| love doesn't exist |

137 40 54
                                    

Naka-cross arms ang braso kong nakatingin sa aking kaibigan na si Vanessa at ang kaniyang boyfriend na si Jevan. Ang sweet-sweet nilang dalawa at parang hindi na ata nila ako napapansin. Parang silang dalawa lang ang nandito sa Mang Inasal eh nandito pa naman ako sa harapan nila. Tsk. Tapos na akong kumain at heto sila nagsusubuan pa. Hay naku. Langgamin sana kayo diyan!

"Love may kanina ka dito oh," tumingin naman ako sa tinuro ni Vanessa sa may pisngi ni Jevan. Ang liit-liit lang kaya nong kanin. Tsk. Kinapa naman ni Jevan yun kanin daw kuno. Pero ang tanga lang niya bes ang layo-layo eh.

"Wala naman, love, eh binibiro mo lang siguro ako." Kapa pa din siya ng kapa pero wala pa din. Ang tanga-tanga kasi!

"Hindi ah meron kaya. Ako nalang."

Napairap ako nang si Vanessa ang kumuha nito habang si Jevan naman parang natuod sa kinauupuan niya. Ang arteng mag-react.

"Kung bibilisan niyo kaya ang pag-kain at nang makauwi na ako!?" Iritado kong wika sa kanilang parehong natigilan. Napangisi naman ng nakakaloko 'tong kaibigan ko habang si Jevan nahihiyang ngumiti.

"Pa--pasinsya na, Faith." Paguumanhin niya at aakmang tatayo na nang pigilan siya ni Vanessa.

"Oh? Tapos ka ng kumain?" Nagaalala pa nitong sagot. Hay naku pwede lang namang kumain siya ng marami sa bahay nila. Wengya mapapagalitan ako ni Mom nito.

"Ah yeah. Uuwi na si Faith eh kaya uuwi na din tayo." 

Nagusap pa sila sa harapan ko ngunit hindi ko na sila pinansin. Galing kasi kami ng simba at kakain daw kami sa Mang Inasal dahil ginutom ang mga bulate ni Vanessa. Wala namang problema sa akin iyon basta lilibrehen niya ako. Kaya go ako. At ang isang problema pa, sa kanila ako sumabay dahil yung single motor ko nasira. Mukhang bukas pa iyon ma-re-repair ni Dad. Kaya heto ang tatagal nilang matapos magusap.

"Ah sige, tara na, Gen." Tawag pa ni Vanessa. Nagpatiuna na ako nang lakad sa kanila dahil atat na atat na talaga akong makauwi. Hindi ko na pinansin ang mga sweetness nila. Kainis!

Inaamin ko sa sarili kong bitter ako dahil ang love hindi iyan nag-e-exist. Walang love no. Wala! Ni Mom and Dad ko nga hindi ako mahal. Kaya nasasabi kong walang love dahil wala namang nagmamahal sa akin. Ewan ko lang diyan sa bestfriend ko.

Napahinto ako nang lakad nang may bumangga sa balikat ko. Actually hindi iyon sinadya pero kainis magjowa kasi ang nakabangga sa balikat ko eh. Yung babae nakapulopt ang braso niya sa lalaki at ang lalaki ang nakabangga sa balikat ko. Peste ang dami namang lovers ngayon no? Matagal pa Valentines Day men, huwag kayong atat sa mga partners niyo.!

Tumigil naman ng lakad ang dalawa at tumingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang ang lalaki. Aba ano akala niya sa akin cute siya diyan sa ngiti niya? Eh para siyang asong naulol eh! 

"Hindi ka ba magso-sorry?" Pigil inis kong tanong. Naramdaman ko naman na may humawak sa braso ko at pagtingin ko si Vanessa.

"Hayaan mo na, Gen, tara na." Hihilahin niya sana ako pero binawi ko ang braso kong hawak niya at nanlilisik na tumingin sa lalaki.

"Ano? Ni sorry hindi mo mabigkas?!"

"Ge--Gen naman eh... ta--tara na. Nakakahiya oh maraming nakatingin," kandautal pang bulong niya. 

"Sorry?" Sarkastiko pa niyang sagot. Aba pinapainit ang ulo ko nito ah. Ku-kwelyohan ko na siya siya nang pumagitna ang jowa niyang... maganda. Oo na maganda siya, maputi, straight ang buhok na hanggang bewang. Ang taas naman masyado ng buhok mo, girl. Then naka-head band pa siya na---WTF hello kitty?! Ang bata naman nito masyado. Ilang taon na kaya ito?

Collection of StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon