Alice point of view.
Alice P.o.v
Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa alok sa akin ni Andrei na maging Fvck buddy niya. Halos walang pumapasok sa aking isipin. Kundi ang kapakanan ng aking pamilya.
Ang baba tuloy ng tingin ko sa aking sarili. paano ba naman kasi, Ginipit niya ako. Jusko ano ng gagawin ko. Ah basta, bahala na nga.
Sabi ko na nga ba walang ibang maidudulot na maganda sa akin ang lalaking 'yon. Hindi ako nag kamali sa naisip ko.
Atsaka isa pa pala, Wala naman akong karanasan sa pagiging Fvck buddy na 'yan. Malay ko ba sa ganyang larangan huhu.
Malay ko sa mga ginagawa ng fvckbuddy diba? tssss.
"Oh bakit tahimik ka ata?" tanong ni Drei.
Tsss. ngayon pa siya nag tanong ah! eh samantalang hindi ko naman talaga siya iniimikan.
"Ahh wala."
"Okay sige. Ilang oras na lang hihintay natin pwede na tayong umuwi sa bahay." Sambit ni Drei.
"Ahh edi mabuti."
"Nuh ba! Bakit ganyan ka mag salita! Nakakainis ang boring Pakinggan."
"Eh ganto kasi gusto ko pake mo ba?"
"Tss! Tara may pupuntahan tayo. Atsaka ikaw nga ang taray taray mo sakin!"
Hinila ako ni Drei hanggang sa makalabas na kami ng Building. Papunta kami ngayon sa may parking lot. Ewan ko kung ano nasa isip ng lalaking 'to. hindi mo alam kung may masama ba 'tong gagawin sayo o mabuti. pero sure ako na lamang ang masama just kidding.
"Sakay!" Sigaw sa akin ni Drei.
"Pwedeng wag kang sumigaw? Sasakay naman ako..."
"Tssss. Ikaw eh! Ginagalit mo kasi ang gwapong kagaya ko." Nanglaki ang mga mata ko sa kanyang sinasabi. Parang ewan 'tong lalaking 'to. 'Di ba n'ya alam na nakakakilig s'ya.
"Kapag nasa harap na tayo ng mga friends ko dapat sweet ka okay. Isa pa, Pupunta pa pala tayo sa parlor papaayusan kita." Pahabol ni Andrei
"Wala akong perang pangbayad. atsaka hindi ko naman Kailangang maging maganda ako. Sapat na sa'kin ang itsurang mayroon ako ngayon." May mali ba sa words ko? Hahah
"Tssss! Alam ko namang wala kang pera. Basta gusto ko maganda ka!" Sagot ni Drei.
"So bakit pa tayo pupunta sa parlor?!"
"Tsss Para naman maganda ka pag nakita ka ng mga friends ko, gusto ko mamangha sila sayo! Gets mo na!"
"Oona! Boy sunget!" Napa pout ako sa kanya ang sungit n'ya. Pero hindi mo maitatangging ang gwapo n'ya.
"Eh sino ba naman kasi ang hindi magagalit sayo. Tingnan mo nga 'yang itsura mo! masyado kang mabait masyado kang mapag bigay hindi mo ipinag lalaban ang sarili mo!"
Napatulala naman ako sa Sinabi ni Drei sa akin.
Bakit nga ba? Bakit ang hilig kong mag paraya eh samantalang 'yung iba hindi maibigay sa akin 'yung dapat sa akin talaga. 'yung gusto ko! Mismo!

BINABASA MO ANG
FCKBDDY
RomanceLet me tell to everyone who wants to read this story. This story isn't what you think. Btw, I just saw the cover photo on the pinterest. Thankyou.