Chapter 3 "The Duchess"

2 0 0
                                    

*** 

Eleina POV

Sinubukan kong hanapin siya pero hindi ko na nagawa. Saan na ba nagsusuot si master Zyler? Nandito ako napadpad sa malawak na damuhan sa gitna ng mga nagtataasang gusali ng paaralan. Mabuti na lang walang gaanong estudyante ngayon kaya hindi ako pinagtitinginan. Sobrang lawak pala talaga ng paaralan na ito. Parang hindi mo kakayanin kapag nilibot mo ito ng isang araw lang. Nakakamangha. Mamaya ko na nga lang siya hahanapin. Kailangan ko ng bumalik sa silid baka mahuli ako ng pasok. Mabilis akong nagtungong muli sa pinanggalingan ko upang hindi mahuli.

Ngunit sa kasamaang palad hindi ko ito mahanap. Pilit kong tinatandaan iyon pero hindi ko maalala marahil sa pagmamadali ko kanina para mahabol si master Zyler. Huhuu anong gagawin ko? Paano ko ba 'yon mahahanap? Naiiyak akong nililibot ang aking paningin sa buong sulok ng lugar. Wala halos dumadaan kaya hindi ako magkapagtanong sa direksyon.

"Miss... Ayos ka lang ba?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita.

Halos manigas ako sa sobrang mangha ng makita ko ang kabuuan nito. Napakaganda niya. Para siyang isang angel na bumaba sa lupa. Ang ngiti niya para kang hinihila upang titigan mo siya. Mukha rin siyang mayaman tulad ng karamihan dito. Nakatitig lang ako sa kaniya ng biglang magkibit balikat ito. Mabilis na tumiklop ang aking bibig at napaayos ng tayo. Tulala na pala ako sa kaniya.

Nakakahiya...

"A-ah binibini kasi..." Halos maubusan ako ng boses ng napatitig ako sa kaniya. Diwata ba siya? Bakit parang may mahika ang mga mata niya? Siguro dapat hindi ako tumingin sa kaniya. Uso pa rin naman siguro ang diwata rito diba?

"Nawawala ka? Tama ba?" Grabe ang hinhin ng boses niya. Para siyang hindi makabasag pinggan. Tipid akong tumango sa kaniya. Hindi ko alam pero tinamaan ako ng matinding hiya. Mas nahihiya pa ako sa kaniya kesa kila master Zyler. Mukhang naabala ko kasi siya eh.

Yumuko ako upang humingi ng pasensya sa pag abala. "Pasensya na binibini bago lang kasi ako rito. Unang araw ko ngayon kaya hindi ko kabisado ang pasikot sikot dito." Sambit ko pa sa magalang na pananalita.

"No its okay." Kita ko ang napakaganda at totoo niyang ngiti. Pero kapansin pansi ang pagbabago ng emosyon niya ng mapansin niyang nakakunot noo ako.

"H-huh?" Hindi ko kasi naintindihan ang ibig niyang ipahiwatig.

"Ang ibig kong sabihin ay walang anuman." Malumanay ngunit nakangiti niyang tugon.

Kakahiya talaga ako...

"Ano bang room mo? If you want I can walked with you." Sambit nito habang matamis na nakangiti. Ang ganda niya talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dimwit Servant (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon