| rumors |

215 27 24
                                    

Nakatingala sa kalangitan habang nakikinig ng music sa earphone, ang palagi kong ginagawa kapag tapos na ako sa gawaing bahay. Isang earphone lamang ang gamit ko. Nandito ako sa labas ng bahay namin na nakaupo sa sanga ng punong mangga. Bakasyon ngayon at ang iilang mga tao ay siguradong nagpapakasaya pero ang mahihirap ay nasa loob lamang ng bahay. Habang nakikinig ako ng musika ay naghahabulan naman ang mga kapatid ko sa loob ng bahay, akala mo'y mga bata pa eh matatanda na. Nineteen at eighteen na ang dalawang iyan at ako naman ay twenty-five. Masaya ang buhay namin kahit na patay na ang aming mga magulang, namatay sila noong twenty ako dahil sa isang aksidente. 

"Ate, ate!" Tawag ng aking kapatid na si Carla habang tumatakbo papalapit sa akin. Kasunod nito si Carol na tumatawang hinahabol siya. May mataas na buhok si Carla habang si Carol naman ay may mala-dorang buhok. Mapuputi ang aming mga balat. Habang ako naman ay seven-seven na buhok. Ngumiti ako nang tuluyan ng makalapit sa akin si Carla.

"Ate, Carrel inaaway ako ni Carol oh," parang batang pagsusumbong nito sa akin kasabay ang pagturo kay Carol na tumatawang hinahawakan ang kaniyang tiyan. Tumabi ito sa akin na parang maiiyak na kaya naman tinanggal ko ang earphones ko at hinagod ang kaniyang likod. Sinamaan ko ng tingin si Carla na hindi matinag kakatawa. 

"Ano namang ginawa mo, Carol rito sa kapatid nating iyakin?" Tumawa ng malakas si Carol pero wala namang nakakatawa. Papaluin ko sana siya ng earphones ko nang umilag na agad siya, alam na alam niya na talaga ang gagawin ko. 

"Wala naman akong ginagawang masama sinabi ko lang naman ang totoo," nagpipigil niyang tawa. Lumingon ako kay Carla na ngayon ay sumisinghot na. Matanda si Carla ng isang taon kay Carol pero ito pa ay iyakin, parang bata eh. 

"Ano bang sinabi mo?" Tanong ko habang kino-comfort ang kapatid ko. 

"Sabi ko lang naman sa kaniya ay may girlfriend na ang crush niya. Eh nakita ko kasing may hinalikan itong babae sa noo." Nang sabihin niya iyon ay sa kaniya naman ako lumingon. Tinitignan niya ang mga kuko niya at kinakagat ito parang kampante lamang siya sa sinagot niya. Dapat inisip niya muna kung anong mararamdaman ng kapatid naming ito, madali lang kaya ito nasasaktan. 

"Hindi iyan totoo at kung pwede ba, Carol humanap ka muna ng ebidensya." 

"Dahil may gusto ka rin sa kaniya?" Sa pagkakataong ito ay tinignan niya ako, inosente lamang ang mga mata niya at parang bale wala lang talaga ito sa kaniya. 

Umiling-iling ako at tumayo. 

"Masama ang magsabi sa kapwa na hindi makakatotohanan, Carol tandaan mo iyan." Matapos ko itong sabihin ay nilisan ko na ang lugar na iyon. Pumasok ako sa loob ng bahay at umupo sa sofa, nagkakalat ang mga throw pillow sa sahig at may natapon pang milk shake sa center table. Hindi ko nalang ito pinansin at napapikit.

Inalala ko si Vince, ang crush ng bayan. Gwapo, mayaman, makadiyos, makatao, matapang, mabait, matalino, at kung tatawagin ng lahat ay perfect. Maraming nagkakagusto sa kaniya na halos hindi mo na mabilang, sikat na sikat nga siya sa lugar namin eh. At ang mga bagong lipat pa lamang ay nagka-crush na agad sa kaniya. Kapitbahay lang namin siya. May gusto ako sa kaniya pati na rin si Carol. Walang nagtatakangkang maghatid ng balita na may girlfriend na siya dahil susugurin ito ng lahat. Wala siyang kapatid at wala rin dito ang mga kapamilya niya. Tanging siya lamang ang bumubuhay ng sarili niya. Kaya naman kapag mayroong babaeng lumalapit sa kaniya at makikipagharutan dito ay magagalit ang lahat at susugurin papauwi ang babaeng iyon. 

Unang pagkikita namin noon ay sa simbahan... hindi pamilyar ang kaniyang mukha kaya nasabi kong bagong salta siya sa bayang ito. Ang lahat ng mga tao rito ay kilala ang bawat isa kaya naman pinagmamasdan ko siya ng mga oras na iyon. Seryoso siyang nakikinig sa sinasabi ng speaker sa harapan. Kapag kakanta ang lahat ay kakanta rin siya, kapag magdadasal naman ay ipipikit niya ang mga mata niya at mayroong iusal na mga salita. Sa pagmamasid ko sa kaniya noon unti-unti rin akong nahuhumaling. 

Collection of StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon