| i'm not her |

103 38 32
                                    

Tumatakbo ako para habulin ang nagiisa kong bestfriend na si Nina. Suot-suot ko ang aking kulay ubeng uniporme, at nasa likod ko  naman ang aking bagpack na kulay itim. Hiningal na ako sa kakahabol sa kaniya ngunit hindi pa rin tumitigil ang bruha. Pagod na ang mga tuhod ko dahil sa ginagawa niya, pero hindi pa rin siya tumitigil. 

"Nina, akin na iyang notebook ko!" Sigaw ko kasabay ang pagtalsik ko sa gilid. Binangga ako ng isang babae kaya napaupo ako sa sementong sahig na kulay pula. Nauna ang aking pwet at kasunod nito ang aking likod na mas nasaktan dahil nadaganan ko ang bag ko. May mga notebook dito at isang libro kaya sakit-sakit dahil matitigas puro. Napapikit ako at tumayo ng dahan-dahan pero ang tuhod ko ay nanginginig kaya napahiga ako. May kamay naman na lumahad sa harapan ko, pagtingin ko yung babae pala. Nakangiti siya ngayon at napansin ko na may dumi ng juice ang kaniyang polo blouse. 

Tinanggap ko ang kamay niyang may pagaanlinlangan. Nang makatayo ako ay inalalayan niya pa akong huwag matumba. Nahihiya naman akong napatingin sa kaniya pero ngumiti lamang siya sa akin.

"Pasinsya na po hindi ko po sinasadyang banggain kayo," ang cute ng boses niya at second year high school pa pala siya. Nakilala ko kaagad ito dahil sa i.d niya na kulay yellow. Ngumiti  ako sa kaniya at napahakbang paatras ng isang hakbang. Tumingin ako sa likuran niya kung huminto ba si Nina, oo nga huminto ito pero nakatalikod naman sa akin. Bruha nga siya hindi ako tinulungan. Kainis!

"A--ayos na ako. Pwede ka ng umalis. Mukhang nagmamadali ka ata." sagot ko naman. Ngiti at tango lamang ang tugon niya at kumaripas na nga siya ng takbo. 

Habang ako, inayos ko ang uniporme kong nagusot pati na rin ang saya ko. Buti nalang two inches below the knee ang saya namin kundi ay nasilipan na ako kanina na napahiga pa ako sa sahig. Pero ang sakit talaga ng likod ko.

Lumapit ako kay Nina na bestfriend ko noong fourth year high school ako hanggang ngayong first year college. Nakatayo lamang siya at hindi gumagalaw kaya pagkakataon ko na ito, kinuha ko dali-dali ang sa kaniyang kamay ang notebook ko na kulay mint green. Plain mint green lang talaga ito at walang ka-design design. Agad ko naman itong nilagay sa bag ko at humarap sa kaniya. Napatawa na lamang ako ng malakas para asarin siya dahil nakuha ko ang notebook ko. 

Importante ang notebook na ito dahil nandito lahat ang mga hinanakit ko or mga tinatagong sekreto na hindi ko nasasabi sa iba. Mga random lang naman ang nasusulat ko, well if talking about crush. Wala. Wala akong crush, pero mga naga-gwapuhan na mga lalaki meron si... Zarry. First year college ko palang talaga siya nakilala. Marami rin namang mga babae ang hinahangaan siya o di kaya ay nagwa-gwapohan... matalino rin siya iyon ang sabi ng iba. Hindi kami magka-klase kaya hindi ako sigurado. At isa pa magkaiba kami ng korso. Siya Engineering ako naman HRM. 

Kinalabit ko si Nina at tumingin sa kaniya. Nakanga-nga ang bibig niya pero sakto lang naman ito na hindi mapapasukan ng langaw. Siguro, kanina pa siya dito kaya tinulak ko siya para magising sa imahinasyon siyang walang patutunguhan. Nagising nga siya or should I say nabalik siya sa reyalidad. Nagalit pa siya kung bakit ko daw iyon ginawa habang ako tinawanan lamang siya at inasar-asar pa. 

"Ang pangit ng mukha mo kanina," sinabayan ko pa ng tawa na mas iirita sa kaniya. Bakit kasi pinahabol niya ako ng napakalayo tapos nabangga ako at ito masakit ang likod ko. Hindi niya nalang sana ginawa iyon para hindi ko siya maaasar ngayon. Wahahaha nasa akin parin ang huling  halakhak.

Pero napatigil ako dahil sa kaniyang sagot;

"Nginitian ako ni Zarry!" Tumili siya at pinalo-palo ako sa balikat. Hindi pa ako nakagalaw pero nang masakit na ang palo niya ay ngumiti nalang ako ng pilit sa kaniya. 

"Ma-Mabuti naman at napansin ka na ng crush mo." You read it right. Crush niya si Zarry at nakaramdam ako ng kaunting selos. Pero sinantabi ko na lamang ito dahil nangingibabaw ang saya ko para sa kaniya.

Collection of StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon