong sasagutin nya o di kaya kukwestyunin nya.
"Oo. Talagang malaki. Ikaw kaya ang muntikan ng gahasahin ng sarili mong kapatid. Sino kaya ang di magagalit dun?" Nilagay ko na sa lunch bag ko ang baonan at umupo ang ayos. Si Chesca naman o Chescalyn ay pumunta muna sa upuan nya at nagbasa ng novels. Medyong bookworm din yun ay di pala medyo, talagang bookworm sya. Di sya mabubuhay ng walang libro.
_________
Hanggang dito na muna, na mental blocked ako ehh. Sorry sa latttteeeeee update. Ahh guys, iniisip ko kung gawan ko ng book 2 ang CAN I FALL IN LOVE AGAIN. ano sa tingin nyo gagawan ko o hindi??
BINABASA MO ANG
Ang Seksyon A- May Karangalan ((ON-GOING))--//slow update//
Mystery / ThrillerRoom na maraming sekreto. Isang silid na matagal ng maraming tinatago. Paano kung malaman na lang nila ang mga sikreto sa pamamagitan ng pagpatay.