Haru Point of View
Matapos ng nangyari kahapon ay lagi ng iniiwasan ng ibang section ang room namin. Pati mga teachers ay ayaw na rin pumunta sa room namin dahil natatakot na samin.
"Haru." Nilingon ko si AJ na walang buhay ang mukha at nakatingin sakin.
"Bakit?"
"Can we talk?" Sabi nya.
"Sure." Tumayo na ako at lumabas kami ni AJ.
"Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" Tanong ko. Nabigla ako ng bigla nya akong yakapin at umiyak sya. Niyakap ko na lang sya at hinaplos ang buhok nya.
"Shhhh, stop crying." Pang aamo ko.
"Haru, alam mo ba ng dahil sakin naaksidente yung bestfriend ko na si RJ. Ang sakit, tapos sumabay pa na inatake ng stroke si Papa, si Mama naman ay patay na dahil din sakin. Uuwi sana sya para isama na din ako sa Japan, simula ng malaman nya yung nangyari sa room natin kahapon pero nag crash yung eroplano na sinasakyan nya. Ang sakit na ikaw yung dahilan kung bakit may masamang nangyayari sa mga importanteng tao sa buhay mo." Umiiyak pa rin sya.
"Parang gusto ko na sumunod sakanila. Sana ako na lang ang sunod na patayin ng killer." Sabi nya.
"Shhh. Sana hindi. Hindi ako papayag na mamatay ka, AJ. Importante ka rin sakin." Napatunghay sya at nakita nya ang mukha ka na nakangiti.
"Importante ako sayo?" Tumango ako. Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Malapit ko na syang mahalikan ng biglang.
"Ahhhhhhhh." May sumigaw. Napabalikwas kaming dalawa at pinuntahan namin kung saan ng galing ang sigaw.
---------
AJ Point of View
"Ahhhhhhhh." Nakakainis mahahalikan nya na ako pero itong sigaw na to sinira yung moment namin ni Haru.
Pinuntahan namin ni Haru ang trird floor ng building kung saan ng galing ang sigaw nakita namin ang isang babae na taga section F4 nakatakip ang kamay sa bibig at nakaupo sa sahig. Tiningnan ko kung saan sya nakatingin at nakatingin sya sa isang room sa pagkakaalam ko ay yun ay room para sa mga estudyante na may kaso o kasalanan sa school. Nilapitan namin yun ni Haru ng dahan dahan at tiningnan kung ano ang tinitingnan ang tinitingnan ng babae.
"Letrang DEFG tapos na kayo. Susunod na ang natitirang 38." Basa ni Haru sa nakasabit sa may leeg ng isang PATAY NAMING KAMAG ARAL.
"AJ, tawagin mo sila. Sabihin mo sina Ivy, Gian, Erick at Venice ay patay na." Sabi nya sakin. Agad ang tumakbo pabalik ng room at naabutan silang nagsusulat.
--------
Alex Point of View
Habang nagsusulat ay biglang bumukas ang pinto at niluwal nito si AJ pagod na pagod.
"Guys may namatay na naman." Sabi nya habang hinihingal.
"What?? Saan??." Sabi ni Khariss.
"Sa third floor." Sabi nya tapos tumakbo na ulit. Sumunod naman kami at nakita ang mga namatay.
"V-venice?" Sabi ni Gean habang nangangatal at umiiyak.
"Jezza, tawagan mo ulit ang dad mo." Sabi ko.
"Okay." Agad namang sinunod ni Jezza ang sinabi ko.
"Sino ang unang nakakita nito?" Sabi ni Lorraine, habang hinahawakan ang papel na may nakasulat na mga letra.
"Kaming dalawa ni AJ ang pangalawa sa nakakita nyan. Una nyang nakakita ay isa sa mga taga section F." Sabi ni Haru habang hinahaplos ang likod ni AJ at binibigyan nya ng tubig si AJ.
"Chesca?" Tawag ni Kathrina. Napatingin naman si Chesca na nasa tabi ko.
"Bakit?" Sabi nya kay Kathrina.
"Samahan mo ako sa cr." Sabi ni Kathrina. Tumango na lang si Chesca at pumunta na sila sa cr. Nilapitan naman ako ni Lorraine at may binulong sakin.
"Alex, kukuha lang ako ng tubig." Tumango na lang ako. Agad naman din syang bumaba.
----------
Someone Point of View"Chesca may sasabihin lang talaga ako sayo, hindi talaga ako c-cr." Sabi ni Kathrina kay Chesca.
"Tungkol saan naman ang pag uusapan natin?" Tanong ni Chesca.
"Tungkol sa killer." Maikling sagot ni Kathrina.
Pinapakinggan ko kung ano ang susunod nasasabihin ni Chesca pero walang nagsalita. Hanggang sa may naramdaman ako masakit sa bandang ulo ko. Hinawakan
ko ito at nakita na may dugo."Kathrina, patay na ba sya?" Sabi ni Chesca.
"Hindi ko alam, pero parang buhay pa ang killer." Sabi nya. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa at sinabing.
"Isusunod ko na kayo. Hindi man ngayon pero baka bukas o sa mga susunod na impyerno nyong araw. Hahahaha." Sabi ko bago umalis. Maigi na lang at di nila nakita ang mukha ko dahil sa maskara sa mukha ko.
------------
Chesca Point of ViewNanginginig na tumingin ako kay Kathrina at sabay kaming tumakbo sa third floor kung nasaan ang mga kaklase namin. Sumalubong naman saamin si AJ at Khariss.
"Anong nangyari sainyo?" Sabi ni Khariss samin.
"Nakita namin ang killer. Ang sabi nya isusunod nya na kami. AJ, help me. Please." Sabi ko habang umiiyak. Si Kathrina naman ay nakaluhod at hinihingal.
"Nasugatan namin sya ni Chesca sa ulo kanina nung hinampas namin sya ng kahoy." Sabi ni Kathrina.
"Guys, si Lorraine nasa clinic. May umuntog daw sakanya sa isang kahoy nung kumukuha sya ng tubig sa room. Di alam kung sino yun." Sabi ni Axcell. Bigla na lang tumakbo si Alex at pumunta na sa clinic.
"Para lang sa girlfriend nya, talagang pupuntahan nya kahit matisod sya." Sabi ko. Yes tama ang pagkakadinig nyo, matagal ng sila ng pinsan ko at ni Lorraine.
________
hanggang dito na muna. Sa tingin nyo sino kaya ang pumapatay?? at sino kaya ang susunod na papatayin ng killer??Abangan sa susunod na chapter.

BINABASA MO ANG
Ang Seksyon A- May Karangalan ((ON-GOING))--//slow update//
Mystery / ThrillerRoom na maraming sekreto. Isang silid na matagal ng maraming tinatago. Paano kung malaman na lang nila ang mga sikreto sa pamamagitan ng pagpatay.