| one month |

110 29 22
                                    

Sabado ng araw na iyon nang maisipan kong e-chat ang manliligaw ng kaibigan ko. Napag-tripan ko lamang ito dahil sa nakatunga-nga lamang ako sa loob ng bahay. Nang kunin ko ang cellphone ko sa center table namin ay dinisplay nito ang pangalan ni Ashley na aking nagiisang kaibigan. Hindi ko siya matalik na kaibigan ay dahil naniniwala ako sa kung mayroon kang bestfriend mayroon ka ring best enemy. Dahil ang bestfriend ay magiging best enemy mo. Bakit? Because when it comes to bestfriend you will say all your secrets to her or him. You will trust that person most but you didn't know that person is not worth for. Hindi mo na pala alam ay pinagsasabi niya na ito sa iba. Alam ko namang hindi lahat ay ganitong tao pero alam kong hindi natin ito naiiwasan. Maliit lang sa mga tao ang mapapagkatiwalaan. 


When I read her message nag-reply naman ako sa kaniya.


Me: "Don't worry, Ash makaka-move on din siya."


I'm referring to her "manliligaw" or should I say na hindi talaga siya nito niligawan dahil in person ay tinanong ng lalaki na "pwede ba kitang maging girlfriend?" Hindi ata "panliligaw" ang tawag doon. Because she is just third year high school and the guy is fourth year, hindi siya pumayag. Wala naman din siyang gusto sa lalaki, pero attractive siya. Iyon nga lang hindi mo masasabing binata na ito dahil sa height niyang 4" lang ata? Or 5"? Pero attractive nga or malakas ang dating.


Frank: "How's she?"


Ito na nga nag-reply na siya ng mga ilan pang minuto. Nagisip muna ako kung anong ere-reply ko dahil kung sasabihin kung masaya siya ngayon ay masasaktan naman siya. Tao rin kaya siya, that's my daily line. Or motto I think. Kung sa verse pa ay iyon ang life verse ko. Kung malungkot ay magaalala naman siya. I am an honest type of person so... I'll tell him the truth.


Me: "She grown up beautiful and friendly, Frank. She have a lot of friends."


Wala pang isang minuto ay nag-reply agad siya. Parang bago ko pa lang ata na-sent iyon eh. Kung hindi lang talaga namin siya pinaguusapan ngayon ay naisip ko ng gusto niya akong ka-chat. Ganoon naman tayo 'di ba, girls? Nag-a-assume rin tayo agad na wala pang kasiguradohan o explenasyon. 


Frank: "That's good. Malimit ko rin siyang nakikita... and it's sad na hindi niya ako mapansin man lang. Ni eye contact man nga lang, eh. But it's okay dahil makaka-move on ako paunti-unti."


Me: "I'll tell you frankly na hindi pa ako nakaranas ng ganiyan so that I can't say na makaka-move on ka rin. Pero kung gusto mong makaka-move on nagagawan naman iyan ng paraan."


And we started chatting about her, mga nagustohan niya kay Ashley at sa mga ayaw niya rito. Patawa-tawa nga ako sa ibang chat niya a about lang naman kay Ash. I can say na seryoso siyang tao dahil hindi siya nagbibiro. Parang timang lang siguro akong patawa-tawa kahit hindi naman iyon joke. Like, sabi niya clumsy si Ashley, gusto niya raw ang ganoon. Dahil daw ang cute niya tuwing nadadapa or what. She's showing some emotion, of course. Buti nalang hindi ako clumsy masakit naman kasi ang ganoon, noh!


Frank: "Ayaw ko pang maka-move on sa kaniya pwede bang e-update mo ako sa kaniya?"


Me: "Sure. Kahit anong oras pa :)."


Frank: "Aww thx, Ven."

Collection of StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon